AKALA ni Atashia kasama si Manang Lorna o kahit isang katulong man lang para mag grocery. Ngunit kahit ang driver ni Lance ay iniwan nito. Ngayon silang dalawa lamang ang pumunta sa supermarket para mamili. May listahan na siya kung anong kakailanganin sa bahay at parang nalulula siya sa haba ng listahan. Kasalukuyan niyang tinutulak ang malaking push cart para pumunta sa meat stand. Hindi niya mahagilap kung saang lupalot na si Lance pumunta. Kanina ay nasa likuran niya lang ito at kampanteng nagmamasid sa kanya habang nagpapakahirap siya sa paghahagilap ng mga kailangan niyang bilhin. Tapos nang muli niya itong lingunin ay wala na ito. Ang lokong iyon. Itinuro niya sa nagbabantay na staff ang karneng kakailanganin niya. Pagkatapos doon ay agad siyang umat

