CHAPTER 3.1 - CONTRACT

909 Words
JAKI POV Tatlong araw na mula ng mag live ako at dinagsa ako dito ng mga tao sa bahay namin. May ineexpect ba ako? Wala naman diba? Pero di ko itatanggi na malaking opportunity sa akin kung magka loveteam kami ni Vice Ganda sa showtime kahit makapasok man lang sa showtime. May mga bashers din ako ng mga supporters ng karylle at vice ganda. Dati sila ang inaabangan kong loveteam sa showtime dahil nakakakilig silang dalawa pero unti unting naglalaho dahil nga kinasal na si Karylle wala pa din ako balita sa showtime pero ang sabi ng mga madlang people ay gusto nila ang bagong loveteam na ViceJack. Pero kahit na ganun at wala pa ding balita ay malaki ng naitulong sa akin iyon na paglabas ko sa tv dahil mas lalong dumami ang mga followers ko sa lahat ng mga social media accounts ko at dumadami ang gig ko tulad ng pag model sa mga product, pag choreo ng mga dance sa ibat ibang lugar at pag host kaya naging busy din ako nitong mga nakaraang araw at tuloy tuloy din ang pag v-vlogg ko "Hi Jaki pwede magpa picture?" may mga dumadayo parin at pumupunta dito sa bahay namin para lang mag papicture sa akin at hindi ko naman sila tinatanggihan sa gitna ng pagpipicture at pagpirma ko sa mga damit nila na dala ay may tumigil na malaking van "Ms. Jaki Gonzaga?" isang babae ang bumaba sa van at kung hindi ako nagkakamali ay ito yung babae na naghila sa akin sa showtime bigla akong kinabahan   "Bakit po?" tanong ko "Im Freya stage choreo of showtime. I know you know me because weve met that day and i would like you to come with me to discuss a very important matter" seryoso at pormal nyang sabi Hindi matigil ang kabang nararamdaman ko habang nagbabyahe kami. Hindi ko naman makausap si Freya dahil napaka seryoso nya. I think shes at 40's but she really look young and pretty, sana all. sana pag umabot ako sa ganyang edad ay bata parin ako tingnan nandito na kami sa loob ng mamahaling restaurant at may sarili syang kwarto, i think para sa mga private meeting. Buti nalang talaga at naka dress ako ngayon kung hindi baka hindi ako pinapasok dito sa restaurant "Hi Jaki" si ate Anne Curtis ang unang nag approach sa akin Nandito din sila Vice Ganda, Billy, Vhong, Jhong at Karylle maging si Direk Bobet at iba pang hindi ko kilala "maupo ka Jaki" si Direk Bobet "First of all kain muna tayo bago tayo mag usap" nakangiti lang naman sila sa akin kaya ngumiti nalang din ako Si Vice parang wala sa mood at hindi kumikibo. At iyon nga nagsikainan na nga kaming lahat 30 mins later Nagkukulitan na sila Vhong, Jhong at Billy. nag uusap din naman sila Anne at Karylle "Ms. Gonzaga, you know the talk of the town right now is the new loveteam of ViceJack, you and Vice Ganda" sabi ng hindi ko kilalang babae at ianbot sa akin ang isang envelope Natahimik din naman ang mga tao ngayon na nandito ngayon, maliban lang kay Vice dahil kanina pa sya walang imik "Im Sharon one of the production manager of showtime and we would like you to be part of the showtime show the Q and A segment where you and Vice Ganda will change a pick up line to each other" dugtong pa nito "Basahin mo Jaki at pirmahan ang kontrata dahil gusto namin agad kayong mag start ni Vice asap" nakangiting sabi ni Direk Bobet na tinuturo ang envelope Nakatingin lang din naman sa akin sila Anne, Karylle, Billy, Vhong at Jhong si Vice naman ay ayon nag cecellphone Binuksan ko na nga ang laman ng envelope at napanganga ako ng mabasa ang kontrata at ang offer nila sa akin "Gustong gusto ng mga tao ang pagbanat mo nun kay Vice Jaki at nakikita ko naman na may chemistry kayo" komento ni Anne Nginitian ko si Ate Anne at walang sabi sabing pinirmahan ang kontrata. Wag kayong ano jan dahil binasa ko din naman kahit papaano. Magiging showtime dancer ako within 3 months at ako din ang sasabak sa Miss Q and A segment ng showtime na mag aabot ng fish bowl na may laman na mga question kay Vice Ganda at hihirit kami ng mga kilig moments/banat sa isat isa "Freya will send you a dance step that you need to memorise but for now welcome on showtime Miss Jackie Gonzaga, we will looking forward to working with you" sabi pa ng babae at nakipagkamay muna sa akin bago umalis "Direk saan ka pupunta?" agad na tanong ni Vhong ng paalis narin si Direk Bobet Nagsialisan narin ang ibang tao at kami nalang nila Vhong, Billy, Anne, Karylle, Jhong at Vice Ganda "May meeting pa ako next time nalang guys, isama nyo nalang si Jaki" nagmamadaling sabi ni Direk kaya hindi na sila nakaangal ng nakaalis na ito "Ano Jaki game ka?" nakangiting tanong sakin ni Vhong "Saan? Anong gagawin?" Tanong ko "Magpapalamig mainit kasi ang ulo ni Vice" nakangiting sabi ni Karylle "Come on guys lets go, others are waiting na" sabi ni Anne at hinawakan ako sa kamay at naglakad nakita ko namang nahuli sila Karylle at Vice. Hindi ko na iyon masyadong inintindi pa at inisip ko nalang na mag enjoy dahil may mga kasama akong sikat na artista ngayon at part na ako ng showtime
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD