Chapter 2

1637 Words
Nakanganga at natulala si Red sa pagkagulat at hindi makapaniwala sa narinig. Please? Will you be my personal assistant? Seryoso? Yahooooo may trabaho na ako! Magiging BOY ako ng modelo! Napatayo si Red at kaagad na lumapit kay Tim na nagulat ng hilahin sya nito patayo at biglang niyakap ng mahigpit. May trabaho na ako!!! May trabaho na ako!!! Isa na akong BOY! Hahaha wait..... YES you will be my BOY!!! Hahaha okay na nasasakal ako. Thank you Tim! Halos nagkadikit ang mukha nila Red at Tim nang nagkahiwalay. Nasa mata ni Red ang lubos na kaligayahan dahil sa wakas ay may trabaho na sya. Pero iba naman ang apoy na nasa mata ni Tim habang halos tagos sa kaluluwa ang mga titig nito kay Red. Nailang si Red at biglang nahiya sa ginawa nang mapansing sa kanila nakatingin ang halos lahat ng tao sa restaurant dahil sa agaw eksenang reaksyon nya sa offer na trabaho ni Tim. Sorry natuwa lang ako na sa wakas may trabaho na ako. Hindi lang basta trabaho libre kain pa at bahay at ganun ba talaga kalaki ang sweldo ko? Bakit maliit ba? Dagdagan pa natin lets say 30k? No no no hindi.... actually sobrang laki na ng sahod na yun at di ako makapaniwala. So magiging BOY lang ako susweldo ako ng ganun kalaki? Kanina ka pa boy ng boy you will be my P.A. unless you really want to be my BOY? May pag akit sa mukha ni Tim na di na gets ni Red. Ganun na nga BOY katulong... utusan alalay.... house boy! P.A. ba ang tawag nyo sa ganun? Sa amin kasi sa Leyte BOY ang tawag doon. Tim salamat! Kung alam mo lang sobrang saya ko ngayon! Grabe! You look cute when you smile. I like it! I love you na nga!!! Like ka ng like eh hahaha ..... biro ni Red. Iba ang dating ng biro na yun kay Tim. Kahit alam nyang biro lang ang sinabi nito may kurot na haplos sa kanyang puso na nagpangiti sa kanya. Kelan ako mag uumpisa? Gusto mo ngayon na! I need you now! Wow! Agad agad! Sige sige saan ka ba nakatira? Kukunin ko na ang mga gamit ko sa boarding house. Yesss may magandang trabaho na ako! Ikaw saan ka ba nakatira? Sa Barangay Malamig! Lets go! Lets get your thing at dadalhin na kita sa Barangay MAINIT! May panunukso nanaman sa kindat ni Tim na kahit sya ay di maintindihan at bigla ata syang naging flirt dahil sa lalaking to na may kakaibang dating sa kanya. Habang binabagtas ang Tulay ng Guadalupe ay napanganga si Red ng makita ang napakalaking billboard ni Tim sa harapan nya. Tim ikaw nga yun! Ayun oh kaya pala parang familiar ang itsura mo sa ID ikaw pala yun. Sikat na sikat ka nga! Hindi rin. Di mo nga ako kilala eh. Sorry na huwag ka na magtampo alam mo namang hindi ako mahilig sa showbiz eh. Ay baka lumagpas ka liko tayo dyan sa Pioneer andun yung Malamig sa likod ng G.A. Tower. Dito ka nakatira? Hindi dyan sa likod pa nyan. Dito ka muna ha magpapaalam lang ako kay Tita Bella yung landlady namin. Mabilis lang to kunti lang naman ang mga damit ko eh. Kunti lang pala sama na ako! Sinuot na ni Tim ang kanyang black leather jacket at dark shades para kahit papaano ay maikubli ang mukha sa mga taong alam nyang magkakagulo kapag nakilala sya saka sumunod kay Red. Maswerte namang walang tao sa kalye ng bumaba sila sa kotse. Isang maliit na daanan papasok ang sinabi ni Red na likod. Sa mahigit dalawang taon ni Tim sa Maynila ay ngayon lang nya nakita ang ganitong anyo ng kabisera. Ang squatter na tinatawag. Halika pasok ka..... eto yung tinitirhan ko. Nagpalinga linga si Tim at nahabag sa kalagayan ng tinatawag na tirahan ni Red. Palibhasa sanay sa karangyaan may kurot at awa sa kanyang mukha ng makita ang napaka liit na kwarto na mas mapaki pa ata ang closet ng mga damit nya. Pasensya na wala kaming upuan eh upo ka nalang dito sa higaan ko. Halos mauntog si Tim at di kagkasya sa double deck bed na gawa sa light plywood material. Paano pa kaya kapag andito ang tatlong kasama nyang nakatira? Para silang sardinas na nagsisiksikan sa maliit na kwarto na to. Dito ka nakatira? Okay ka lang ba dito? Maayos pa nga to sa tinitirhan kong kubo sa Leyte. Saka eto kasi ang pinaka murang boardinghouse na nakita ko. Teka lang ayusin ko lang ang mga gamit ko saka magpapaalam na ako kay Tita Bella. Habang nag aayos ng gamit si Red ay may taong sumulpot sa pinto. Red nagmeryenda ka na? Eto oh binili kita ng banana...... OH EM GEE!!!! TIM? Oh my gahd nananaginip ba ako? Juice ko hihimatayin ata ako! TIM!!!! Yung artista! Ikaaaawwww ngaaaaa!!!!!!!!!! Nagulat si Red sa bigpang pagtili at halos mahimatay na baklang boarder na sa kabilang kwarto umuupa. Lebirato anong nangyari? Akala ko may sunog eh! Ikaw talagang bakla ka natutulog ako malandi ka ang ingay ingay mo!!! Tita Bella si TIM!! Si TIM andito sa kwarto OH MY GAHD. Sino ba yang Tim na yan? Teka..... di ba yan yung artistang modelo sa Tulay? Oo nga sya yung artista!!!! Hello po! Halos magsiksikan ang lahat ng mga boarders sa harap ng pinto ng kumaway at ngumiti si Tim. Tita kilala nyo pala to? Sa kanya na po ako magtatrabaho. Magpapaalam na ho sana ako sa inyo kasi libre bahay at kain daw ako dito sa Boss ko. Teka totoo ba ito? Sa sikat na artista at modelo ka magtatrabaho? Opo Tita kinuha ko pong P.A. si Red. Sinamahan ko na para kunin ang gamit nya. Teka paanong nangyari na sya ang gagawin mong alalay? Baka pwedeng ako nalang? Hahaha ngayon lang po kasi ako nakakita ng taong di ako kilala. Saka kung ibang tao siguro ang nakapulot ng wallet ko baka di na yun binalik sakin. Kaya sigurado po akong mabuting tao tong si Red. Ay oo naman sobrang bait nyan sa lahat ng boarders dito yan ang pinaka gwapo at ang pinaka mabait. Ang swerte mo Red isang celebrity ang amo mo! ☆☆☆☆☆ Saido! Hahaha do you missed me? Come here give me hugs and kisses. Red please come in.... welcome to Barangay Mainit hahaha Aw...aw....aw.... Hey..... ikaw Sai ha ipinagpalit mo na ako kaagad! Ang cute ng aso! Saido ba pangalan nyan? Hahaha Aliw na aliw si Tim sa pag welcome ni Sai kay Red sa condo nya sa pamamagitan ng pagdila nito sa buong mukha ni Red. Now he knows that he has the right guy inside his house. May attitude kasi si Saido kapag hindi nito gusto ang bisita nya lalo na ang mga one night stand nya inaaway ng pinakamamahal nyang aso. Mag isa ka lang nakatira dito? Napakalaki! Napaka ganda! Parang palasyo! Isang Penthouse unit ng Posh Condominium sa Mc Kinley ang nabili ni Tim dahil sa sarili nyang pagsisikap sa pagmomodelo at artista. May dalawang palapag at nasa taas ang kwarto. Glass wall ang harapan kaya napaka ganda ng view ng Makati at sa baba ay kitang kita ang buong Manila Polo Club. Dalawa kami ni Saido ang nakatira dito. Yung dating P.A. ko hindi dito nakatira uwian sya sa kanila. This is my bachelor's pad pero dahil sayo tatawagin ko tong Barangay Mainit! Mahilig ka din pala sa aso? Hindi lang aso...mahilig ako sa HAYOP... pusa...kambing...baboy kalabaw.... Habang nagsasalita si Red ay naghuhubad naman ng damit si Tim hanggang sa bumalandra ang napakaganda nitong katawan.... sa kabayo....pati.... Grrrrrrrr..... grrrrr.... Nag astang Tigre si Tim na akmang kakalmutin si Red.... Pati ako? Hayop din kaya ako. Grrrrrr grrrr.. hahaha Loko loko ka talaga! This will be your room maayos at malinis naman yan kahit walang natutulog. Bihira lang kasi ako nagkakaroon ng bisita. Huh.... eto ba talaga ang kwarto ko? Eh mas maganda pa to sa kwarto ng pinaka magandang hotel doon sa Tacloban. Kitang kita ang magandang view sa labas.... para naman akong Prinsepe dito. Lumapit si Red at sumilip sa glass wall. Naku ang kapal ng ulap ulan mukhang masama ata ang panahon.... Ganito naman talaga ang panahon ngayon gawa ng Global Warming. Mula sa magandang panahon bigla nalang uulan na akala mo may bagyo. The weather is so unpredictable.... parang buhay din ng tao.... unpredictable.... Waaaahhhh..... huhuhu.... Biglang kumulog ng malakas na sinundan ng sunod sunod na kidlat. Napatakbo si Red at napayakap ng sobrang higpit kay Tim na kina-out-balance nito at natumba silang magkapatong sa kama. Nanginginig sa takot. Nakapikit. Halos hindi makahinga si Tim sa higpit ng yakap ni Red sa kanya. Takot ka pala sa kulog at kidlat? Its okay ayan bumuhos na ang ulan.... nawala na ang kidlat at kulog.... calm down its just a thunder storm. Hindi humiwalay si Red sa mahigpit na pagkapit sa katawan ni Tim hanggat di tumugil ang kulog at kidlat. Sorry kanina.... hindi ko mapigilan ang sarili ko. May phobia ako sa bagyo! Sa kulog....kidlat....malakas na ulan.... sa baha. Medyo tumigil ang malakas na ulan habang patuloy sa pag luha ang kalangitan sa mahinang ambon habang kumakain ng haponan ang dalawa. Hindi ka ba nagluluto dito? Sayang naman ang kitchen mo. Im used to ordering food or eating outside. Thats the perks of living alone. Ipagluluto kita minsan! Talaga? Sige gusto ko yan! Hindi nga ako nagkamali na kinuha kitang BOY! P.A.! Hahaha nahawa na ako sayo eh pero I like the idea of calling you.... My BOY! Naging masaya ang unang gabi ng dalawa bagamat muli nanamang nabuhay ang alaala ng masaklap na nakaraan ni Red dahil sa hindi inaasahang pagsama ng panahon. Isang nakaraan na pilit nyang kinakalimutan at umaasang makakabangon sa bangungot tatlong taon na ang nakalipas. ☆☆☆☆☆ Itutuloy ☆☆☆☆☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD