"Sa tingin mo maganda ito?" nakangiting tanong ni Dahlia kay Abel habang pinapakita ang bulaklak na pinitas nya sa hardin. Sunod-sunod naman ang tango ni Abel bilang sagot.
"Maganda Dahlia kasing ganda mo. Mali halos lang dahil wala namang papantay sa kagandahan mo," buong pusong sambit ni Abel sa dalaga. Hinaplos ni Abel ang makinis at maputing pisngi ni Dahlia. Kanyang iniayos at nilagay sa tengaang buhok na tumakip sa mukha nito.
Kinuha ni Abel ang bulaklak na hawak ni Dahlia at nilagay iyon sa tenga ng dalaga. Hindi maiwasan ni Dahlia ang mapatitig sa matipunong katawan nito at sa perpektong mukha ni Abel. Nagkatitigan sila at sa pagkakataong iyon ay para bang otomatikong sumabay ang pag pintig ng kanilang puso.
Ngayon lamang naramdaman ni Dahlia ito. Ngayon lamang sya nakaranas ng ganitong kasiyahan. Sa ilang libong pananatili nya sa bundok ay ngayon lamang bumilis ng ganito ang puso nya. Idagdag pa ang nararamdaman nyang paru-paro na nag liliparan ngayon sa kanyang tyan. Nakakakiliti iyon at syang nakakadagdag ng kasiyahan sakanya.
"Nais mo na bang umuwi Abel?" biglang tanong nya sa binata.
Nag iwas naman ng tingin si Abel at humakbang paatras na para bang iniiwasan ang tanong na iyon.
"Bakit? Gusto mo na ba akong pa alisin?" puno ng lungkot na tanong nito sakanya. Agad na hinawakan ni Dahlia ang kamay nito. Mag da-dalawang linggo na si Abel sakanya kaya naisip nyang baka nais ng umuwi ng binata
"Hindi tinatanong ko lamang. Hindi kita pinapaalis Abel."
"Kung aalis ba ako malulungkot ka?" marahang tumango si Dahlia. Iyon naman kasi talaga ang katotohanan, malulungkot sya sa oras na maisipan na ni Abel na umuwi.
"Oo."
"Kaya hindi ako aalis. Dito lang ako, hindi kita iiwan."
Napatitig si Dahlia kay Abel na ngayon ay walang kurap na nakatitig sa kanyang mga mata. Hindi mabasa ni Dahlia ang nasa isip ng binata at handa syang isugal ang lahat ng kapangyarihang mayroon sya malamang lamang nya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Maaari ba kitang maging kasintahan Dahlia?"
"A.. anong sabi mo Abel?"
Gulat na tanong ni Dahlia kay Abel. Hindi nya inaasahang maririnig nya ito sa binata. Sa ilang libong taon nyang paninirahan sa bundok ay hindi sya nakaranas ng ganito. Wala ni sino man ang nangahas na alukin syang maging kasintahan.
"Gusto kita Dahlia, hindi ko maintindihan ang sarili ko pero gusto kitang makasama," buong pusong sambit ni Abel sakanya.
"Ngunit paano ang buhay mo sa labas ng punong ito? Hindi mo maaaring iwan iyon."
"Sa tingin mo ba ay may pakialam pa ako sa buhay na meron ako sa labas? Handa ko iyong talikuran para sayo Dahlia. Handa akong manirahan dito kasama ka. Wala na akong balak alalahanin pa kung sino ba talaga ako, ang mahalaga ay nandito ako sa tabi mo."
Napa hakbang palayo si Dahlia kay Abel. Hindi nya alam ang isasagot sa binata. Natagpuan na lamang ni Dahlia ang sarili na lumabas ng kanyang tirahan at iwan si Abel na ngayon ay bakas ang sakit sa mga mata. Nalilito si Dahlia, hindi nya alam kung pariho ba sila ng nararamdaman ng binata.
Oo at kumakabog ng malakas ang puso ni Dahlia sa tuwing kasama nya si Abel at walang mapag lagyan ang kasiyahan nya sa tuwin kapiling nya ito. Ngunit sapat naba iyon?
Nag lakad-lakad si Dahlia sa kagubatan. Wala syang balak na bumalik agad. Nais nyang mag isip-isip muna. Tinitimbang nya ang mga pangyayari.
"Batid mong hindi ka pweding umibig sa isang taga lupa mahal na diwata."
Napalingon si Dahlia sa munting tinig na narinig nya. Doon nya nakita si Mayumi na ngayon ay nakasunod sakanya. Tumango naman sya bilang pag sang-ayon. Mahigpit na pinag babawal ng Inang Reyna ang umibig ang mga diwata sa isang taga lupa.
"Alam ko iyon Mayumi."
"Kung alam mo pala iyon ay bakit mo pa kailangan gulohin ang iyong isipan na para bang may balak kang bigyan ito ng pag kakataon."
Sa sinabing iyon ni Mayumi ay mas lalo nyang naitanong iyon sa sarili. Batid nyang mali ito ngunit bakit bumabagabag iyon sa kanyang isipan. Napailing na lamang si Dahlia sa kanyang iniisip. Tama si Mayumi, mali ang iniisip nya. Hindi nya dapat ito iniisip dahil wala ng dapat na isipin pa.
Samantlang naiwan naman si Abel na ngayon ay nakatulala lamang. Totoo ang lahat ng sinabi nya sa dalaga kanina. Handa syang talikuran ang buhay na kung anong meron sya sa labas. Sapat na sa kanya na malaman na Abel ang kanyang pangalan. Ang mahalaga ay nandito sya ngayon kasama si Dahlia.
"Masyado ko yatang binigla si Dahlia, tanggapin kaya nya ang pag ibig ko para sakanya?"
"Aalis ka?" takang tanong Yumi kay Abel ng makita nya itong nakasuot ng damit pang opisina
"I don't have time Yumi. I'll talk to you later."
Wala ng nagawa si Yumi kundi ang tingnan ang nobyong nagmamadaling umalis. Hindi man aminin ni Yumi ay batid nyang malaki ang pinagbago ni Abel simula ng bumalik ito dalawang araw na ang nakararaan. Pero pilit nyang binabaliwala ito dahil alam nyang si Abel parin ito, ang taong papakasalan nya.
"Is that Abel? Where is he going?"
"Yes ma, sa office po yata."
"Nako talaga yang batang yan, ayaw makinig."
Yumi is adopted daughter of Guzman family. She lives with them when she was three. She grows up as the future wife of Abel. She owes them her life and she's happy that they want to her to marry Abel. She really do loves him and she's happy that Abel didn't have a second thought on marrying her.
Nag punta si Abel sa kompanya ng kanyang Ama dahil gusto nyang malaman ang dahilan kung bakit nito pinatigil ang proyekto. Desedido syang harapin ang Ama.
"Sir! Nasa meeting pa po si Chairman."
Sinubokan syang pigilan ng sekretarya ng Ama ngunit hindi sya nakinig. Tuloy-tuloy lamang syang pumasok sa borad room kung saan naroon ang kanyang Ama. Pagkapasok nya ay awtomatiko namang nanahimik ang tao sa loob.
"Chairman sorry, nagpumilit po kasi."
"It's okay, give me a minute let's continue later. Meeting adjourned."
Nag tanguan naman ang mga tao sa loob at isa-isang nagsilabasan ng board room. Ganoon din ang ginawa ng sekretarya at ni Hener. Ang tanging naiwan sa silid na iyon ay si Abel, ang kanyang Ama at si Richie na ngayon ay kampanting nakaupo.
Hindi tinapunan ng tingin ni Abel si Ritchie. Naiinis sya rito dahil alam nyang masaya itong nakikita syang nag kakaganito. Alam ni Abel na nag hihintay lamang su Richie ng pag kakamali nya para mas bumango ang pangalan nito sa kanyang Ama.
"What is it Abel?"
"Seriously? You're asking me tha question? Alam mong pinag hirapan ko ang proyektong yon Dad, akin yon!" hindi na mapigilan ni Abel ang sumabog sa galit.
Kanina ay nagising sya sa tawag ni Hener at binalitang iti-take over ng kanyang Ama ang project Marikit kay Richie. Kaya kahit masakit parin ang sa bandang puso nya ay pinilit nyang pumasok para harapin ang Ama.
"Tapos na ang dalawang buwang binigay ko sayo. Masyado ng malaki ang nailabas na pera ng kompanya, so you think I'll still allow you to manage it again?"
"Don't worry Abel, I'll make sure to finished it as soon as possible," isang nakakalukong ngiti ang pinakawalan ni Richie na syang mas ikinainis ni Abel.
Gusto nyang sugorin ang binata at paulanan ng suntok pero pinigilan nya ang kanyang sarili. Alam nyang sya lang din ang talo, dahil sa mata ng kanyang Ama si Richie ang palaging tama at sya ang palaging masama.
"I don't care. Ibalik nyo sakin ang project na yan akin yon ako ang nag hanap sa bundok nayon kaya akin yon. No one can touch it. Try it Richie makikita mo ang hinahanap mo."
Iyon lamang ang sagot ni Abel bago sya tuloyang lumabas ng board room. Naabutan naman nya si Hener na nag hihintay sakanya sa labas. Tuloy-tuloy lamang sya sa pag lakad hanggang sa makapasok sya sa kanyang opisina.
"Anong sabi?" kaswal na tanong ni Hener. Sa oras na iyon ay batid ni Hener na hindi sekretarya ang kailangan ni Abel kundi isang kaibigan. Kaibigang mapag ku-kwentohan ng problemang dinadala nito.
Abel took a deep breath before answering.
"I will not allow that bastard to distroy my project. That's ours Hener hindi yon sakanya. Saatin yon tayo ang nag hirap."
Napa tango naman si Hener. Alam nya ang hirap ni Abel sa pag buo ng plano nito. Simula ng bilhin nito ang bundok sa mag asawa hanggang sa ngayon na unti-unti na nilang binubuo. Kasama sya ni Abel sa lahat ng bagay. Handa on si Abel sa proyektong ito kaya masakit para dito na tanggalin sa kanya ang proyekto at ibigay kay Richie.
"Relax, sigurado akong hindi ibibigay ni Chairman iyon kay Richie after all ikaw parin ang anak nya."
Iyon nanga ang nakakainis doon. Sya ang anak pero mas pinapaburan ng Ama si Richie. Sya ang anak pero ni minsan hindi sya pinagmalaki ng Ama.
Sabay na napalingon si Abel at Hener sa pinto ng may biglang kumatok at nag bukas ng pinto. Pumasok ang sekretarya ng Ama na ngayon mukhang takot parin sakanya.
"What is it?"
"Uhm kasi sir sabi ni Chairman papayag na raw po syang hindi kunin sa inyo ang project."
"And what's the catch?"
Alam ni Abel na may kapalit iyon. Ganoon katuso ang kanyang Ama. Hinding-hindi ito papayag ng ganon-ganon nalang.
"Make an interview po to clarify things na hindi po kayo nawala sa bundok kundi nag bakasyon lang daw kayo."
Abel nodded as an answer. Wala naman iyong problema para sakanya. Kayang-kaya nyang gawin iyon.
Iniwan na sila ng sekretarya ng Ama si Abel at Hener naman ay nag handa na ng sasabihin na dahil sa press conference. Tama nga naman. Hindi nila pweding sabihin na nawala syang parang bola at nakita lang sya na doon na parang walang nangyari walang maniniwala sakanila. At isa pa magiging negative ang impact noon sa project dahil matatakot ang kukuha ng lote.
- - -
"Sandali-sandali lang itigil mo, ano yon?" Tigil ni Daisy Joy sa tricycle driver na nag papalipad hangin sakanya.
"Hala tao ba yan? Bangkay?" hinataw ni Daisy ang bayong na hawak nya kay Victor. Dahil mas nauna pa itong natakot sakanya gayong sya naman ang babae sa kanilang dalawa.
"Ka tanaga naman, tingnan mo nga at ng malaman natin."
Kahit nag da-dalawang isip ay bumaba ng tricycle si Victor at nilapitan ang nakahigang bulto ng tao. Nasa likod naman nya si Daisy na takot na takot ding lunapit. Iniisip nila pariho na isa itong bangkay na itinapon sa gilid ng kalsada. Hinawakan ni Victor ang katawan ng bangkay at pinihit ito paharap sa kanila.
"Ka ganda naman nyang Victor."
Manhang-manghang sambit ni Daisy. Nasaharap nila ngayon ang walang malay na dalaga. "Tingnan mo kung humihinga pa dali."
Agad na inilagay ni Victor ang hintuturo sa ilong ni Dahlia. Upang malaman kung humihinga pa ba ito.
"Humihinga pa."
"Bilis buhatin mo dalhin natin kay Inang."
Hindi na nag dalawang isip pa si Victor. Agad nyang binuhat ito at sinakay sa kanyang tricycle. Iniunan naman ni Daisy ang kanyang braso para maging kumpirtable ang dalaga.
Dinala nila ito sa bahay nina Daisy. Agad naman silang tinulongan ng Ina nito at inasikaso ang dalagang nakita nila sa gilid ng daan.
"Kayo nga ay mag sabi ng totoo, nabunggo nyo ba ang dalagang ito?" sabay na napailing ang dalawa bilang sagot.
"Hindi Inang!"
"Akoy wag mong ma Inang-inang Victor tanginamo."
"Inang kumalma ka at baka tumaas ang iyong altapresyon. Totoo nga ho ang sabi ko na nadaanan namin sya sa gilid ng daan na walang malay."
Napabalik naman ang tingin ng ginang sa maamong mukha ng dalaga. Hindi nya maintindihan pero magaan ang loob nya sa dalagang ito.
"Hindi kaya ninakawan o pinag samantalagan ito?"
"Hindi ko alam Inang tingnan mo nga ang kutis ang ganda, siguro mayaman ito parang alagang belo."
Napatango naman ang ginang bilang pag sang-ayon sa anak. Hindi nag tagal ay unti-unting dumilat ang dalaga at tinitigan nilang tatlo.
"Anong pangalan mo iha?" basag ng ginang sa katahimikan.
"Ako, ako si Dahlia!"