"Pero may nalaman ako," biglang sabi ni Daisy na naging dahilan para maagaw nya muli ang atensyon ni Dahlia. "A.. ano iyon?" Mula sa bulsa ay inilabas ni Daisy ang isang maliit at kulot na papel. "Ito ang address ng bahay ni Sir Abel." Tinanggap ni Dahlia ang maliit na papel ba ibinigay sakanya ni Daisy at pinakatitigan itong mabuti. Marunong syang nag basa at mag sulat dahil narin sa talino nyang taglay. Kahit na hindi sya nakapag aral kagaya ng mga tao ay kaya nyang makipag sabayan sa mga ito. "Iyan lang ang nalaman ko, binigay lang iyan noon isa sa kasama ko sa trabaho na minsang nakapunta sa bahay ni Sir Abel." "Salamat Daisy." "Wala iyon. Hayaan mo sa linggo sasamahan kita wala akong pasok sa araw na iyon." Napatango naman si Dahlia at hindi mapigilan na mapayakap kay Daisy sa

