ATASHIA knew it is wrong to eavesdrop on somebody's conversation. Pero kahit gan'on patuloy pa rin siya sa pakikinig sa usapan nina Lance at Jethro. Ang lakas ng t***k ng puso niya sa kanyang ginagawa. Pero bigla na lang tumahimik sa gawi roon. Kaya sinilip niya ulit ang mga ito. Naroon pa rin si Jethro at mag-isang umiinom. . . .. Mag-isang umiinom? Nasaan na si Lance? "So you're eavesdropping now? Bigla siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan ng makilala ang boses na nagsalita sa kanyang likuran. Halos tumigil din ang t***k ng puso niya. Para siyang isang kriminal na nahuli sa akto habang isinasagawa ang kanyang krimen. Pero kahit galit ang boses nito she also felt her heart flutter to hear his voice again for almost three weeks of having no communication with him.

