JAKI POV
Magdamag akong gising at magdamag ding sabog ang notif ko. Kahapon lang naman nangyari iyon at alam na agad ng mga tao na ako ang babae kahapon sa showtime, nalaman narin nila na isa akong blogger
Alam na nila kung saan ako nakatira
Alam nila kung sino ang pamilya ko
At alam nila kung sino ako
Kanina ko parin gusto lumabas pero hindi ko magawa dahil parami ng parami ang tao sa labas ng bahay namin
"Sikat kana nga kapatid ko" tuwang tuwa si kuya James habang nakatingin kami sa may binatan
Nakita kasi nila ang nangyari kahapon. Mahilig kadi manuod si mama ng tv lalong lalo na ang showtime at napaliwanag ko narin sa kanila ang nangyari
Nakakain na kami lahat lahat ng pang umagahan maging panghapunan ay hindi parin umaalis ang mga tao sa labas ng bahay namin. Tapos narin ang showtime na palabas at walang miss Q and A ngayon dahil sabado.
Suot na maong na pants and white and blue na long sleeve, baby bluie na kalo at rubber shoes nakasuot din ako ng salamin.
"Ma labas po muna ako" paalam ko kay mama dahil nababagoit na ako dito sa bahay, maghapon ba naman ako na stuck dito na dapat ay most of the time ay nasa labas at nag vivideo para sa vlog ko.
"Makakalabas ka kaya nyan anak, baka dumugin ka ng mga taong yan" alalang sabi ni mama
kinindatan ko si mama "Ma dont worry akong bahala" sabi ko nalang kahit hindi ako sure kung makakalabas ba ako ng buhay at walang galos
Pagkabukas ko palang ng gate namin ay nagpaunahan na papalapit sakin ang mga tao
"JAKI"
"JAKI"
"ATE GIRL"
Agad kong tinaas ang dalawa kong kamay, sinyales na wag sila masyadong lumapit sakin at ngumit ng pagkatamis tamis
"Ano ho ba ang atin?" agad kong tanong sa kanila "Kanina pa kasi kayo nandito sa labas ng bahay namin" dugtong ko na inisa isa ko pa silang tingnan
"May itatanong lang sana kami" sabi ng isa na kaharap ko lang na babae
"Kung ikaw ba ang babae kahapon sa Miss Q and A sa showtime, diba ikaw si ate girl na nag vo-vlogg?" sabi pa ng isa
Lahat sila naghihintay sa sagot ko at ang daming mga cp na nakatutok sa gawi ko
"Oo ako nga si ate girl na nag vlo-vlogg at ang babae kahapon sa showtime" sagot ko
Dahil sa sagot ko ay mas lalo nilang gustong lumapit sa akin, pero ako nakangiti lang. Syempre dapat may poise parin
At para bang may biglang light bulb na umilaw sa ulo ko dahil sa ideang pumasok nalang bigla sa utak ko.
"Okay guys. mag li-live ako ngayon para isahan ang pag explain at pwede din kayo magtanong mamaya, okay lang ba sa inyo?" pina sigla ko ang boses ko at nilakasan para marinig ng lahat
Natuwa ako ng agad naman silang nasitanguan at pumayag kaya kinuha ko na agad ang cellphone ko at nag live na nga sa youtube account ko.
"Magandang hapon mga ate, kuya, sa mga isip bata, mga titot tita, lolot lola at sa lahat ng mga nanunuod at manunuod palang. Heto ngat live tayo ngayon at nandito ako sa labas ng aming bahay" bungad ko ng magsimula ng maglive at inilibot ko nga ang camera sa labas ng bahay
May mga ilan naman sa kanila ang kumaway
"Grabe ang tao no? dinagsa ako. Feeling ko tuloy sikat na ako haha" muling sabi ko ng sa akin na nakatutok ang camera
"At iyon nga pala ang mama ko at ang kuya James ko" sabi ko pa itinutok sa pamilya ko ang camera na nasa may pintuan lang, malapit sa gate namin
Sa ilang minutong pag la-live ko ay agad kong napansin na dumadami ang views at tadtad narin ako ng comment
"Jackie Gonazaga nga po pala aka Ate girl iyong lingkod at eto nga po pala si ate?" sabi ko at lumapit sa isang babaeng malapit lang sa akin
"Karen" sagot nya
"Ate Karen ano nga ho ulit ang tanong nyo kanina?"
"Ang tanong ko kanina ay kung ikaw ba si ate girl na napanuod namin sa showtime kahapon sa Miss Q and A segment?" ulit na tanong ni ate Karen at alam kong yun din ang halos tanong ng karamihan
"Oo ako ang babaeng nag abot ng fish bowl kay Vice Ganda kahapon sa Miss Q and A segment ng showtime" sagot ko
"Pano naman nangyari yun ate girl? hindi ka naman dancer ng showtime diba?" tanong pa ng madla
"Hindi nga ako dancer ng showtime pero kung papalarin bakit hindi diba, kung napapanuod nyo naman ang mga vlogs ko ay marunong naman akong sumayaw haha" pagbibiro ko pero ilang sandali pa ay tumingin ulit ako sa camera at nagseryoso
"May kaibigan kasi akong dancer sa showtime at nakalimutan nyang dalhin ang mga damit na kailangan nya kaya bilang butihing kaibigan ay dinala ko yun sa kanya. at hindi ko naman alam na nag lbm pala ang bruha at mas lalong hindi ko rin akalain na ako ang hihilahin ng isa sa mga stuff ng showtime at ako ang isasabak" paliwanag ko at tumigil sandali
"Na briefing naman nya ako ng maayos kung ano lang ang dapat kong gawin, pero kasi pag kinakabahan ka hindi mo maiwasang gumawa ng ibang bagay at iyon nga ang nagawa ko. Hindi ko mapigilan ang bibig ko on live at nasabi ko iyon kaya im sorry po ulit sa staff ng showtime at sa lahat ng bumubuo ng showtime/hindi ko intensyon na sirain ang show nyo" seryoso at buong sinseridad kong sabi
Natahimik sandali ang mga tao na nandito ngayon sa sinabi ko. Konting konti nalang iiyak na ako dahil kasalanan ko naman talaga. Hindi ako marunong sumunod sa instruction na binibigay sa akin
Kung sumunod lang sana ako. Tama si direk Bobet -paano kung nagkamali ako kanina! Live pa naman iyon at national TV Show pa.
Kaya siguro dinagsa ako dito ng mga tao
"ViceJack" sa ilang minutong katahamikan ay may biglang sumigaw sa mga tao na nadito ngayon
"Ho?" gulat kong tanong
"Sino po ang sumigaw?" tanong ko
"ViceJaaack" ulit pa ng sumigaw at sa pagkakataong ito ay nakita ko na ang ilang kababaihang teenager na sumisigaw kaya nilapitan ko ang mga ito
Hindi naman akong nahirapan na lumapit dito
"ViceJack?" tanong ko pagkalapit
"Oo ate girl, isa ako sa mga fans mo at kinikilig ako sa inyo ni ate Vice kaya ViceJack"
"Tama bagong loveteam Vice ganda at Jackie Gonzaga"
"ViceJack" sigaw pa ng tatlo