CHAPTER 2

1437 Words
Kiana’s pov Andito ako ngayon sa apartment ko kasi Sunday ngayon at day-off ko. Miss ko parin si papa kahit matagal na syang wala. Malungkot isipin na wala ako sa tabi nya nung nawala sya. I was taking a board exam that time and malayo ang University kaya wala ako sa poder nya. Nalaman ko nalang na wala nadaw si papa at dun gumuho ang mundo ko. Ang natitira kong pamilya wala na. Magsisisi ang sinuman na gumawa saakin nito. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko makamit ko lang ang hustisya. Hindi ako kuntento sa binigay na rason ng mga pulisya, maraming butas at hindi kapani-paniwala at hindi man lang nila inimbestigahan ang tunay na nangyari. Ang sinabi lang ay car accident ngunit walang ni isang larawan ang pinakita saakin o CT sacan sa katawan ni papa. Wala ring umasikaso kase wala kaming mga nalalapit na kamag-anak dito. Wala akong natanggap kahit konti sa pagkamatay ng papa ko. Sigurado akong meron syang iniwan na pamana saakin dahil alam kong wala na syang ibang hahabilinan ng lahat ng iyon kundi ako ngunit walang inabot na kahit ano ang mga pulis saakin ni singkong duling o kung kahit anong papeles ng aming kompanya. Ang natira lamang saakin ay ang aming bahay at ang binigay saakin ni papa na debit cards nya. Wala akong nagawa kundi ang ibenta ang bahay namin at natirang asset gaya ng mga kotse namin pati ang mga rest-house namin sa Tagaytay ay nabenta nadin. *kriiiiiinggggg!!!krrrrriiiiinnnnggggg!!! Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko naman. ‘’Ijakelan mo ba kukunin itong mga natitirang gamit nyo dito. Dadating na ang anak ko bukas and we don’t have any spare room. You need to get these things ASAP!.’’ – sabi ng babae sa kabilang linya ‘’Ay! Opo sorry po nawaglit sa isip ko, kukunin ko na po yan ngayon. Papunta napo ako.’’ Sagot ko habang inaabot ang susi ng kotse at bag ko at tumakbong lumabas. That was the lady who bought our house few months ago. I need to sell our properties to provide my needs. May iniwan namang pera si papa but naubos to sustain my needs habang naghahanap ako ng trabaho. Kahit nag part-time job ako noon ay kinakapos paden ako kase wala na kaming negosyo kasi kinuha na ng mga shareholders ang kanilang bahagi at binenta ang kompanya. Kahit anong raket na ang ginawa ko para lang mabili ang mga pangangailangan ko sa mga panahong wala pa akong stable na trabaho. After that ay nagkatrabaho naman agad ako as a head chef sa isang mamahaling hotel na kilala worldwide. I decided to re-open papa’s case kasi hindi masyadong inasikaso ng pulis noon. My relatives are not here at wala din akong mga kakilala noon. I hired a private investigator and hindi biro ang sweldo kaya i decided to sell the house kasi ako nalang naman mag-isa and it was too big for me. I prefer an apartment kasi mas malapit din sa pinagtatrabahuan ko. After almost an hour, i arrived at our old house but it looks new now kasi nirenovate nila and changed the paintings and landscapes. The guard opened the gate and i parked my car as near as possible sa pintuan para di na ako mahirapan pang magbuhat ng malayo. Pagpasok ko ay nababa na pala lahat ng karton kase nilinis nadaw nila ang kwarto kaya tinulungan nalang nila akong ipasok sa compartment ng kotse ko ang mga gamit. It feels nostalgic being in our old house. The memories, the happy moments, and the things that remind me of papa hunt me whenever I look at our old house. That is also the reason why I don’t want to stay here anymore now that I am alone. Everything just reminds me of him pag nandito ako. He is the only person I am within my whole life, he was my mother, my friend, and my father. Lumaki akong sya lang lagi ang kasama and nakakapanibago lang na sa loob ng dalawang taong nakalipas ay nagawa kong mamuhay mag-isa at wala sya. Hindi biro ang pag-aadjust na ginawa at halos gabi-gabi akong umiiyak mag-isa kasi namimiss ko sya. Wala akong makausap o mapaglabasan ng hinanakit kaya inubos ko nalang ang lahat ng oras ko sa pagtatrabaho. Alam kong ginagabayan nya lang ako lagi nasaan man sya ngayon at pangako kong magiging proud sya saakin dahil nakamit ko ang pangarap nya saakin bilang isang chef. Nakauwi na ako at kaharap ko ngayon ang maraming karton sa sofa. Umupo lang ako kasi hinihingal akong magbuhat. Wala akong kasama sa apartment kase single person lang ang pwede at ayoko din ng roommates kase ayoko ng maiingay at basta ayoko lang makisalamuha ng tao. So ayon after a couple of minutes ay naligo na ako since gabi na at nagdinner nadin. Hindi pa ako inaantok kaya naghalungkat muna ako sa mga gamit na kinuha ko. I opened the first box na abot ko and I saw picture frames with me and papa. Damn, I miss him. It was me riding a horse sa carnival and he is beside me smiling widely. Nasa grade school pa ako nyan at ang liit ko pa. I just smiled at the memory. Nakita ko rin ang picture namin ni Aubrei. She is my cousin in mama’s side. She used to be my best friend but we moved kaya hindi na kami nagkita. Ang saya pa namin and i remember na sa kanila ko pa talaga unang natanong about sa mama ko. Flashback- ‘’Mommy! Mommy look I made a house!!’’ Aubrey yelled coming towards her mother while raising the house she made by leggo. Nagtaka ako why she has a mommy and I don’t. ‘’Auntie where’s my mommy?’’ 4 year old me asked Aubrey’s mother in a curious tone. ‘’Darling, I am not in the place to say this. You can ask your dad about this.’’ – she said while smiling and sympathy in her eyes. I just nodded and continues to play. ‘’Dad where’s mom?’’ I asked as soon as we were in the car after nya ako sinundo kina Aubrey and we are now heading home. ‘’Kia, let’s say that she is now in heaven but she is always watching you, guiding you and she is always in you remember that okay?’’ – he said in a sad voice. I just nodded at naghikab na ako. End of flashback- Nilapag ko yon at inabot ko ang isang black folder na nasa ilalim ng damit ni papa. I didn’t see this before kaya napakunot ang noo ko. I opened the thick folder and i saw business transactions ni papa and kontrata sa mga employees nya. Wala naman akong nakitang kakaiba until i saw the last part of it. Mga company partners ni papa at mga documents na diko alam para saan. Diko alam na nakikipag partner na pala si papa. He once told me na he would never wanted to have a partner in business kase most of the case ay magtetraitor daw ang isa o nanakawan ang kompanya that is why i find it strange to see these. This gives me an idea. Agad kong tinawagan ang private investigator ko and told him ang mga nalaman ko. Sana makatulong to para malaman ko ang totoo. The next day- ‘’OUR CREW IS ASSIGNED LATER FOR OUR SPECIAL GUEST, BE PREPARED'’– announce ng manager namin. Tumango nalang kami at nagsimulang maghanda ng mga recipe. Apollo’s pov- ‘’Come on, we need to unwind a bit! Tumatanda kang sabog sa trabaho pol’’ – Sabi ng kabilang linya. He is my bestfriend Tristan, may-ari ng pinagtatrabahuan ni Kiana. ‘’Ok fine, send the time and place‘’– suko ko. I really have no time for those things pero matagal nadin naman akong hindi nakalabas kaya pumayag na ako. -fast forward- ‘’Y-you didn’t say na dito tayo'’ – i said in a confused tone. Sa pinagtatrabahuan lang naman ni Kiana kami nagkita, and this makes me nervous thinking na may posibilidad na makita ko sya, nababakla na ata ako. ‘’Sorry dude, i don’t trust other resto other than mine’’ (tsk. yabang talaga neto) ‘’wag kang mag-alala, i chose my finest crew to serve us later kaya no need to worry'’ – sabi nya at pumasok na kami sa malaking pintuan. Kinuha na ng waiter ang orders namin at hindi ko mapigilang mapalingon kahit saan baka nandito si Kiana. ‘’So have you planned on dating someone or just know someone? Baka tatanda kang binata nyan pol hahaha’’ – at nang-asar pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD