02— The Accident
“Aakyat ba talaga tayo riyan chinita? Seryoso? Ang taas naman.”
“Ayaw mo? ‘Di ‘wag, magpaiwan ka riyan at ako, aakyat.” Sabay ngisi ko sakaniya at nagsimulang umakyat sa hagdan na gawa sa kawayan.
Paakyat kami sa isang mataas na bato.
Nasa kalagitnaan na ako nang tingnan ko uli siya sa baba.
Tsk, ‘di naman siya nakatiis at ngayon ay umaakyat na rin siya.
Adventure buddies daw kami tapos mahina naman pala loob niya. Lalaki ba talaga ‘yon?
Ba’la siya r’yan.
Success!
Narating ko na ang tuktuk at hinintay si happy. Inalok ko ang kamay ko sakaniya para alalayan.
Ang lamig ng kamay ng kupal. ‘Di ko naman siya masisisi. Sa taas ba naman nitong 28 feet.
Pero sobrang ganda naman ng view. Sulit na sulit ang kaba.
Napabuntong hininga si happy at pumikit pa. Natawa ako dahil sa expression niya kaya mabilis niyang iminulat ang kaniyang mata at tiningnan akong nagtataka.
“Ba’t ka tumatawa?” Tanong niya.
“Wala, nag joke lang mga brain cells ko.” Pagdadahilan ko at naglakad sa flat surface ng batong inakyat namin.
Kami lang naman ang tao rito. Advantage ‘yon dahil mas relaxing.
“Bakit ba kasi naisipan mo’ng umakyat dito ha?”
Sabi niya nang talikuran ko na siya.
“May isasagawa akong ritwal kaya kung ayaw mong sumama bumalik ka na lang sa sasakyan.” Sabi ko ng hindi siya nilingon sa likuran.
Kapag tumingin ka sa ibaba ay makikita mo ang tuktuk ng mga puno mula sa ibaba ng bato at kita rin ang kaunting parte ng kapatagan kapag diretso naman ang tingin mo.
Umupo ako sa bangin at naka laylay ang mga paa ko.
“OY MAGPAPAKAMATAY KA BA?” Sigaw niya sa likuran ko. Natawa naman ulit ako sa inasal niya.
Wow talaga. Kanina pa ako tumatawa, normal pa ba ako?
“Ang o.a nito. Maupo ka rito sa tabi ko.” Sabay tap ko sa gilid ko. Haha, halatang takot siya sa naging pwesto ko. Isang maling galaw lang kasi ay puwede akong mahulog sa ibaba at hindi ko alam kung anong surface ang babagsakan ko. Maaring lupa, maaaring tubig dahil may naririnig akong agos. Natatabunan kasi ng mga ng mga kahoy kaya naman ‘di ko matukoy.
“Bakit kasi riyan ka umuupo? Pwede bang umurong ka rito?” Sermon niya.
Tumayo ako.
“Sige na nga. Iiyak na kasi ‘yong buddies ko.” Panunukso ko at umupo sa may pwesto niya. Ginaya niya rin ako.
“Takot ka sa height?” Tanong ko sakaniya sa kalagitnaan ng pagmamasid namin sa tanawin.
“Oo, feeling ko kasi ‘yon ang ikamamatay ko.”
“Ang o.a mo.” Natatawang sabi ko. Wow ah, ngayon ko lang talaga ulit naranasang tumawa na may kasamang tao. Nakasanayan ko kasi naka ngiti lang ako at hindi ‘yon dahil sa ibang tao kundi sa pag aadventure ko.
“Lahat ng tao may kinakatakutan kaya hindi mo ‘ko masisi na takot ako sa matataas na lugar. Bakit ka ba kasi umupo ro’n?”
“Kasi masaya kapag ganoon ang pwesto.”
“Paano kung mahulog ka? May tumulak sa’yo?”
“Bakit tutulakin mo ba ako?”
“Hindi.”
“Ayon naman pala e, walang tutulak sa ‘kin kaya ‘di ako mahuhulog. ‘Di ako fans ng mga maligno.”
“ Edi wow, pero bakit tayo nandito?”
Grabe naman tanong nito.
“Simple, because I love forest. Kita mo naman ‘di ba, kita rito ang kagubatan ng bundok.” Yeah, totoo ‘yon. Mas prefer ko ang forest kesa sa beach at iba pang distenasyon.
“Ako ayaw ko sa forest, masyadong creepy. Mas gusto ko beach. Pero ngayon lang ako naging komportable sa forest.” Napatingin naman ako sakaniya. “Tingin ko nga, favorite spot ko na ‘to dahil sobrang ganda.” Dugtong niya habang nakatingin din sa ‘kin. Umiwas naman ako, magkatabi lang kami kaya isang dangkal lang ang layo ng mukha namin. Babae ako at lalaki siya, syempre awkward ‘yon.
“Edi love mo na rin ang forest?” Tanong ko.
“‘Di pa rin, ito lang. Hindi ibig sabihin na gusto ko ang lugar na ito ay gusto ko na rin sa iba. ‘Di ko lang talaga inasahan na ganito rito kaganda.” Sang-ayon ako sa sinabi niya. ‘Di ko rin inasahan na may ganitong lugar sa bundok na ito. First time kong makatagpo ng ganitong lokasyon.
“Wala ka bang inuuwian? Paano kung hinahanap kana? Mamaya masampahan pa akong kidnaper. Gusto mo iuwi na kita?” Naisip ko lang kasi na hindi lahat ng tao katulad ng estado ko sa buhay na libre lang gumala.
Halos isang minuto siya bago nagsalita. Tiyak kong may problema siya. Desidido naman akong malaman ‘yon baka kasi matulungan ko siya.
“Wala naman sigurong maghahanap sa ‘kin.” Grabe, ba’t ‘di siya sigurado? “Bakit, ayaw mo na bang makasama ako?” Umiling agad ako.
“Mali ang konklusyon mo. Iniisip ko lang na baka nag aalala na sila sa’yo. Mas mabuti ng sigurado.” Tinutukoy ko ang mga magulang at pamilya niya.
“‘Wag kang mag alala.”
Halos sampong minuto na kaming nakaupo rito at hindi nagsasalita. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa buhay niya kaso natatakot akong mag tanong. Baka may mabuksan akong tanong na hindi niya magustuhan. Kaya mananahimik na lang ako.
“Bakit ka nag aadventure chinita? I mean, wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay?” Hindi ko inasahan na tatanong siya pero handa ako para e kwento sakaniya ang lahat ng bagay na tungkol sa ‘kin. Gusto kong mailabas ang kwento ko at baka mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
“2 years ago ng mamatay ang papa ko. Isa siyang sundalo at si mama naman ay isang doktor.” Bumuntong hininga muna ako.
“Nang mamatay si papa sobrang nagalit ako kay mama. Sinisi ko siya dahil tinagurian siyang pinakamagaling na doktora sa pilipinas pero ‘di niya niligtas si papa. Pinapag aral niya ako pero todo ako sa cutting class kaya napilitan siya na mag stop ako.”
“Ibig sabihin ‘di ka nag aaral sa loob ng dalawang taon?” Tumango ako.
“Oo, at puro pag explore na lang sa ibat-ibang lugar ang ginawa ko.”
“Saan ka kumukuha ng pera? Sa mama mo?”
“Hindi ah, never akong humingi ng tulong sakaniya kahit magkasama kami sa iisang bobong. Lahat ng gastos ko ay galing sa pension ni papa. Buwan-buwan ay may natatanggap akong pera.”
“Wow, pensyonado ka pala.” Natawa siya.
“Pero masakit isipin na makakapaglakbay ako dahil sa pera ni papa. Hindi ko lang talaga kayang manatili sa bahay. Depression really eating me by staying in the four corner of our house. Pumapasok sa isip ko na mag suicide para matakasan ang realidad.” Pagkatapos kong magsalita ay muli ko siyang tiningnan. Masaya ako at may nakwentuhan ako tungkol sa buhay ko. Masaya akong nakasama ko siya. Masyadong maamo ang mukha niya. Perpektong labi, ilong at mata. Mayroon pala talagang perkektong nilalang pagdating sa itsura. Isa lang ang hindi ko sigurado sakaniya ‘yon ay ang nararamdaman niya. Kitang-kita sa mga mata niya na may dinadala siyang malaking problema.
Ibinalik ko sa harapan namin ang paningin ko.
“Ikaw naman, mag kwento ka rin para fair.”
“Ayaw ko.”
“Bakit? Hindi mo naman ako kilala, posible rin na hindi na ulit tayo mag kita pagkatapos nito. Kaya handa ako para pakinggan ang hinaing mo sa buhay.” Sa sinabi kong iyon ay muling nagtama ang paningin namin dahil nilingon ko siya. This time ‘di na ako umiwas para ma encourage siya na mag kwento. Sa huli, siya ang sumuko, pansin ko na pumula ang mata niya. Normal ba ‘yon? Bakit sobrang pula?
“Tama, maghihiwalay din naman tayo.” Bulong niya na hindi ko nasundan kaya hindi ko naintindihan.
“ Nang makita mo ako sa kalsada, nag layas ako sa bahay namin noon gamit ang bisekleta ko.” Kwento niya habang diretsong nagmamasid sa magandang tanawin sa harapan.
Kumunot ang noo ko.
“Naglayas? Bakit? Ibig sabihin maaaring hinahanap ka ngayon?”
“Sobrang sakal na ako, ‘yong tipong ‘di na ako masaya dahil sa kasakalan nilang lahat. Alam kong mahal nila ako pero sana maintindihan nilang gusto ko rin sumaya.” Habang sinasabi niya ang mga katagang iyon, ramdam ko ang pinaghalong lungkot at galit na nararamdaman niya.
“Bakit kinukulong ka nila?”
“Oo parang ganoon. Gusto ko mag aral pero ‘di nila ‘yon ibinibigay. Gusto kong maramdaman ang buhay ng isang katulad ng normal pero hindi nila ako hinahayaan. ‘Yong para bang may virus ako na puwedeng kumalat sakaling makisalamuya ako.” Itinigil niya ang pagsasalita at humangos ng malalim para kumalma. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Gusto niyang mag aral pero ayaw ng magulang niya. Napagtanto ko tuloy na dapat pinapahalagahan ko ang edukasyon dahil hindi lahat ay nakakapagaral. “May sakit ako.” Dugtong niya ng medyo natatawa.
Tiningnan ko ang mukha niya at humarap din siya.
“Ano ba’ng sakit mo? Diabetes? Tuberculosis? Tonsillitis?” Tanong ko nang nakatitig sa mga mata niya.
“Leukemia.” Mabilis niyang sagot at nakangiti pa. Napalunok ako at kakaibang lungkot at awa ang naramdaman ko sakaniya.
“Tara, balik na tayo sa kotse.” Tumayo siya’t nag unat ng katawan. Nauna siyang bumaba at nag lakad pabalik sa pinarkihan namin ng sasakyan habang nakasilid ang kaniyang mga palad sa bulsa ng jacket niya.
Leukemia. May sakit siya kaya pala mahigpit sakaniya ang mga magulang niya. Kung ganoon, kailangan ko na siyang iuwi dahil makakasama ito sakaniya. Hindi niya lang talaga maintindihan ang pakiramdam ng magulang niya kaya naiinis siya. Pero lahat ng iyon ay dahil mahal siya at ayaw mapahamak, para mapalawig pa ang buhay niya.
Bumalik ako sa kotse at nandoon na siya. Nag u-turn ako at saka tinanong siya.
“Saan ka nakatira?” Kailangan ko siyang maiuwi, hindi maganda sa lagay niya kung magpapatuloy siya sa pag sama sa ‘kin.
Hindi siya umimik ay nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
“Saan ka kako nakatira?” Medyo malakas na tanong ko sakaniya. Imposibleng ‘di niya ako naririnig, ayaw niya lang talagang sabihin. Alam ko ‘yon.
“Kailangan mo ng umuwi, saan ka nakatira?”
“Ibaba mo na lang ako sa tabi.” Malumanay niyang sabi.
“Hindi puwede, kailangan mong umuwi, nag aalala na ngayon ang pamilya mo.” Nagulat ako at bigla niyang sinipa ang harap.
“IBABA MO NA LANG SABI AKO SA TABI!”
“HINDI NGA PUWEDE! BA’T ANG TIGAS MO? IUUWI KITA SA BAHAY NI’YO, SAAN KA NAKATIRA!?”
“Hindi mo kailangan na iuwi ako! Kaya ko ang sarili ko, kaya ibaba mo na ako.” Halatang nag titimpi siya pero ‘di ko magagawa ang gusto niya.
“No, hindi pwe—”
“PUTANGINA NAMAN! LAHAT BA TALAGA NG TAO TUTUL SA GUSTO KO! TANGINA, NAKAKATAKOT BA ANG SAKIT KO?NAKAKAHAWA BA?” Hindi ko na talaga napigilan ang pamumuo ng luha sa mata ko. Ayaw kong isipin niya na pati ako ay hadlang sa gusto niya. Ang gusto ko lang naman ay ang nasa ligtas siya. Gusto ko pa siyang bigyan ng pagkakataon para maiwasan ang masamang kahahantungan niya.
“Ma-mali ka ng iniisip, gusto lang namin na maging lig-”
“TANGINA NAMAN! LIGTAS? ‘DI NIYO BA NAISIP NA UNTI-UNTI AKONG NAMAMATAY KAPAG NAKAKULONG AKO? TANGINA, MAMAMATAY AKO! MAMAMATAY AKO KAHIT ANO PA’NG GAWING PAG AALAGA! MAMAMATAY AKO KAYA KAILANGAN KONG MAGING MASAYA KAHIT PANANDALIAN LANG!MAMATAY LANG NAMAN AKO KAYA BIGYAN NI’YO ‘KO NG PAGKAKATAON NA GAWIN ANG MGA GUSTO KO! PUTANGINA NAMAN!” Basag na paliwanag niya. Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko kaya naguunahan silang dumaloy sa pesnge ko. Nasasaktan ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
“IKAW! ‘DI MO NAMAN AKO KILALA KAYA ANONG INIIYAK IYAK MO? NAAAWA KA BA SA ‘KIN? OO SOBRANG KAAWA AWA ANG LAGAY KO KAYA IBABA MO NA AKO SA TABI!”
“No, I-I will never do that!”
“IBABA MO SABI E!”
“HINDI NGA PWEDE!” Sigaw ko na rin at kasunod noon ang pagsuntok niya sa salamin ng bintana sa kotse.
Nabasag ‘yon.
“STOP THE DAMN CAR!” Nakita kong dumugo ang kamay niya.
Ano ba’ng gagawin ko?
My heart was beating so fast. Sunod-sunod na pag lunok ang nagawa ko.
“Hindi mo ba ititigil ang sasakyan?” Umiling ako. At sinimulan niyang agawin ang manibela sa ‘kin.
“Ano ba, baka ma disgrasya tayo!” Pero parang wala siyang naririnig hanggang sa bigla na lang may bumusina.
Unti-unting namilog ang mata ko ng makita ko sa harap ang malaking truck. Isang metro ang layo nito at nagawa ko pang iwasan ang mabangga subalit sa pag liko kong iyon ay isang bus ang sumalubong sa ‘min.
Rinig ko ang huni ng ambulansya, rinig ko ang panic ng tao, pero isa lang ang binalingan ko. Si Happy, nakangiti siya sa ‘kin. Inabot niya ang pesnge ko, hinaplos ang luhang bumadya at saka pumikit.
“You’re name is?” Mahinang tanong niya.
Pinilit ko ring mag salita at sagutin ang tanong niya. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, wala akong maramdamang sakit subalit ramdam ko ang pagod.
“Sa-sakura, you?” Gusto ko ring malaman. Sana kahit ngayon lang maging fair ang mundo. Kahit ngayon lang. Please lumaban ka.
“Ma...Matagi, hoping... we’ll...meet...a-gain... Sak—” umubo siya ng dugo. At ako wala akong magawa, ‘di ako makasigaw ng tulong, I am too useless for the second time around.
Hindi ko na rin mapigilan ang pagpikit ng mata ko.
Matagi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-(