Adventure-01

1076 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author’s imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental. All Rights Reserved: No part of this book covered by the copyright hereon may be reproduced or copied in any form or by copying, taping, or information storage and retrieval system without written permission of the publisher. Note:This story contains typographical errors, grammatical grammars, and also containing strong languages that not suitable for very young audience. Read at your own risk. ***************************************** 01—Adventure Buddies Maaga akong umalis sa bahay sakay ng coupe car ni papa. Dala ang ilang damit para sa isang linggong paglalakbay. Mahal ko ang adventure, ‘yon ang dahilan kung ba’t ako nabubuhay. ‘Yon ang paraan ko para takasan ang realidad na nagpapalugmok sa ‘kin sa kalungkutan. Lahat ng pera na mayroon ako ay inilalaan ko sa gas, hotel, at iba pang paggagastusan sa mga lakad ko. Huling destination ko ang Camarines Sur. Lahat ng lugar sa luzon na talagang dinadayo ng turista ay napuntahan ko na. Pwera sa lugar na hindi kayang maabot gamit lamang ang sasakyang pangkalsada. Alas kwatro pa lang ng umaga kaya medyo creepy ang daan patungo sa probinsya. Pero ‘di ako fans ng multo maybe mas prepare ko na paniwalaan ang mga alien. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho at talagang mabilis ang patakbo ko nang may makita akong kumakaway sa gitna ng kalsada. Todo kaway siya at may back bag na dala. Hindi ko rin maiwasan o gumilid sa pwesto niya dahil nasa gitna siya mismo. Syempre takot ako na makapatay ng tao. At saka, malay mo magtatanong lang naman ‘yong tao. Inihinto ko sa harap niya ang minamaniho ko at bakas sa kaniyang mukha ang pagkagalak. Lumapit siya sa malapit na bintana sa may parte kung nasaan ako nakaupo. “Miss, pasensya kong naabala kita.” Tinanguan ko naman siya. “Anong maitutulong ko?” Direkta ko. “Flat ang gulong ng bisekleta ko. May pang bomba ka ba?” “Wala.” Tipid na sagot ko. Napako ang tingin ko sa mountain bike niya at flat nga ito. Bakit siya nag bibisekleta sa ganitong lugar? Puno ng mais na tanim ang parehong gilid ng kalsada at wala ring street light. Ang lakas ng loob niya para rito siya mag ehersisyo. “Gano’n ba. Puwede bang makisabay miss?” Hindi naman ata siya kawatan o ano. Marunong akong kumilatis sa isang tao kahit unang beses ko pa lang itong nakita. Basta ramdam ko. “Sige, pumasok ka. Isilid mo na rin ‘yang bisekleta mo sa back seat.” “Ayon! Maraming salamat miss chinita.” Sabay ikot niya ng kabilang parte ng sasakyan at ipinasok niya na ang bike sa likuran ng uupuan namin. Sumunod siyang pumasok at todo ngiti ang pagmumukha niya. Tsk, sana lahat masaya. At ano ‘yong tawag niya? Chinita? Wow ah. “Ba’t mo ‘ko tinititigan miss chinita?” Natauhan naman ako dahil sa sinabi niya. “Ang seatbelt mo.” Naiwika ko na lang at nagsimulang mag maneho. Wala sa ‘min ang nagsasalita at hindi ko rin ugali ang pagiging madaldal kaya patuyuan na lang kami ng laway hanggang sa mag umaga. Dumating ang oras na alas 7:00 ng umaga na. Ihininto ko sa gilid ng isang matirik na lugar ang auto ko at lumabas para mag pa hangin. Nandito na ako sa Camarines Sur at dumiretso na ako sa Mt. Isarog. Kitang-kita rito ang malawak na probinsya at kahit medyo maaraw na ay hindi pa masakit sa balat dahil sa mababa ang temperatura rito. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang presenya ni happy. Okay, wala akong ibang matawag. Akin lang naman, ‘di niya naman malalaman na ganoon ka corny ang tawag ko sakaniya. Masyadong halata sa mukha niya na masayahing tao siya kaya ‘yon na lang ang itatawag ko sakaniya. “Gising ka na pala.” Pangunguna ko dahil kinukusot niya pa ang mata niya. Yes, nakatulog siya kaya pala ‘di nagsasalita. Tumabi siya sa gilid ko at pinagmasdan niya rin ang malawak na kapatagan. “Ang ganda naman dito.” Untag niya. Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong ramdam niya na nagagandahan din ako sa lugar. “Miss Chinita.” Pagtawag niya makalipas ang ilang minutong pagmamasid sa tanawin. “Maraming salamat at pinasabay mo ‘ko.” “Hmm. Wala ‘yon.” At tipid akong tumango. “Tara na sa loob, masakit na sa balat ang sikat ng araw.” At nauna akong pumasok. Habang nagmamaneho ay nag aalmusal kaming dalawa. Sangkap ang gamit ko sa kotse. May termos at pakete ng greatest white at biscuits. Syempre cup na rin. “Saan kita ihahatid?” Tanong ko kay happy. “Kahit sa’n mo gusto.” Anong klaseng sagot ba ‘yon? “Ikaw saan ka ba papunta?” “E-ewan ko. Kahit saan.” Tapos tumawa siya. See? Happy kid siya. “Hahahaha, ang weird. Pero sige, tinanong mo ‘ko kung saan ako papunta at ang sagot ko kung saan mo gusto. Simple lang chinita, ibaba mo ‘ko kung saan mo gusto. Kung gusto mo ‘kong manatili, sasabayan kita sa byahe mo.” Nakangiting sabi niya. Parang kung may anong exitement akong naramdaman siguro ay dahil may makakasama ako sa gitna ng pag eexplore ko. Haha, ano kayang buhay mayroon ang lalaking ‘to at kakaiba rin ang trip niya sa buhay? “Sa tingin ko adventurer ka. ‘Yong parang explorer. Tama ba ako chinita?” “Hmm, parang ganoon na nga. Ikaw din ba?” “Ah okay. So chinita the explorer na ang tawag ko sa’yo dahil para kang si Dora haha. May bangs at lakwatsira.” ‘Di niya sinagot ang tanong ko pero napangiti pa rin ako sa sinabi niya. “Thanks ah. Privilege kayang masabihan na explorer. Edi ibig sabihin turista ka.” Mahal ko ang pag adventure dahil nakakaramdam ako ng tuwa. “At kakasabi mo rin na gusto mo ‘kong samahan. Edi ikaw na si boots niyan.” Siya ‘yong unggoy na buddies ni dora. “Hahaha, dora watcher ka pala. Edi sige ako na ‘yong unggoy na buddies niya.” “Wow ah, tanggap mo?” Kung iba kasi ay mag rereklamo dahil magiging unggoy unggoy sila. As if naman totoo . “Aba oo naman. Why not ‘di ba. Baka ipagtabuyan mo pa ako kapag sinuway kita.” “‘Di ako ganoon.” “So mabait ka?” “Parang ganoon na nga.” “Cool. Edi papayag ka kapag inalok kita na maging adventure buddies huh?” Napatingin naman ako sa gawi niya. “Oy, baka mahulog tayo sa bangin huwag ako ang tingnan mo! Mag focus ka sa daan.” Ibinalik ko sa kalsada ang pansin ko. Tama siya, masyadong delikado. “Oo payag ako. Buddies tayo pag dating sa adventure.” Sagot ko makalipas ang ilang minuto. A lil’ bit happy to be with someone exploring the beauty of nature. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD