CHAPTER 8 - KARYLLE, VICE AND JAKI

1262 Words
JAKI POV Isang linggo na ang tambalan namin ni Vice sa showtime at number one trending kami online. Gustong gusto ng mga madlang people ang mga banat namin, ang sabi naman ng iba ay bagay kami at may chemistry. Maging ako ay kinikilig kay Vice lalo na kung nagpapakalalaki sya. Pero alam ko naman na palabas lang namin ito. Close ko narin ang ibang host ng showtime lalong lalo na ang girltrends at Hashtags dahil palagi nila akong sinasama sa mga lakad nila at nasasama din sila sa mga vlogs ko. "Grabe si Jaki no biglang sikat" nandito ako ngayon sa cr at palabas na sana ng cubicle nang may marinig akong nag uusap usap at ako ang pinag uusapan nila Alam kong mga showtime dancer ang nag uusap dahil nasa cr ako ng showtime dancer ngayon "Diba Julia kaibigan mo si Jaki, dapat magpasalamat sya sayo dahil kung hindi dahil sayo ay wala sya ngayon dito" Parang bagong dating lang dito sa cr si Julia . "Oo bakit? Anong problema nyo sa kaibigan ko?" natawa ako kay Julia dahil ang angas ng pagkakasabi nya "Eh kasi nga diba dapat ikaw ang nasa posisyon ngayon ni Jaki" hindi ko mapinpoint kung sino ang nagsasalita maliban kay Julia "Wag nga kayong inggetera dyan! Wala kaming chemistry ni Vice ano at ang kaibigan ko kahit hindi dito sumikat sa showtime ay sikat naman sya dahil nag vo-vlog si Jaki! Kaya pwede ba mahiya nga kayo sa pinagsasabi nyo! Mamaya kung sino makarinig sainyo dyan! Tsk!" narinig kong sabi ni Julia Narinig ko namang nagsialisan na ang iba at si Julia nalang ang natira "Mga echoserang frog!" natawa ako sa sinabi ni Julia Dahan dahan akong lumabas ng cubicle "Awww" sabi ko na nagpapacute habang palapit kay Julia "Jaki! Nandito ka?!" Parang nagulat si Julia sa pagsulpot ko sa harapan nya "Kanina ka pa ba dyan?" Tanong at turo nya sa pinaglabasan ko sa cubicle Tumango ako "Oo at narinig ko" pagkumpirma ko Bigla naman nya akong binatukan "Gaga ka! Kanina ka pa pala dyan tapos hindi mo ma depensahan ang sarili mo!" Naiinis na sabi ni Julia Napahawak naman ako sa ulo ko. Makabatok naman to. Ang sakit ah! "Ayoko lang ng g**o Julia noh kabago bago ko dito" sabi ko at humarap sa salamin "Kahit na! Mali parin sila! Ano bang masama kung ipagtanggol mo ang sarili mo!" pangaral sakin ni Julia at humarap na din sa salamin para mag ayos "Wala naman sila mapapala sa akin kahit na siraan pa nila ako. Basta ako alam kong wala akong ginagawang masama sa kanila" sabi ko "Hay naku Jaki! Ang bait mo masyado!" nakita ko syang napapailing "Sya nga pala next week ay may reunion tayo sa highschool" sabi nya sa akin "Alam mo namang ayokong umattend dahil baka nandon si ex!" sabi ko at kinabahan Hindi ko ba alam. Mula last year ay hindi ako umaattend ng reunion kahit na alam kong wala sya dito sa pinas, ano pa kaya ngayon na nandito nga sya sa pinas. hindi ko ba alam kung kaya ko na ba syang makaharap muli "Hindi ka pa rin ba nakaka moved on?" tanong sa akin ni Julia Hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita naman agad sya "Ni wala ka pa ngang naging jowa ulit mula ng magkahiwalay kayo nyan ni Ford. Pero sabagay kasal nalang kasi ang kulang sainyong dalawa" "Wag na natin syang pag usapan" seryoso kong sabi pero nagulat ako ng nandito pala si Vice. Hindi ko alam kung natuon lang ang atensyon ko sa pinag uusapan namin ni Julia dahil hindi ko namalayan si Vice "Basta Jaki ah! Next week!" pahabol pa ni Julia at umalis na "Sabi mo wala kang boyfriend" tanong sa akin ni Vice "Ex Vice at ayoko syang pag usapan" seryoso kong sabi "Halalalalalala" sinundan ako ni Vice at kinulit ng kinulit "Sa kanya ba galing ang lahat ng mga hugot mo sa buhay Jaki?" pangungulit pa ni Vice "Vice!" sumimangot ako Ngumiti naman sya ng malapad "Parehas pala tayo haha" sabi nya at sabay kaming napatingin kay Karylle dahil kilala ko naman kung sino ang tinutukoy nya Sabay kaming napabuntong hininga ~~ KARYLLE POV Napatingin ako sa cr ng showtime dancer dahil nakita kong sabay na lumabas sila Vice at Jaki. Pati ba naman off cam ay magkasama silang dalawa. Hindi ko ba alam kung dapat bang maging masaya ako or hindi dahil alam ko naman dahil sa akin ay lumayo si Vice. Tinulak ko si Vice palayo! Kaya kasalanan ko. Kaya paninindigan ko itong desisyon ko. Napangiti ako ng mapait. Ang sakit pala! Ngayon ko lang napatunayan na mahal ko nga pala talaga sya. Ako lang itong takot! Takot sumugal! Natatakot ako dahil baka mawala ang friendship namin kapag nagbreak kami. Natatakot ako dahil totoong ayaw sa kanya ng pamilya ko! Natatakot akong suwayin ang pamilya ko. And at my age i need to get married as soon as posible para makuha ko ang mana ng parents ko sa akin. Call me whatever you want! Pero hindi ko hahayaang mapunta sa iba ang kumpanyang pinaghirapan nila mommy at daddy even my ancestors. I am 26 for f*****g out loud at ang last nonshowbiz boyfriend ko ay nagloko kaya wala akong maihaharap kela mommy at daddy. Now they want me to see me get settled and have a family and kids. Vice is not my option. And i met Yael at the bar. Parehas kami ng pinagdadaanan kaya nagpakasal kami. Yael is good, hes a good man napaka workaholic nga lang. "Karylle" tanong sa akin ni Freya Tinatanong nya ako kung okay lang ba sa akin na sumingit sa tambalan nila Jaki at Vice dahil marami parin ang naghahanap sa ViceRylle "I dont know" hindi ko talaga alam Dahil hindi ko pa nakakausap si Vice. Iniiwasan ko sya oo. Masakit din kasi sakin na nakikita syang nasasaktan lalo na dahil sa akin kaya sya nasasaktan. "Vice, Jaki" tawag sa kanila ni Freya Nasa kabila sila at kinukulit parin ni Vice si Jaki. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin na ganyan din kami noon ni Vice "Bakit Freya?" Tanong ni Vice pagkalapit nila sa amin, ni hindi makatingin sA akin si Vice at ang lakas ng kabog ng dibdib ko "Hi Karylle" bati naman sa akin ni Jaki "Isasalang kayong tatlo mamaya sa Miss Q nd A. Jaki at Karylle sabay kayo papasok pag tinawag kayo ni Vice" napatingin ako kay Freya dahil parang nagdesisyon na sya. Akala ko ba ay tatanungin nya muna kami Napatingin naman sa aming dalawa si Jaki, alam ko may alam na sya sa mga nangyayari sa amin ni Vice dahil sa closeness palang ng dalawa at iyong gabing uminom silang dalawa at makulit na tinatawagan ako ni Vice "Kaya maghanda kayo understand" si Freya at umalis na. Naiwan kaming tatlo dito at napaka akward ng atmosphere "Ano namang meron sa hangin dito" biglang sumulpot si Vhong at Anne "Ang lamig" si Anne naman "Bati na kayo?" Tanong naman ni Vhong "haha tara ate Anne kuya Vhong may itatanong ako sa inyo" si Jaki at iniwan kaming dalawa ni Vice "Uyy Jaki" parang naiwang bata naman si Vice "V-Vice" halos hindi ko sya matingnan sa mga mata "ssssshhh. Alam mo Karylle dont push yourself, kung ayaw mo pa akong makausap so be it. I will give you time that you need" madiin na sabi ni Vice Gusto kong umiyak. Gusto ko syang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Natatameme ako "Pero wag mo ako sisihin kung ano ang mangyayari mamaya" dugtong nya at umalis na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD