Nakangiti kaming umuwi nina Heaven at Paradise kagabi. Successful ang unang gabi namin bilang isang banda at hindi ko maitatanggi na 'yon ang magiging umpisa patungo sa kasikatan naming tatlo.
"Hindi pa rin ako makapaniwala," sambit ni Heaven.
Napatango ako dahil miski ako'y hindi ko rin alam na nagawa ko ang bagay na 'yon. Makapal ang mukha ko dahil wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba pero nakararamdam pa rin naman ako ng kaba at hiya kahit papaano.
Wala kaming gig ngayong araw at bukas na ulit kami tutugtog sa Chilltop. Maraming nag-request na kami raw ulit ang patugtugin at natutuwa ako dahil hindi ko inakalang papatok ang mga kanta ng Tubero sa kanila.
"Hindi ako nakatulog kagabi," sabi ni Paradise habang hinahawak-hawakan ang pisngi.
Natawa ako nang palihim dahil mukhang wala nga siyang tulog. Iba talaga 'pag firstime. Hindi mo talaga makakalimutan.
"Pupunta lang ako sa isang fast food chain, bibili ako ng pagkain natin," paalam ko sa kanila dahil hindi pa kami nakakapag-almusal mula kanina.
"Bibili naman ako ng cake para i-celebrate ang success natin," nakangiting sambit ni Heaven na agad ko ring tinugunan.
Ngayon lang kami mag-ce-celebrate kaya ayaw kong kumontra sa kanilang dalawa lalo't sila rin ang dahilan kung bakit may pera kami ngayon.
"I'll buy a drink, what do you think, Hell? Red wine or champagne?" tanong ni Paradise habang nakangiti sa akin.
"Kayo ang bahala," sagot ko dahil kahit ano ang piliin nila, pareho ko naman akong umiinom n'on.
"Red wine and champagne on the go," ani Paradise habang binibitbit na ang shoulder bag, gayon din ang ginawa ni Heaven.
Pinagmasdan ko lang sila na makalabas at nang makita kong wala na sila'y tumayo ako sa sofa at dumiretso sa aking kama. Kinuha ko ang allowance ko at tinago ko ang perang kinita namin nina Paradise. Gusto kong i-save 'to incase na may mangyari.
I went down the stairs nang makuha ko na ang pera. Huminga ako nang malalim at pumunta na sa garahe kung saan naroon ang kotse ko.
Sumakay ako ro'n at nagsimula nang magmaneho. Balak ko na pumunta na lang sa simpleng fast food chain, 'yong hindi gano'n kamahal at hindi gano'n kamura, 'yong sakto lang pero sulit ang pera.
Nang makita ko na ang isang fast food chain ay itinabi ko sa parking lot ang aking sasakyan. Bago tuluyang maglakad muli ay hinawi ko ang buhok ko at inayos ko ito.
Nagsimula na akong maglakad dala-dala ang itim kong pouch. Pinagbuksan ako ng guard at nginitian niya ako kaya ginawaran ko rin siya ng ngiti. Natural lang na ngitian mo ang taong pinapakitaan ka ng maganda.
"Ano kayang masarap?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa menu. Nasa harap ako ng counter at ako na ang kinukuhanan ng order.
"Super big burger, big fries, cokefloat, spicy chicken and avocado icecream. Three pieces each," nakangiti kong sabi.
Ibinigay sa akin ang receipt nang makapagbayad na ako. Umupo muna ako sa bakanteng silya at doon ay hinintay ko ang orader ko na makarating. Tinitingnan ko lang ang mga sasakyan na nagdaraan hanggang sa may umistorbo sa akin.
He waved his hand in front of me. I raised my eyebrow. Did he think na isa akong bulag?
"What are you doing?" nakataray kong tanong sa kaniya.
Nginitian niya lang ako nang nakakaloko kaya mas lalong naningkit ang mga mata ko. Tinitigan ko siya sa mukha at nang mapagmasdan ko ang itsura niya, parang pamilyar siya sa akin. Mukhang nakita ko na siya noon.
"You don't remember me, huh?" aniya kaya napaisip ako nang bahagya, inalala ko kung saan ko siya nakita o nakasama hanggang sa pumasok sa aking isipan ang rakfest.
Is he the guy I performed with?
"Yes, ako 'yon," aniya na para bang nababasa niya ang nasa isipan ko.
"So, what? Anong gagawin ko kung ikaw 'yon?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
I can't find any reason to talk to him. Napabuntong hininga ako at akmang pupunta na sana sa ibang puwesto nang hatakin niya ang braso ko.
I looked at him with confusion. Ano naman kaya ang kailangan niya? Natigilan ako nang dumapo ang aking mga mata sa namumula niyang pisngi. Napalunok ako sa 'di malamang dahilan. I suddenly remember that night, I remember how I kissed him in front of people.
"Bakit ang sungit mo?" tanong niya sa akin dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.
Binawi ko ang braso ko at tiningnan ko siya nang masama. Kung ano man ang nasa isip niya, hindi niya magagawa ang bagay na 'yon.
"What do you want?" I asked him.
He just looked at me as if I am the only woman he has ever seen. I sighed, I hate being look by someone like this. I'm not a princess nor a deity. There's no reason for him to look at me that way.
"I just want to know you more. You really captured my heart that night and I guess we should be together," he said confidently.
"W-Wait... what the f**k are you talking? Nababaliw ka na ba? It's just a kiss. Walang ibig sabihin 'yon para sa akin kaya dapat gano'n din 'yon pagdating sa 'yo," seryoso kong sabi habang tinitingnan kung malapit na ba ang waiter na maghahatid ng mga in-order ko
Hindi ko na 'to kaya, ayaw kong may kinakausap ako na ibang tao. Pakiramdam ko, mahihimatay ako nang wala sa oras.
"Sobrang sungit. It's okay kung hindi mo ako gusto, ngayon..." He stopped for a seconds. "... I'll do anything, I'll do everything for you to like me too. It's your fault for making me fall inlove by just a kiss."
Napanganga ako sa sinabi niya. So, kasalanan ko pa na hinalikan ko siya? Ni-request niya 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang pagbigyan siya.
"f**k you," sambit ko at saktong dumating ang mga order ko.
Kinuha ko iyon at aalis na sana nang hatakin niya akong muli.
"f**k me," seryoso niyang sambit na nagpakunot sa aking noo. Is he serious? What a guy.
"I don't f**k with strangers pero kung 'yan ang gusto mo para tigilan mo ako. Let's do this, dito na mismo," matapang kong sagot ko sa kaniya dahilan para tumawa siya nang napakalakas.
Tinitigan kami ng mga tao na para bang magkarelasyon kami na nag-aaway. Bakit ba kasi bigla-bigla na lang may manggugulo sa buhay ko? Ayaw ko ng mga taong kikilalanin ako kunwari tapos iiwanan lang din naman ako kapag nalaman na nila 'yong mga gusto nilang alamin.
"I like you. Mas lalo kitang nagustuhan dahil sa tapang na ipinapakita mo sa akin kaya hahanapin kita kahit nasaan ka pa. Look." Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat ito sa kaliwa niyang dibdib.
"Simula ngayon, sa 'yo na ang puso ko. Sa 'yo lang 'to," aniya habang tinititigan ako nang diretso sa mga mata.
Halos mapapikit ako nang mariin sa kahihiyan. Napagmasdan ko rin kung paano kami kuhanan ng litrato ng mga grupo ng babaeng kumakain sa katabi naming mesa. Nakatingin sila sa lalaking 'to na alam ko ang pangalan ay Fire. Kilig na kilig sila habang nakatitig sa kaniya.
Binawi ko ang kamay ko at walang anu-ano'y nagmadali akong pumunta sa kotse kong naka-park. Inilagay ko ang mga pagkain sa upuan at para mabawasan ang inis ay binuksan ko ang car radio. Nakinig ako sa music at saktong old song ang mga pinapatugtog sa radyo ngayon. Mabuti na lang.
Mayamaya pa'y narating ko na ang bahay na tinutuluyan namin nina Hell. Ipinarada ko ang kotse sa garahe bago bitbitin ang mga pagkaing binili ko kanina.
Nagsimula akong maglakad at sinalubong ako ni Heaven, tinulungan niya akong magbitbit ng mga pagkain. Inilapag namin ang mga 'yon sa lamesa na katapat ng sala.
"Ang dami!" bungad ni Paradise nang makita niya ang mga binili ko.
Nakahanda na ang cake, red wine at champagne kasama ang mga pagkain sa lamesa. Ang dami naming kakainin at hindi ko alam kung almusal pa ba 'to.
"I met a guy," wala sa sariling sambit ni Paradise dahilan para mapatingin kami sa kaniya.
"I met a guy too," sambit din ni Heaven.
Napakunot ang aking noo at nagsalubong ang kilay ko. Mukhang tatlo kaming minalas ngayon.
"Minalas din ako," singit ko sa usapan.
"I don't think na malas 'yon. He's so handsome and... ugh! Gusto ko siyang makitang muli," sambit ni Paradise habang nakatingin sa kung saan habang hindi ko maipinta kung ano ang itsura niya, para siyang inlove na ewan.
"Me too. Pero... ayaw niya na akong makita," bulong ni Heaven na narinig ko.
Mukhang hindi narinig ni Paradise ang sinabi ni Heaven dahil wala akong narinig na sunod-sunod na tanong mula sa kaniya.
Tiningnan ko si Heaven at wala akong makita sa mga mata niya kundi kalungkutan.
"Ano ang nangyari?" tanong ko kay Heaven na nakatulala lang habang isinasawsaw ang fries sa ketchup.
"Nakilala ko siya sa rakfest tapos kinausap niya ako, tapos kamukha niya talaga 'yong drummer ng Metal Angels, hindi ko alam. Ang pogi niya," sagot ni Paradise sa tanong ko kay Heaven.
Napairap ako dahil bukod sa hindi naman siya ang tinanong ko, bakas pa sa boses niya ang labis na paghanga sa lalaking tinutukoy niya.
"I'm not asking you," seryoso kong sabi na mukhang hindi niya na inintindi.
Mukhang mapupunta lang sa wala ang celebration na 'to.
"Badtrip na nga ako sa lalaking 'yon, ma-ba-badtrip pa ako sa inyo. Nice," nakangiting sambit ko sa kanila na mukhang hindi nila narinig.
Napabuntong-hininga ako at kinuha ko na lamang ang red wine. Nagsalin ako sa baso naming tatlo at ibinagay ko iton sa kanila.
"Cheers," sambit ko.
Itinaas nila ang kani-kanilang baso at pinagdikit-dikit namin ito. Sabay-sabay naman iyong ininom at napangiti ako dahil ang sarap ng lasa nito. Magaling talaga si Paradise pagdating sa pagpili ng mga inumin.
Bumalik na naman silang dalawa sa pagiging tulala kaya napabuntont-hininga na lamang ako at uminom na lamang ako nang mag-isa.
Mukhang wala talaga sila sa katinuan. Kinuha ko ang burger na binili ko at isusubo ko na sana 'to nang biglang lumabas ang imahe ng lalaking nakasama kong mag-perform noong rakfest.
Tinapik-tapik ko ang magkabilaan kong pisngi. Hindi puwede 'to, kailangan ko na siyang alisin sa isip ko.
Naiuntog ko na lamang ang ulo ko sa pader nang hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mapupula niyang pisngi.
"Nakakainis ka!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.
Naagaw ko ang atensyon nina Heaven at Paradise. Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha, paulit-ulit din nila akong tinanong kung ano ang problema ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig, wala ni isa.
Bakit ba naging ganito ang epekto niya sa akin? Bakit ba kasi hindi ko na siya makalimutan?