"Anong ginagawa mo?" "Ah, aalis muna kami ni Hener irog may pupuntahan lang kaming importante. Pero may sasama sayo ngayon dito." "Sa opisina ba yan?" Tumango naman si Abel at ngumiti. Ang totoo ay ngayon sila aakyat sa bundok Marikit para mag linis ng bahay na kanyang sinasabi kay Hener. Pero hindi nya sinabi kay Dahlia ang tungkol doon dahil gusto nyang suprisahen ang dalaga. Makarinig nang katok si Abel at agad na pinuntahan ang pinto at binuksan iyon. Nakita naman nya ang kanyang Ina na naroon na at nakangiti syang binungad. "Ma.." "Nag dala ako ng soup for Dahlia anak, nasaan sya?" Pinatuloy ni Abel ang kanyang Ina. "Nandito Mom." Nang makita ni Dahlia ang ginang ay medyo natakot at nag alangan sya dahil hindi parin nya nakakalimotan ang ginawa sakanya ng ginang ng nasa ospital

