"Hindi kaya ninakawan o pinag samantalagan ito?"
"Hindi ko alam Inang tingnan mo nga ang kutis ang ganda, siguro mayaman ito parang alagang belo."
Hindi masyadong maintindihan ni Dahlia ang sinasabi ng tinig na naririnig nya. Unti-unting idinilat nya ang kanyang mga mata upang malaman kung nasaan na sya. Agad nyang nakita ang tatlong taong mataman syang tinititigan. Isang lalaki at dalawang babae. Ang tantya nya sa isang babae at lalaki ay nasa dalawampot anim hanggang dalawampot pitong taong gulang habang ang isang babae naman ay marahil nasa edad sinkwenta o mahit pa.
"Anong pangalan mo iha?" basag ng ginang sa katahimikan.
"Ako, ako si Dahlia!" inilibot ni Dahlia ang kanyang paningin at doon nya nalamang nasa loob sya ng isang silid at nakahiga sya sa isang papag.
Unti-unting bumangon si Dahlia at agad naman syang inalalayan ng ginang at ng isang babae.
"Nasaan ako?"
"Nandito ka sa bahay ko iha. Itong anak ko si Daisy Joy at itong kaibigan nya.."
"Inang ka-ibigan ho."
"Mag tigil ka Victor at baka masakal kita," banta ng babae na pinakilala sakanya bilang si Daisy Joy.
"Nakita ka nilang dalawa sa gilid ng kalsada na walang malay, ano bang nangyari sayo? Nanakawan ka ba o nagahasa mag sabi ka iha at ng makapag sumbong tayo sa pulisya."
Napailing si Dahlia bilang sagot. Wala namang nag tangka na saktan sya. Ang huling naalala ni Dahlia ay nasa harap sya ng Inang Reynang Diwata. Napakurap lamang sya at sa muling pag buka ng kanyang mga mata ay nakahiga na sya sa papag at kaharap na ang mga taga lupang ito.
"Saan ka ba nakatira? Anong pangalan ng mga magulang mo para amin silang matawagan baka nag aalala na sila sa iyo."
Iling lang din ang naging sagot ni Dahlia. Wala naman kasi talaga syang pamilya. Kailan man ay hindi nag karoon ng pamilya ang isang diwatang tulad nya.
"Kapatid? Asawa o anak baka meron ka," muli ay umiling lamang si Dahlia.
"Inang baka naman nabagok ang ulo nito kaya walang maalala."
Napadaing si Daisy ng paluin sya ng kanyang Inang upang mag tigil sa pag sasalita.
"Wala.. wala akong pamilya."
Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Dahlia ngunit agad itong nawala. Ito ang unang beses na nakaramdam si Dahlia ng pangungulila. Ni minsan ay hindi sya nakaramdam nito, kasama ba ito sa pakiramdam ng mga tao? Naitanong nya sa kanyang sarili.
"Huwag kang mag alala. Maaari kang mamalagi dito hanggat gusto mo mag pahinga kana muna iiwan ka muna namin."
"Inang.."
"Halika na Daisy, ikaw Victor umuwi kana."
Napakamot naman sa ulo si Victor at lumisan na samantalang napipilitan namang sumunod si Daisy sa kanyang Ina.
"Inang sigurado ka bang kukupkopin natin yon? Baka naman buang yon Inang," napahawak si Daisy sa kanyang noo ng pukpokin sya ng sandok ng kanyang Inang na ngayon ay nag hahain na.
"Magtigil ka Daisy Joy sinasabi ko sayo. Masama ang manghusga ng kapwa."
"Kasi naman Inang hindi porke maganda iyon ay papayag kanang tumira sya dito, paano nalang kung mag nanakaw pala iyon o mamamatay tao?"
"At ano naman ang nanakawin saatin aber? At bakit tayo papatayin gayong wala naman tayong kasalanan. Akoy tigil-tigilan mo Daisy Joy yan ang napapala mo kaka selpon."
Napakamot nalang ng ulo si Daisy ng marinig ang sinabi ng kanyang Inang. Kapag cellphone na nya ang napag uusapan ay alam nya ng talo na sya. Lahat naman ata kasi ng gawin ni Daisy ay cellphone ang tinuturong dahilan ng kanyang Inang.
Samantalang sa loob ng silid kung nasaan si Dahlia ay hindi parin sya makapaniwala. Isa na syang ganap na tao. Nararanasan na nya ang nararanasan ng mga taga lupa, nakakaramdam na sya ng sakit at nasusugatan narin sya. Nakikita na sya ng mga ito.
"Mahal na diwata."
Napalingon si Dahlia sa isang sulok at doon nya nakita si Mayumi. Napa kunot ang noo ni Dahlia at nag tatakang napatitig dito.
"Bakit nakikita parin kita Mayumi? Isa parin ba akong diwata?" napailing si Mayumi.
"Hindi, ikaw lamang ang nakakakita saakin narito ako upang samahan ka, iyon ang aking sinumpaan simula ng iluwa ako ng talulot."
Isang munting ngiti ang gumuhit sa labi ni Dahlia. Hindi nya akalaing hanggang sa mundo ng mga taga lupa ay susundan sya ni Mayumi. Ang buong akala kasi nya ay maiiwan ito sa Marikit.
"Maraming salamat Mayumi. Patawarin mo ako sa aking naging desisyon," batid ni Dahlia na nasaktan ng lubos si Mayumi sa naging desisyon nyang manirahan bilang isang tao.
"Naiintindihan ko mahal na diwata, huwag kayong mag alala."
Napatango si Dahlia at nagpa linga-linga sa paligid. Doon ay may nakita syang isang salamin. Dahan-dahan syang tumayo at lumapit dito upang makita ang kanyang sarili. Suot parin nya ang puting bistidang suot-suot nya sa Marikit. Nakalugay parin ang kanyang tuwid at makintab na buhok. Wala namang nag bago sa itsura nya.
Napabuntong hininga na lamang si Dahlia habang nakatitig sa sarili. Masaya syang walang nabago sa kanyang itsura, ibig sabihin noon ay maaalala sya kaagad ni Abel kapag makita sya nito.
"Dahlia ano kakain na."
Bumukas ang kurtina na syang nag sisilbing pintoan ng silid at pumasok si Daisy. "Ay teka mag bihis ka muna."
Lumapit si Daisy sa lagayan ng mga damit nito at kumuha ng mga damit na ipapahiram sa dalaga. Sa buong ginagawa ni Daisy ay tahimik lamang na nag mamasid si Dahlia.
"Eto isuot mo muna yang pinag lumaan ko hindi na kasya saakin yan tapos itong bra syempre nagamit ko na yong panty naman na ito nagamit ko narin pero lahat naman yan nilabhan ko kaya malinis iyan."
Tinanggap ni Dahlia ang binigay sakanya ni Daisy. Napatitig lamang si Dahlia sa iniabot sakanya. Ang totoo ay hindi nya alam paano ito gamitin. Ni minsan ay hindi sya nag bihis. Simula ng manirahan sya sa bundok ilang libong taon na ang nakakaraan ay ito na ang suot nya.
"Ano? Galaw-galaw na baka mag bunganga na naman si Marites," si Marites ay ang kanyang Inang. Ito ang tunay na pangalan nito.
"Hindi ko alam paano ito gamitin," halos malaglag ang panga ni Daisy ng marinig nya iyon.
"Abay seryuso ka ba? Saang kabundokan kaba nang galing ining?"
Napa iling na lamang si Daisy at tinuroan si Dahlia. Sinumolan nya sa kung paano baliktarin ang damit at ang pang ibaba. Kung ano ang harapan ar ang likuran nito.
"Tapos ito para dito iyan," itinaas ni Daisy ang damit upang makita ni Dahlia ang kanyang pang loob. "Dyan mo iyan isusuot para hindi bumakat ang dapat bumakat ito namang maliit na tela para dito," binaba naman ni Daisy ang kanyang short.
"Para naman yang sa pekpek mo, okay na tayo?"
"Salamat Daisy," nagpapasalamat talaga si Dahlia at matyaga si Daisy sakanya. Kahit na sa tingin ni Dahlia ay iniisip ni Daisy na kakaiba sya ay tinuroan parin sya nito.
"Oo na sige na magbihis kana titingnan ko kung nakuha mo sabay na tayong lumabas para hindi ako mapalo ng sanduk ni Inang."
Tumango naman si Dahlia at dahan-dahan na hinubad ang suot na bistida. Ito ang kaunaunahang hinubad nya ito. Isa-isang sinuot ni Dahlia ang damit na binigay ni Daisy sakanya. Habang si Daisy naman ay matamang nag hihintay sakanya. Nang matapos sya ay tumayo na si Daisy at hinawakan sya sa kamay upang ayain ng lumabas.
"Grabe ka tisay kahit siguro basahan ang ipasuot sa iyo ay maganda ka parin."
Sambit ni Daisy habang tinitingnan sya mula ulo hanggang paa. Ang damit kasi na suot ni Dahlia ay pinag lumaan na nya. Hindi na ito mag kasya sakanya dahil tumaba sya ng kaunti. Kumopas na ang kulay nito at may maliliit ng butas tanda na matagal na talaga ang damit na iyon. Ngunit dahil nga tunay na maganda si Dahlia ay bumabagay parin sakanya ito.
"Halika na kayo at nakahain na ang pag kain. Bawal pag hintayin ang grasya,"
Kahit nagugulohan ay sumunod si Dahlia kay Daisy na naupo sa harapan ng mesa. May pag kaing naka handa sa hapag kainan at may tatlong platito na naka lagay doon. Nakatutok lamang si Dahlia sa platitong nasa harapan nya at biglang nagulat ng lagyan ng ginang ng pag kain ang kanyang platito.
"Kumain ka ining huwag kang mahihiya, ano nga ba ulit ang iyong pangalan?"
"Dahlia, ang pangalan ko ay Dahlia."
Tumango naman ang ginang sakanya. Matapos lagyan ng pagkain ang kanyang platito ay ito naman ang kumuha ng para sakanya. Samantalang si Dahlia naman ay tahimik na nag mamasid sa ginagawa ni Daisy. Ginagaya nya ang ginagawa nito ng sa ganon ay hindi sila masyadong magtaka sa kanyang kinikilos.
Sa bundok Marikit kasi ay isang kumpas lamang nya ng kanyang kamay ay mayroon na syang pagkain at isa pa ay hindi naman talaga kumakain ang mga diwatang katulad nya. Nasubokan nya lamang kumain ng manirahan si Abel sa kanya.
"Ilang taon kana tisay?" biglaang tanong sakanya ni Daisy.
"Ipag paumanhin mo at hindi kita maintindihan."
"Ang ibig kung sabihin ilang taon kanang nabubuhay?"
"Isang daan at anim napong libong taon," malumanay na sagot ni Dahlia na ikinataka ni Daisy at kanyang Ina.
Napakamot naman sa ulo si Daisy dahil nagugulohan talaga sya kay Dahlia. Siguro ay nagkaroon ito ng amnesia dahil sa trauma sa nangyari dito.
"Anong apelyido mo? Saan ka nakatira? Sino ang nanay at tatay mo?" sunod-sunod na tanong ni Daisy sakanya.
"Hayaan mo muna si Dahlia kumain mamaya na ang tanong."
Tahimik na nagpatuloy silang kumain. Nagkakamay lamang silang tatlo dahil hindi naman uso ang kubyertos sa bahay nina Daisy. Simple lamang kasi talaga ang buhay nila. Ang bahay ng mag Ina ay isa lamang kubo. Ang bubong nila ay gawa sa nipa at ang kalahati ay yero. Ang dingding naman nila ay biniyak na kawayan at ganoon din ang kanilang sahig.
Payak at tahimik lamang ang buhay nilang mag Ina at kontento na sila sa kanilang buhay na mayroon silang dalawa.
Nang matapos silang kumain ay nag ayos si Daisy na ang nag ayos ng kanilang pinag kainan. Si Dahlia naman ay naupo lamang sa may sala habang tahimik parin na nag mamasid sa paligid.
"Inang sigurado kabang dito mo sya papatulogin ngayon?"
Biglang tanong ni Daisy sa Ina na ngayon ay nakatitig at nag mamasid lamang kay Dahlia. Kanina pa sya nahihiwagaan sa dalaga. Pakiramdam nyay nakita na nya ito noon ngunit hindi nya alam kung saan at kailan iyon.
"Mag gagabi na, hindi natin sya maaaring pabayaan sa labas at delikado ang panahon ngayon."
"Pero Inang hindi natin kilala iyan paano kung mamayang gabi habang tulog tayo pag tangkaan nya ang buhay natin? Nako Inang sinasabi ko talaga sayo masama iyang mabilis kang nag titiwala."
"Kunin mo nga iyong patpat ko."
"Bakit Inang?"
"Ihahambalos ko sayo, mas mukha ka pa ngang kriminal dyan kay ayos-ayos ng mukha pag dududahan mo," napakamot nalang ng ulo si Daisy sa sagot ng kanyang Ina.
"Inang baka ikay nakakalimot ako ang anak mo at hindi iyan, saka may tawag dyan iyong sinasabi saakin ng kasama ko sa trabaho yong looks.. looks can be.. can be receiving.. ah basta iyong wag ka raw babase sa pag mumukha basta iyon yong punto non."
"Manahimik kana at ituloy mo na yang pag huhugas mo ng plato mo."
Nakangusong nag patuloy si Daisy sa pag huhugas ng kanilang pinag kainan. Ang ginang naman ay tumayo at lumapit kay Dahlia na ngayon ay tahimik na nakatitig sakanya.
Napaka inosente ng mga mata nitong pumupukol sa kanya na para bang sadya itong mahiwaga. Talagang ang taglay na ganda ng binibining nasa harap nya ngayon ay tunay na nakakahanga. Ang kinis at puti ng balat nito ay pantay mula ulo hanggang paa. Makintab at tuwid din ang buhok nitong bumagay sa maliit na mukha ng dalaga.
Kulang ang salitang perpekto kay Dahlia. Papasa itong artista na napapanuod nya sa kanyang black and white na telebesyon.
"Iha maaari ba akong mag tanong?" wala namang pag dadalawang isip na tumango si Dahlia.
Utang na loob ni Dahlia sa ginang na ito at kay Daisy ang kanyang buhay. Malaki ang naitulong ng mga ito sakanya. Sa palagay naman ni Dahlia ay tunay na mabait ang mag inang syang kumukupkop sakanya ngayon.
"Sa palagay koy nakita na kita noon ngunit hindi ko maalala kung saan at kailan ito maaari ko bang malaman kung ako ba ay na mumukhaan mo?"
Pinakatitigan ni Dahlia ang mukha ng ginang na nasaharap nya. Hinanap nya sa kanyang memorya kung minsan nyaa na bang nakita ang ginang na ito ngunit hindi bigo lamang sya.
"Patawad ngunit ngayon ko lamang kayo nakita," tumango naman ang ginang at ngumiti kay Dahlia.
"Naiintindihan ko, mauuna na ako sa kwarto at akoy magpapahinga na si Daisy na ang bahalang mag turo saiyo kung saan ka pweding matulog."
Tumango lamang si Dahlia sa ginang at pinanuod ito hanggang sa tuloyan itong makapasok sa kanyang silid. Hindi man sabihin ni Dahlia ay batid nyang tunay ngang magaan ang loob nya sa ginang.