CHAPTER 7 - VICEJACK

1554 Words
JAKI POV Maaga akong pumunta dito sa studio dahil para mapraktis ang mga sayaw na isasayaw namin mamaya, though I'm not really a dancer here in showtime but sometimes I need to dance when I'm needed tulad ngayon may opening dance kami, nakapag record narin ako para sa vlog ko "May utang ka sa akin bakla" Kung natatandaan nyo itong kaibigan ko na SI Julia Nginitian ko sya ng matamis  "Libre Kita mamaya" Sabi ko at kumapit sa braso nya "Dahil sikat kana gusto ko sa mamahaling restaurant. Uubusin ko yang pera mo Kaya humanda ka bruha ka" natatawa nalang ako sa babaeng ito Grabe Ang babait ng mga showtime dancer pati narin ang mga girltrends dahil nakausap ko sila kanina at nakapag shoot NG video. Malapit na magsimula ang showtime pero si Vice ay Wala parin. Si Karylle naman ay kanina ko pang napapansin na tumitingin sa akin pero minsan naman ay ngumingiti sya sa akin kaya ginagantihan ko din ang ngiti nya "Jaki kapag hindi dumating si Vice hindi ka muna sasalang mamaya" lumapit sa akin si Freya Hinanap ng mga mata ko si Vice at wala pa nga talaga sya "Pero kapag dumating si Vice alam mo naman na siguro ang gagawin mo?" Tanong ni Freya tumango ako Nalungkot ako dahil unang araw sana ng palabas namin ngayon ni Vice ay wala pa sya, gusto ko mainis pero alam ko naiintindihan ko si Vice ngayon. Atsaka nagsabi narin naman sya na hindi sya papasok ngayon pero pinilit ko sya. Oo na makapal na ang mukha ko "Ay ano ba yan excited pa naman ako sa inyo mamaya" malungkot na sabi ni Julia sakin nginitian ko nalang sya at sinenyasan na kami na pumwesto na dahil magsisimula na ang opening number namin ng girltrends at showtime dancer. Nawawalan na ako ng pag asa, dahil maging ako ay excited para sa munting palabas namin ni Vice at alam ko excited din sila mama at kuya na nandito din ngayon sa showtime, nasa may audience sila at nanunuod. Syempre maging ang mga ViceJack lover dyan na nag aabang sa loveteam namin dito sa showtime. Kami lang ni ate Dawn Chang ang magkaparehas ang damit, naka red croptop kami at denim outfit habang ang ibang girltrends at showtime dancer ay naka white maong shorts at blue shirts and denim jacket, pareparehas din kaming naka high heels. Hindi ko alam pero palaging nakatutok sa akin ang camera nakikita ko sa monitor kaya todo ngiti ako habang sumasayaw, buti nalang talaga pinag aralan ko ang step at magaling din naman ako sumayaw kahit papaano. Nang matapos kami sumayaw "May humahabol guys" singit ni Billy habang nagkekwentohan ang ibang mga host, live kami ngayon. Nasa gilid na kami at nakaupo "Oh Ano?" Tanong ng ibang host "Hindi ano kundi sino?" Nakangiting sabi naman ni Billy "Sino ba yan?" Tanong ni Vhong at Anne nag ayyiieh naman sila Karylle at Jhong at Billy dahil nagsabay ang dalawa "Kayo ha" si Karylle "May coonection talaga kayong dalawa" kinilig na sabi ni Billy "Parang kayo din ni Coreen diba Anne" singit naman ni Vhong mas lalong kinilig si Billy. Sayang nga lang at wala ngayon dito si Coreen dahil may photoshoot daw at shooting "Mahal mag iingat ka dyan i love you" maya mayay sabi ni Billy sa camera na tinutukoy ay si Coreen nagsabay ang madlang people sa namumuong love in the air ngayon dito sa showtime. Akala ko tuloy Valentines na dahil grabeng kilig ang mararamdaman mo dito pero magpapasko palang dahil ber months na. "Pero eto na nga Pasok Vice Ganda" sinabi na nga ni Billy ang dapat nyang sasabihin kanina Kasama ako sa mga natuwa dahil nandito ngayon si Vice. Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Kinakabahan ako na naeexcite para mamaya. Nakita ko naman ang ibang host ay napatingin kay Karylle ngunit ngumiti ito ng pagkatamis tamis. Napailing ako. Mga artista talaga ang gagaling umarte. Kahit hindi sila maayos sa personal pag kaharap ang camera nagiging okay sila. "Oh Vice akala ko ba hindi ka papasok?" Si Karyle ang nagtanong Pero sabagay ganun din naman ang gagawin namin ni Vice Ganda mamaya, para mapasaya ang madlang people. Pero okay kami ni Vice ah. Trabaho lang. Napangiti ako. "Pumasok talaga ako dahil gusto kong ipakilala sa inyo si Jaki" nagtilian ang ibang madlang people at hinanap nga ako ni Vice "Jaki" tumayo na ako para makita agad ako. Hinila ako ni Vice malapit sa mga host "Hi Jaki" binati naman ako ng mga host kumaway lang ako habang nakangiti at kumaway din ako sa mga madlang people. Wala kasi akong mic "Ano ba naman yang suot mo Jaki" at umikot sa akin si Vice at hinubad ang suot nyang Jacket at sinuot sa akin. Doon na nagsitilian ang mga madlang people nakikita ko naman na gumigilid ang ibang host na nandito ngayon sa stage at nagdilim dito sa stage at kami lang ni Vice ang naiilawan, nagtugtog din ang kantang Cant Fight This Feeling. Ano ba nabibigla ako ngayon, mamaya pa yung palabas namin eh "Okay lang naman Vice" nagsalita ako ng tinutok sa akin ang mic "Kung sayo okay sa akin hindi okay, okay" si Vice na sumeryoso "Okay Vice" puro tilian ang maririnig mo dito ngayon sa studio at hindi ko ba alam kung imahinasyon ko lang pero ang gwapo nya kapag nagpapakalalaki sya. "Kaya madlang people abangan nyo ang tambalan namin ni Jackie mamaya sa Miss Q and A" natawa nalang ako ng biglang umakbay sa akin si Vice at lumiwanag na nga ang paligid. Ng mag commercial break ay pupunta na sana ako sa mga kasama ko na showtime dancer pero hindi ako hinayaan ni Vice "Jaki san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Vice "Sa mga kasama ko dun oh" sabi ko at nguso sa mga kasama ko "Dito kana muna" sabi nya "Teka sabi mo hindi ka papasok ngayon?" Tanong ko, alam ko ang ibang host ay nakikinig sa amin ni Vice lalo na si Karylle "Kinulit mo ako kagabi Jaki kaya kahit ayoko pumasok ako" napangiti ako dahil naalala ko kung pano ko kulitin si Vice kagabi, nadala rin siguro ng kalasingan "Magkasama kayo kagabi?" Hindi na napigilan ni Anne ang magtanong "Oo nag one on one kami kagabi" sagot ni Vice "Grabe ka Vice hindi mo man lang kami niyaya" nagtatampong sabi naman ni Vhong Nagpaalam na ako kay Vice "Dun na muna ako Vice, saka mamaya pwede magpapicture sayo sila mama at kuya James ko?" Sabi ko at nginuso sila mama na nasa may Audience kumaway naman agad si Vice at ang ibang host "Oo Jaki picture tayo mamaya sige na dun kana baka may gagawin ka pa" Si Karylle habang nakangiti, nginitian ko naman sila bago umalis Tinawag ako ni Freya para makapagpalit ng damit "Magbihis kana muna Jaki doon sa dressing room" sabi nya sa akin tumango naman agad ako "Jaki yung red dress ang isuot mo at isuot mo parin yang jacket ni Vice" lumapit sa amin si Direk Bobet "Okay po" sagot ko at nagpalit na nga ng damit. Nag retouch narin ako. Hindi ko ba alam kung bakit nasa last part na ang show namin ni Vice dahil dapat ito ang nauuna ang Miss Q And A kaya nakipagkulitan ako sa ibang showtime dancer at nadagdagan pa ang video ko para sa vlog ko "Jaki pasok" hanggang sa tinawag na nga ang cue ko para rumampa at ibigay itong fish bowl na naglalaman ng mga tanong para sa contestant Habang naglalakad ako ay grabe ang tilian ng mga madlan people na nanunuod ngayon, halatang excited sila sa tambalan namin ni Vice, si ate Anne naman ang kasamang co host ngayon ni Vice "Alam mo Vice im so happy for you" natawa bigla si Vice sa komento ni Ate Anne "Wahahaha grabe ka naman akala mo naman kami na ni Jaki" natatawang sabi ni Vice nakangiti lang naman ako, gitna namin ni Vice ang contestant at nasa tig magkabilang gilid kami ni ate Anne "Oh itutok mo ang mic may sasabihin ata si ate girl" natatawang sabi ni Anne "Bakit Vice wala ba akong chance?" Sa tanong ko na iyon ay nagsitilian ulit ang mga madlang people kasama na si atr Anne, hindi ko alam kung boto ba talaga sya or trabaho lang dahil nga kaibigan nya si Karylle Hindi ito scripted guys, hindi kami nagplano ni Vice kung ano ang dapat sabihin or gawin at mas lalong walang binigay na script sa amin si Direk dahil mas gusto ni direk ang prompto "Hindi sa walang chance Jaki pero bagong magkakilala palang tayo so we need to know each other first muna diba" patuloy parin ang mahinang tugtog na 'I cant fight this feeling anymore' "Ikaw Jaki single ka ba?" Mas lalong tumili ang mga madalang people sa tanong na iyon ni Vice "Oo Vice single ako and im ready to mingle if your ready" nakangiti kong sabi Parehas kami nagtititigan ni Vice habang nakangiti "Teka Jaki may tanong ako" iyong tipong nagmomoment kaming dalawa ay biglang may panira na mga kaibigan mo. Si Vhong nagtanong "Tanggap mo ba si Vice kahit na bakla sya?" Dugtong nya Tiningnan ko sa mata si Vice at sumagot  "Oo naman kahit ano o sino pa sya mapabakla or kabayo man tanggap ko sya. Tanggap kita Vice"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD