Nakatitig lamang si Dahlia sa salamin. Nakikita na nya ang unti-unting pag babago sa kanyang mukha. Napansin din nya ang kanyang buhok na may kulay puti na. Natatago pa naman ito pero alam nyang makikita at makikita rin iyon ni Abel. Mabilis na nag hilamos si Dahlia na para bang sa ginawa nya ay mawawala ang pag kunot ng kanyang mukha. Parang tumanda ang itsura ni Dahlia at nag mukhang nasa trenta. Napahinga naman sya ng malalim dahil nararamdaman na nyang malapit na syang mag laho. Idagdag pa ang sumasakit nyang mga binti at minsang panlalabo ng kanyang mga mata. "Irog? Tapos ka na ba?" Narinig nya ang mahinang pag katok ni Abel sa banyo kaya mabilis nyang pinunasan ang mukha at inihanda ang kanyang ngiti bago buksan ang pinto. "Tapos na ako." Napangiti naman si Abel nang masilayan si

