Adventure-04

1221 Words
04— Bus Station Anong lugar ‘to? Bakit ako nakapunta rito? Bakit walang tao? “Anybody here?” Sobrang tahimik ng lugar at isang bagay lang ang naririto. Isang bus. Sa sobrang curiosity ko ay lumapit ako rito. Sumilip ako at muntik na ‘kong mapasigaw dahil sa gulat na naramdaman ko. May tao, isang matangkad at may malaking pangangatawan. Sinalubong niya ako ng ngiti kaya nginitian ko rin siya ng sapilitian. “Ahm, kuya puwede pong magta—” “Good evening Miss Sakura Gleona, welcome in station and take your seat in reservation spot number 21 .” “Pero po, magtatano—” “Good evening Miss Sakura Gleona, welcome in station and take a seat in your reservation spot number 21.” Sabay alok niya ng kaniyang kamay at agad ko itong inilingan. Hindi siya tao, isa isang robot! “Please occupy number 21.” “Ye-yes, I will.” At pumasok na ako sa bus. Pinagmasdan ko ang nasa loob at hindi lang ito pang ordinaryong sasakyan. May tatlong pinto sa pinakadulo at 50 ang upuan. Walang ibang tao o pasahero maliban sa ‘kin pero umupo pa rin ako sa sinabi ng robot. Totoo ba ‘yon? Mukha talaga siyang tao pero sa galaw at pananalita ay isang programme na robot. Ang astig naman no’n asan ba talaga ako? Hanggang sa narinig ko ulit ang boses niya habang nakaupo ako. “Please take your seat and fasten your seatbelt. Insert the metal fittings one into the other, and tighten by pulling on the loose end of the strap. To release your seat belt, lift the upper portion in the buckle. We suggest that you keep your seat belt fastened throughout the flight, as we may experience turbelence.” “Now, sit back, relax and enjoy the flight. Thank you.” Dugtong niya pa. Paano naman ako ma rerelax? ‘Di ko nga alam nangyayare sa paligid ko. Pero wala naman atang mangyayareng masama kapag sumama ako. Maybe I just consider this as a weird adventure of mine. Sayang lang at wala si Matagi, kamusta kaya ang happy kid na ‘yon? Sana okay lang siya. Gusto ko sanang tingnan ang labas kaso ‘di ko alam kung paano buksan ang bintana. “Ladies and gentlemen, get ready for the warp. Be sure your seat belt are securely fastened.” Ladies and gentlemen? Ako lang naman nandito ah. At ano naman ang warp? Weird. Hanggang sa naramdaman ko na bumilis ang takbo ng sasakyan. Napahawak ako sa dalawang sangga sa magkabilang gilid ko dahil sa sobrang impact. Nakakahilo rin sa pakiramdam kaya napapikit na lang ako ng mariin. “Warp has been past.” “Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Zumas Planet. Please make sure one last time your seat belt is surely fastened.” Tama ba narinig ko? Zumas? Ibang planeta? Unbelievable, sana lahat kayang mag travel sa ibang planeta gamit ang bus. Kanina pa weird ang mga sinasabi ng pilotong robot na ‘yon. Mali-mali ang pag ka programme siguro. “Ladies and gentlemen, welcome to Zumas Planet. Local time, 9:45 pm. And the temperature is 24 degrees celsius. On behalf of Robot Geo, thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening, and stay.” At kusang nahubad sa katawan ko ang seat belt. Tumayo ako at tumungo sa pintuan. “Have a nice stay Ma’am.” Pabilin ng robot at tinanguan ko rin siya. Bumaba ako sa bus at huli na nang maalala ko na kailangan ko palang magtanong sa robot kung anong lugar itong kinaroroonan ko ngayon. Pinagmasdan ko ang tahimik na lugar sa kinatatayuan ko. Tahimik at medyo malamig ang gabing ito kumpara sa nakasanayan ko. Gabi nga subalit hindi ka makakaramdam ng takot dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan siguro. Tiningala ko ito at napamura ako sa isip ko nang naging tatlo ang buwan na isa lang sa paningin ko noon. “Pota, ano ‘to?” Bakit naging tatlo? Sinubukan kong kusutin ang mata ko at pumikit ng mariin at baka sakaling bumalik sa ulirat ang sistema ko. Ngunit walang nangyare. Talong buwan ang nakikita ko. Totoo ba ang narinig ko kanina sa robot na nasa ibang planeta ako ngayon? Bakit? Nasa mars ba ako? Pero mali e, ang sabi Zumas daw ang tawag sa planetang ito. Sinunod ko ang sementong daan na hindi ko alam kung saan patungo. Hanggang sa hindi kalayuan ay tumambad sa ‘kin ang sobrang laki at mataas na gate. “Onzeinazu?” ‘Yan mismo ang nakaukit sa gate at kulay ginto ito kaya naman sobrang kumikinang ito sa paningin ko. Nang makalapit na ako sa tapat nito ay susubukan ko sana itong haplusin subalit namuo ang takot ko ng bigla itong bumukas ng solo. Napaatras ako at napa isip. Papasok ba ako? Paano kung mga mababangis na hayop ang sumalubong sa ‘kin? Paano kung ‘di na ako makabalik sa mundo ko? Walang mangyayare kung ‘di ko susubukan. Lahat ng bagay ay hinaharap ko maging masama man ang kalabasan nito. Pumasok ako at humarap sa ‘kin ang isang mala paraisong gubat na puno ng alitaptap na karaniwang napapanuod ko lang sa telebisyon. Sinundan ko lang ang sementong daan at sa ‘di kalayuan may nakita akong malawak na espasyo. Napapalibutan ito ng mga naglalakihang kahoy at may mga matataas at mababa ding gusali ang nakatayo. Lumapit ako sa isang gusaling maraming tao. Ngayon ay medyo lumuwang ang pakiramdam ko dahil alam kung hindi ako nag iisang tao sa lugar na ‘to. Nakapila sila kaya pumila na lang ako sa pinakadulo. ‘Di ko alam kung anong ginagawa rito pero pumila ako para nagtanong kung nasaan ba talaga ako. Hanggang sa ako na ang nakaharap sa isang babaeng sa tingin ko ay nasa mid 20’s ang edad. Mahaba ang kaniyang buhok at mukhang manika ang kaniyang mukha. ‘Di naman ata siya robot. “Ma’am anong lu—” ‘Di ko natapos ang sinasabi ko ng bigyan niya ako ng isang laminated na bagay. Tiningnan ko ito at sa pangilang pagkakataon ay muli nanaman akong naguluhan at na amazed at the same time. Sa laminated square na ‘yon ay nakalagay ang pangalan at 1v1 picture ko. “Your dormitory are located at Building Zero Two, your group will be the pioneers, your things and other necessities are now provided by the onzeinazu team. Enjoy staying.” Nakangiting sabi niya at may tumabing lalaki sa ‘kin. No, he’s not a human I think. He’s look like just the captain who drove the bus earlier. He’s a robot too? “Robot Herrio will guide you to your room and teams.” Dugtong ng babae. Naunang naglakad ang lalaki, what I mean ay ang robot kaya naman sinundan ko na lang ito. Huminto kami sa isang pinto at siya mismo ang pumindot ng button na nasa tapat nito. Bumukas ito at tumambad ang isang lalaking kaedaran ko. Robot din ba ‘to? “Good evening mister Aticus, this is Sakura Gleona, pionner 7.” Ba’t ba kilala ako ng mga robot? Wala naman akong natandaan na nagpakilala ako ah. “Oh, nandito ka na pala. Tara, pasok ka. Kanina pa kami naghihintay sa pagdating mo.” Tugon sa ‘kin noong Aticus. Thanks at hindi siya robot. Pero ano raw? Kanina pa nila ako hinihintay? What the... “Ma’am, I’m leaving.” Sabi ng robot at umalis na. Nandito pa rin ako sa may pinto at nagdadalawang isip na pumasok. Nasa tapat pa rin si Aticus at walang expression na nakatitig sa ‘kin. Tumukhim ako. Nakakailang kasi kung makatitig. My gasss! “Tara sa loob, galak na sila sa pagdating mo.” ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD