bc

Boys Love Trio

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
comedy
sweet
bisexual
humorous
serious
mystery
gay
like
intro-logo
Blurb

A love triangle Boys Love story that will make you thrilled.

Naging mag- bestfriend sina Red Mateo at Blue Guaves simula noong sila ay nasa grade 1 dahil sa kanilang pangalan. Lumaking parang magkapatid subalit kinalaunan sa paglipas ng panahon ay umibig ng palihim sa isat isa. Pagibig na hindi nila maamin  hanggang sa dumating ang trahedya na dala ng super typhoon Yolanda kung saan nasa bingit sila ng kamatayan. Nagtapat si Red ng kanyang pag ibig kay Blue habang inaanod ng storm surge sakay sa isang salbabida. Naligtas sila at napadpad sa isang malaking barko kung saan pinag isa nila ang damdamin at katawan at nangako sa isat isa na magmamahalan magpakailanman. Subalit panibagong pagsubok ang dumating pagkahupa ng bagyo kung saan sila ay pinaghiwalay ng di inaasahang pangyayari.

Si Tim Yang ay anak ng bilyonaryong Filipino Chinese mula sa Shanghai na naghahanap ng true love. At natagpuan nya ang tunay na pag ibig ng di sinasadyang makilala nya si Red sa isang mall. Isang sikat na artista at modelo na lihim na itinago ang totoo nyang antas sa lipunan para mahalin ng taong napupusuan nya bilang siya at hindi dahil sa yaman ng kanyang pamilya sa China. Nagtrabaho sa kanya si Red bilang personal assistant subalit kung kelan siguradong sigurado na si Tim sa kanyang nakitang true love ay saka naman sumulpot si Bernard ang bago nyang ka love team sa BL Movie na sa totoong ay si Blue Guaves ang pangalan ang nawawalang bestfriend lover na matagal ng hinahanap ni Red.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
717-D Lunas St Barangay Malamig Mandaluyong City Sa wakas natapos ko din ang pagfill-in ng Biodata para sa panibago kong pagbabaka sakaling makahanap ng trabaho. Mahigit dalawang buwan na ako sa boarding house na to sa Mandaluyong. Sa loob ng dalawang buwan ay sampung beses na ata akong pumunta sa ibat ibang agency mall at opisina para makahanap ng trabaho pero palagi akong bigo. Ang isa sa naiisip kong dahilan ay dahil High School lang ang natapos ko at wala akong pormal na work experience. Mabuti nga nakatapos pa ako ng high school..... Agad kong binura sa isip ang isang bangungot na pumasok sa isipan ko. Hindi ito ang panahon para sariwain ang mga nangyari sa buhay ko bago ako nakatungtong ng Maynila mula Leyte. Ipinangako ko sa sarili na kalimutan na ang nakaraan ko at tumingin sa hinaharap. Ngunit sa ngayon ay malabo pa atang magkaroon ako ng magandang kinabukasan sa pakikipag sapalaran dito sa Maynila. Kung may roon man akong baong pag asa yun ay ang matagpuan ang isang tao na natitirang mahalaga sa akin. Yung dahilan kaya nandito ako ngayon. Pero paano ko sya makikita dito? Ni hindi ko man lang alam kung saan sya dito nakatira. Bahala na. Kapag muli kaming pinagtagpo ay tadhana na ang makakapag sabi. Inilagay ko sa folder ang Biodata at nahiga na sa maliit na kama na inuupahan ko bilang bed spacer sa halagang P1,500.00 isang buwan. Mabuti nga at pumayag ang landlady namin na wala akong depositong isang buwan na advance. Hindi ako dalawin ng antok habang nakahiga. Ibat ibang problema ang pumapasok sa isip ko tulad ng kakaunti nalang ang nakatabi kong pera. Paano kung matagalan pa bago ako makahanap ng trabaho? Sana matanggap na ako bukas eto lang kasi ang nag iisang trabaho na nakita ko sa classified ads na atleast High School graduate lang ang requirements. Ang importante ay may pleasing personality daw kaya malakas ang chance kong matanggap. ☆☆☆☆☆ Blue ba talaga ang pangalan mo? Oo ako si Blue Guaves ikaw Red ang pangalan mo di ba? Oo Red Mateo. Ang galing may kaklase akong kulay din ang pangalan! Red and Blue tayo! Oo nga siguro dapat maging magbest friend tayo kasi parehong makulay ang pangalan natin! Sige mula ngayon Blue ikaw na ang bestfriend ko! Eto o may baon akong sandwich bestfriend Red hati tayo! Eto may baon din akong juice Blue sayo ang kalahati! ☆☆☆☆☆ Nakatulog ako dahil sa magandang alaala na yun noong grade 1 ako. Isang alaala na hinding hindi ko makakalimutan at nagpapasaya sakin sa tuwing iniisip ko. Red Mateo salamat sa pagbigay ng oras para sa interview na to. Tatawag nalang kami kapag natanggap ka. May celphone number ka naman dito di ba? Opo maam. Kailan po kaya kayo makakatawag? Within the week. Kapag di ka natawagan hanggang Friday ibig sabihin may iba kaming kinuha. Sige po salamat. Medyo nalungkot ako sa isiping baka di ako matawagan sa loob ng isang linggo. Pero sinabi sa akin ng nag interview na ako daw ang pinaka gwapong aplikante kaya malaki ang pag asa kong matanggap. Pasado alas dos na ng hapon at di pa ako nanananghalian. Ang mamahal naman kasi ng pagkain dito sa Market Market kaya tiniis ko nalang ang gutom hanggang sa makauwi ako sa boarding house. Mag isa akong naglalakad at halos kakaunti lang ang tao sa mall ng mga oras na yun nang may nakita akong pitaka sa sahig. Nagpalinga linga ako ngunit wala akong makitang tao na maaring nakahulog na may ari kaya binuklat ko at tiningnan ang loob ng kulay itim na leather wallet. Huh andaming credit cards? Wow ang kapal ng pera na magkahalong tig iisang libo at five hundred pesos. Derecho lang ako sa paglalakad habang hinahalungkat ang pitaka. Eto may ID ng may ari. Mukhang familiar ang nasa picture ah? Hindi ko maalaala kung saan ko nakita yung familiar na mukhang yun pero may nakalagay na celphone number yung isang papel na nakaipit sa likod ng ID kaya ginamit ko yun para itext ang may ari. Sir napulot ko po ang wallet nyo. Wala po akong pantawag at baka di na din makapag reply pero andito pa ako sa mall kung saan ko nakita. Aantayin ko po ang text o tawag nyo para maibalik ko sa inyo ang pitaka nyo. Sent! Mabuti na send pa may hatitira pa pala akong load. Naupo muna ako sa sa upuan malapit sa maliit na fountain sa harap ng Market Market entrance nang..... Ring..... ringgg.....ringggggg Hello po!? Kayo po ba ang may ari ng wallet? Yes thank you for texting me. May mga importanteng ID ako dyan nasaan ka? Nandito lang po sa labas ng entrance ng mall sir. I hope you dont mind if I ask you to come here? Im in the middle of something. Okay lang ba? Opo okay lang po saan ko kayo pupuntahan? Dito sa Bench Store sa ground floor pakisabi lang sa guard o sa staff na you have my wallet para makasingit ka. Okay po papunta na. Salamat see you! Malapit lang yung Bench store nadaanan ko yun bago lumabas at sobrang daming tao doon kanina. Baka may bagsak presyo na SALE doon kaya nagkakagulo ang mga tao. Malapit lang din doon kung saan ko napulot ang wallet kaya malamang sya nga yun walang duda. May isang gwardiya sa entrance kaya lumapit ako. Sir pinapunta po ako ng may ari ng wallet na napulot ko nakausap ko na po sya sabi sabihin ko daw sa inyo na andito na ako. Sino ba yung may ari na yan? Hindi ko po kilala eh. Pero eto po oh may ID na nakalagay. Binuklat ko at pinakita ang ID na nasa gitna ng wallet. Napailing ang guardia ng makita ang ID na ipinagtataka ko. Hindi mo kilala Si Tim? Hindi nga Tingnan mo yun! Yun ang may ari! Teka lang tatawagin ko lang yung manager dito. Naiwan akong salubong ang kilay. Ilang beses kong inilipat ang tingin pabalik balik sa ID at sa napakalaking larawan ng lalaking naka brief na nakabalandra ang napakakisig katawan sa wall ng store. Waaaaahhhh yun ang may ari ng wallet na to? Kaya pala familiar. Bench Body Model pala to. Hello ikaw ba ang nakapulot ng wallet ni Tim? Halika dito antayin mo daw syang matapos sa Calendar pin up signing. Mga 10 minutes pa tatapusin nalang namin ang mga nakapila na to then paalis na yan. Dinala ako ng lalaking manager sa gilid para mag antay. Hindi ako nakapagsalita dahil parang na starstruck sa napaka gwapong model na abalang nagsasign ng parang magazine saka nagpapapicture sa mga fans. Halos mapuno ang store sa dami ng tao na gustong makita at makuhaan ng picture yung Tim na modelo. Hindi ko pa din sya kilala kahit siguro sobrang sikat sya. Last 10 na po. Aalis na po si Tim pagkatapos ng lucky 10 na nakaabot sa cut off. Nakatayo lang ako sa tabi at nag aantay na parang walang pakialam. Oo nga gwapo! Maganda ang katawan. Matangkad. Pero walang epek sakin yun. Iisang lalake lang sa mundo ang nagpapabakla sakin.... Si BLUE! Hi ikaw daw ang nakapulot ng wallet ko? Nagulat ako ng makalapit na pala yung Tim sakin. Nawala ako sa kawalan dahil sa iniisip ko nanaman ang mga magagandang alaala ng taong dahilan kong bakit nandito ako sa Maynila. Aaahhh.....OO.... eto po ang wallet nyo sir. Wala po akong ginalaw dyan maliban sa ID. Sige po alis na po ako. WAIT..... here take this as a token of appreciation. Kinuha nya ang lahat ng perang papel sa loob at inabot sakin. Ay hindi po. Nakakahiya. Ibinalik ko po yung pitaka nyo dahil sa inyo yan. Hindi ko po ibinalik yan dahil sa pabuya. Sige po alis na ako di pa ako nagtatanghalian eh...... sorry po... ayan nagrereklamo na ang mga alaga ko. Napahawak ako sa tyan ng tumunog ang kumakalam na sikmura sa gutom saka akma nang tatalikod para umalis nang.... Wait..... halika ka! Guard lets go! Hinawakan ako ng Tim sa kamay at hinila. May mga gwardyang nakaalalay sa amin para umawat sa mga taong nagkakagulo. Nagpatianod nalang ako dahil sa pagkabigla at dahil sa naguguluhan sa mga pangyayari at hindi makawala sa mahigpit nyang hawak sa kamay ko. Mabilis kaming nakarating sa parking dahil sa halos patakbo kaming nagmadaling makaiwas sa mga taong sumusunod. Pasok ka bilis! Guards thank you! See yah! Nakita ko pang kumaway sya sa mga inaawat ng mga gwardiya na fans bago nakapasok sa driver's seat. Saan mo ako dadalhin? Di ka naman siguro kidnaper di ba? Hahaha I like You! Let me atleast treat you for lunch to thank you for returning my wallet. Hindi pa tumagal ay nasa parking na kami ng isang mukhang mamahaling restaurant sa BGC. Let's go! Napaka sosyal ng restaurant na to dahil siguro sa sobrang mahal ng pagkain kaya walang katao tao. Iilang table lang ang mga may nakaupo at hindi man lang pinansin ang modelong kasama ko. Kaya siguro dito nya ako dinala para di sya pagkakaguluhan. Here order what you want! Eh sir ang mamahal ng pagkain saka di ko alam kung anong pipiliin ko dito. Please huwag mo na akong tawaging Sir. Call me Tim.....ah let me order for you my favorites then. Hinayaan ko nalang syang umorder sa waiter at nagpalinga linga sa paligid hanggang sa makaalis na ang waiter para ihanda ang inorder nyang di ko alam kung alin doon. Ano nga pala ang pangalan mo? Hindi ko man lang naitanong kanina. Red po. RED MATEO. Red huwag mo na akong pino-po halos magkaedad lang naman tayo eh. Just call me Tim. Hindi mo ba talaga ako kilala? Nakangiti sya sakin na parang aliw na aliw sa nagtatakang itsura ko na parang di sya makapaniwala na di ko sya kilala. TIM..... ikaw si Tim yung modelo ng brief. Nakita ko doon sa Bench yung picture mo sa dingding..... And......then.......???? Sorry hindi kasi ako mahilig sa social media... sa showbiz magazine at kahit sa TV....kaya di kita kilala! Hahahaha I LIKE YOU! Red Mateo naaliw ako sayo! Hahaha. Here andito na na yung food kumain ka muna mukhang gutom na gutom ka na eh. Dalawang beses na akong sinabihan ng lalaking to ng I LIKE YOU di kaya bakla to? Natakam ako sa amoy ng mga pagkaing nilapag ng waiter sa harapan namin. May gulay na sariwa yun ata ang fresh garden salad. May steak na sa halip na kanin ay french fries ang kasama at may dalawa pang putahe na di ko alam pero mukhang mamahalin at masarap. Go ahead alam kong gutom ka na. Lets eat medyo nagugutom din ako eh. Eto try mo to masarap yan. Hindi na ako nahiyang nilamon ang mga masasarap na pagkain sa harap ko dahil sa gutom. Hindi kami nagkikibuan at abala akong kumain habang pangiti ngiti sakin si Tim habang pinagmamasdan akong parang patay gutom na di magkanda ugaga sa kakanguya. Burrrpppp.... sorry napasarap yata ang kain ko! Here mag mango shake ka. At etong cheese cake for dessert. I hope nabusog ka sa treat ko. Gusto ko uli magpasalamat na binalik mo yung wallet ko. Napakahirap mag apply ng driver's license at mga ID replacement and Im so amazed na may mga tao pa palang nagbabalik ng napulot na wallet ngayon? And one lmore thing.... bihira akong makakita ng taong di ako kilala kaya.. I LIKE YOU! Nanaman? Tatlong beses mo ng sinabi sakin yan baka ma-inlove na kayo sakin sa kaka I LIKE YOU nyo! Hahaha okay now I LOVE the humor! Nagigng madaldal ka pala kapag busog. Gusto mo pa bang dagdagan ko po ang pagkain? Naku busog na busog na ako tama na di ko na kaya.... salamat Tim! Saan ka ba galing bakit 3pm na di ka pa nakapag lunch? Kakatapos ko lang mainterview sa inaaplayan kong trabaho. Kaya.... Anong trabaho? Promo ng pabango yung mag aalok ng sample sa labas ng store doon sa taas.... Maliit lang ang sahod doon! GUSTO MO BANG MAGTRABAHO SAKIN? Kailangan ko ng P.A..... Ano yun??? Personal Assistant.... libre pagkain tirahan.... 20K a month. Sige na please hulog ka ng langit! I badly need a new P.A..... please? Napanganga ako at di makapaniwala sa narinig...... ☆☆☆☆☆ Itutuloy.... ☆☆☆☆☆

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook