Adventure-03

927 Words
03— My Own Body Nagising ako ng medyo tanghali na ng umaga nang marinig ko ang alarm clock ko. Agad akong naghilamos at nag toothbrush. Mamayang gabi na lang ako maliligo. ‘Di rin ako gagala dahil tinatamad ako. Bumaba ako sa dining room para sana mag almusal nang makasalubong ko si mama sa hagdan. ‘Di ko naman talaga balak na imikan siya ngunit hindi ko inasahan na hindi niya ako babatiin o kahit ngitian man lang. Weird. Ako lang naman ang galit sa ‘ming dalawa pero siya ay hindi. Kahit sobrang pilya ko na ay hindi siya nagsasawang suyuin ako. Ako lang ‘tong ayaw mag pasuyo sakaniya. Masyadong masakit para sa ‘kin na nawala si papa. Wala man lang siyang nagawa para iligtas ang buhay ni papa. Nagmumukhang immature and reason ko pero ‘di ko mapigilan. Sobrang close ako kay papa kaya ganoon ako ka disapointed. Mukha ring nagmamadali si mama at may kausap sa phone. Siguro emergency sa hospital. Hindi ko na lang ‘yon pinansin at bumalik ulit sa kwarto. Nawalan akong gana para kumain ng almusal. ‘Di rin naman ako nagugutom kaya matutulog na lang ulit ako. Kakagising ko lang mula kanina at naisipan ko uling bumaba para kumain. ‘Di ako nag almusal at ‘di rin ako nag tanghalian pero ba’t parang ‘di pa ako tinatamaan ng gutom? Weird. Nakita ko si mama sa dining room ay nakasalampa sa sofa. Pansin ko ang pag taas baba ng kaniyang balikat na tila’y umiiyak siya. Nilapitan ko ito at pinagmasdan. Tama ang hinala ko, umiiyak nga siya. Umupo ako sa tabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Miski sa burol ni papa ‘di siya umiyak kaya nakakapagtaka lang na umiiyak siya ngayon. Inasahan kong hahagkan niya ako’t pag sasabihan ng kaniyang problema subalit mali ako. Tumayo siya at umakyat sa kwarto. Weird. Ano ba’ng nangyayare sakaniya? Siguro ay talagang pagod na siya sa kasutilan ko kaya sumuko na siya. Nakaramdam ako ng guilt. Gusto ko ng magbalik sa normal. Gusto ko ng maging maayos ang relasyon namin ni mama. Ngayon ko lang napagtanto na sobra-sobra na ang kagaguhang ginagawa ko at pag dedesmiya sa kaniya. Mag sosorry ako. Umakyat ako para makausap siya at nakita kong bukas lang ang kwarto niya. Deritso akong pumasok at tumambad sa ‘kin na nag iimpake siya ng damit niya. “Ma,” pagtawag ko sakaniya. Pero ‘di niya man lang ako nilingon. Tuloy-tuloy lang siya sa pag iimpake. Saan ba siya pupunta? Aalis ba siya? Ganoon na ba siya kainis sa ‘kin at iiwan niya na rin ako katulad ng ginawa ni Papa? “Ma, saan ka pupunta?” ‘Di niya pa rin ako sinasagot nang biglang nag ring ang cellphone niya. Sinagot niya naman ito at pinigil ang mga hikbi niya. “‘Di muna ako makakapasok Doc. ‘Di ko alam kung ilang araw. Kailangan ako ng anak ko, nasa ospital siya.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Sinong anak? Kaya ba ganito siya ngayon dahil may anak siyang nasa ospital? May ibang pamilya na ba siya? Kailan pa? Ba’t ‘di ko alam? “Ma, sinong anak? May pamilya ka bang iba? Tuluyan mo na nga ba kaming tinalikuran ni Papa? Bakit ma? Dahil ba sa mga ginawa ko? Ma naman, kailan mo pa kami ginagago?” Ngunit wala pa rin akong naririnig na sagot galing sakaniya. Ano ba talagang trip niya? ‘Di na ‘to nakakatuwa! “MA!” Lumabas siya sa pinto na parang ‘di dama ang presensya ko kong kaya’y sumunod ako sakaniya papalabas. Pumasok siya sa kotse at sumakay din ako sa driver seat. Ba’t ‘di niya ako pinigilan? Panay ang tingin ko sa rear mirror at baka sakaling mahuli ko siyang pinagmamasdan din ako subalit nakarating na kami sa hospital ay ‘di niya man lang nagawang sulyapan ang pwesto ko. ‘Di ko siya nilubayan hanggang sa pagpasok sa hospital. Panay ang bati sakaniya ng mga nurse dahil dito siya nagtratrabaho pero kagaya sa ‘kin, nilalagpasan niya lang ito. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pinto para sa isang pasyente. Handa na ba ako? Handa na ba akong tanggapin ang katutuhanan na may kapatid ako sa ina? Anong gagawin ko kapag nakita ko siya? Humugot ako ng malalim na hininga at lakas loob na pumasok sa pinto para harapin ang mapaglarong tadhana. ... Unti-unting nanginig ang kalamnan ko, bakit? Bakit ako? Bakit ako nandiyan? Anong ginagawa ko riyan? “You’re name is?” Mahinang tanong niya. Pinilit ko ring mag salita at sagutin ang tanong niya. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, wala akong maramdamang sakit subalit ramdam ko ang pagod. “Sa-sakura, you?” Gusto ko ring malaman. Sana kahit ngayon lang maging fair ang mundo. Kahit ngayon lang. Please lumaban ka. “Ma...Matagi, hoping... we’ll...meet...a-gain... Sak—” umubo siya ng dugo. At ako, wala akong magawa, ‘di ako makasigaw ng tulong, I am too useless for the second time around. Hindi ko na rin mapigilan ang pagpikit ng mata ko. Matagi. Ngayon ay bumalik sa ‘kin ang nangyareng aksidente. Teka, kaluluwa na lang ba ako? Tiningnan ko ang damit ko at wala naman itong bahid na kong ano. Pero ito rin ang suot ko nang ma disgrasya kami ni Matagi. Teka, si Matagi? Asan siya? Ayos lang ba siya? May sakit siya, at ngayon puwedeng nanganganib ang buhay niya dahil sa ‘kin. Bakit ang malas ko? Sinubukan kong hawakan ang pader ng kwarto at mas lalo akong kinabahan dahil lumagpas lang doon ang kamay ko. Ano ‘tong nangyayare? Panaginip ba ‘to? Sinubukan kong pumikit at para kumalma dahil panaginip lang naman ito. Subalit sa muling pag mulat ng mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Isang bus station? Bakit ako nakapunta rito? Ano ba talagang nangyayare? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-o
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD