CHAPTER 2 - 3 MONTHS AGO

1224 Words
JAKI POV pupunta ako ngayon sa studio ng showtime hindu dahil manuod kundi dahil may pinapakuha sa akin ang friend ko na si Julia, isa sa mga showtime dancer ang kaibigan kong iyon. Napagalitan kasi sya at naiwan nya ang mga dress na kakailanganin ngayon at dahil sa mabait akong kaibigan ay dinala ko ang pinapadala nya "In fairness ha ang bigat" kinakausap ko na ang sarili ko at inaamin ko na nahihirapan ako sa dala ko "Miss Jackie Gonzaga?" may sumalubong sa akin na guard at agad na kinuha ang ibang dala ko "Salamat kuya Guard" sabi ko dito "Sumunod po kayo sa akin sa dressing room ng mga showtime dancer" sabi nung guard Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang igala ang aking mga mata, first time ko ba naman kasing makapunta at makapasok dito. Nadaanan nga namin ang dressing room ng girltrends at ng hashtags at ang iba sa kanila ay nakita NAKU PO SI ZEUS ANG GWAPO "salamat po ulet" tinulungan pa kasi ako ni kuya guard na isampay isa isa itong sampung dress na dala ko "Nasan na kaya ang bruha" sabi ko habang iginala ang mga mata para dana hanapin si Julia ng may tumawag na sa mga showtime dancer "uhm Jaki paki sabi kay Julia na paki bilisan sa cr at malapit na ang cue nya" sabi sa akin ng isa sa mga dancer at umalis narin Naku yung babaeng yun at nasa cr pala. Si Julia kasi ang nag aabot ng fish bowl na may laman na mga questioner kela ate Vice at ate Anne kaya dali dali akong pumunta ng cr na agad ko namang nahanap "Hoy bruha nandyan ka ba?!" sigaw ko ng makarating ako sa cr "Oo bakla teka" nasa loob sya ng toilet at hindi ko maiwasang mapahawak sa ilong ko ng magpasabog sya "ANG BAHO BRUHA KA!" reklamo ko sa kanya. Napatingin ako sa salamin at inayos ang sarili ng hindi parin tinatanggal ang pagkahawak sa ilong ko Kaloka ang tagal matanggal ng amoy "Huy matagal ka pa ba dyan, hinahanap ka na ng mga kasama mo" sabi ko sa kanya Hindi pa nakakasagot si Julia ng bumukas ang pintuan at babae ang iniluwa dito "JULIA ANO BA, KANINA KA PA DYAN!" natatarantang sigaw ng babae "Sorry po hindi ko mapigilan ang LBM ko" narinig kong sagot ni Julia Halata sa babae ang pagkainjs at pagkataranta "30 minutes ka ng nandyan at hindi parin yan matapos tapos! Hindi ka naman pwedeng mapalitan dahil nakapwesto na ang iba!" sigaw ng babae at may kinausap sa walkie talkie nya Nang mapatingin sya sa akin "At sino ka naman?!" mataray nyang tanong habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa "Pwede ka na" nagulat nalang ako ng bigla nya akong hinila kung saan man Napansin kong nandito na nga kami sa backstage at nandon narin amg ibang contestant na kasali sa Miss Q and A maging si ate Vice at ate Anne Lumipad ang isip ko ng sabihin sa akin ng babae na ako daw ang sasabak. Ang gagawin ko lang ay rumampa ng pang miss universe at iabot tong fish bowl kay Vice Ganda "Ano miss naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Live tayo ngayon kaya please mag focus ka,ngayon lang naman" sabi pa ng babae sa akin "Pasok ate Girl" kinabahan ako ng biglang banggitin ni ate Vice ang katagang iyon dahil cue na iyon para rumampa ako sa stage at iabot tong fish bowl sa kanya "Rarampa ka lang doon ng pang miss universe at iaabot mo to kay Vice pagkatapos makakuha ng questioner ay rarampa ka ulet pabalik dito, naiintindihan mo ba? Yun lang ang gagawin mo at wala ng iba" paalala pa ulet ng babae na tanging tango lang ang sinagot ko Hawak ang babasaging fish bowl at ang suot kong red tube dress at ang 3 inch kong heels, nakalugay din ang mahaba at pinacurly ko sa dulo na buhok ay rumampa ako papunta kay ate Vice TUG. TUG. sobra akong kinakabahan. Tahimik ang mga madlang people at sa akin naka focus ang camera at tada ang ganda ko sa tv kaya mas lalo kong pinatamis ang aking mga ngiti pagkatapos kong rumampa at umikot malapit sa isang contestant at kay Vice Ganda "Ang daming pa epek, bago ka no?" tanong sa akin ni ate Vice at tinutok sa akin ang mic TUG. TUG. wala naman sinabi sa akin na magsasalita ako at lalong wala naman syang sinabi na tatanungin ako ni ate Vice "Oo bago ako" sagot ko with poise syempre Pag ganitong kinakabahan ako ay hindi ko mapigilan ang bibig ko "bagong papasok sa puso mo" bago pa mailayo ni ate Vice ang mic ay naisingit ko na agad ang huling sinabi ko "Ayyyyiiieh" si ate Anne ang unang naka recover sa gulat at nag react "Ang dami mong alam, nasan ba ang isa?" si ate Vice Nag sad face ako. Kunwaring lungkot lungkutan "Oh anyare sayo?" si ate Vice ulet at itinutok na sa akin ang mic "Kasi ako ang nandito pero iba ang hinahanap mo" sa pagbanat kong iyon ay agad na rumeak ang mga madlang people na para bang kinikilig Ang DJ naman ay agad ding nagpatugtog ng chorus ng destiny kaya mas lalong nagsitilian ang mga madlang people kaya kahit ako ay napapangiti. Jusko ano ba tong nagawa ko. Ang daldal ko kasi. "uy girl anong sagot mo don" usisa ni ate anne pagkatapos Halata namang wala sa mood si ate Vice pero tumawa lang sya ng tumawa. Yung nakakalokang tawa nya "Halika na nga at magtanungan na tayo" on cue ko na iyon para rumampa pabalik ~~~ At eto nga tapos na ang showtime pero nandito parin kami sa opisina ni direk Bobet at nandito rin ang iba pa Pinapagalitan nya si Julia na dapat nasa posisyon ko kanina, yung babae na bakit daw ako sinabak don eh hindi naman ako part ng stuff ng showtime at hindi daw ako na briefing ng maayos at ako "LIVE TAYO KANINA AT HINDI NA IYON MA EEDIT PA!" galit si Direk Bobet Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita,nakausap ng direktor "Direk okay naman ang show kanina ah" si ate Anne na tinapik tapik pa ako na para bang sinasabi nya na okay lang  "Okay nga ang show pero paank kung hindi naging okay?!" napaiwas ako ng tingin ng tumingin sa akin si Direk Bobet. Halatang strikto tong direktor na to "Direk maayos naman ang show kanina at wala namang naging problema, aalis na ako at magpapahinga" halata ngang wala sa mood si ate Vice at umalis na nga "Teka bakla" sumunod agad si ate Anne pagkatapos magpaalam kay Direk "Sorry direk hindi na po mauulit" hinging paumanhin ng babae kanina Napatingin naman si Direk kay Julia "Ikaw naman Julia kung hindi mo kaya o kaya may problema sabihin mo agad, hindi yung oras di piligro na wala ka paring sinasabi" At napatingin naman sya sa akin "At ikaw miss?" tanong sa akin ni Direk Bobet "Jackie Gonzaga po. Kaibigan ko po si Julia at may pinadala sya sa aking mga damit hanggang sa nangyari yung kanina. Sorry" paliwanag ko at napayuko Napabuntong hininga naman si Direk Bobet "Sige na makakauwi na kayo. But next time hindi na pwedeng mangyari to" sabi ni Direk na nakatingin kay Julia at sa babae
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD