PRIMO'S POV "Ano ba namang mga bata kayo! Sa kwarto nga kayo maglandian jusko! Aatakehin ako sa puso sa inyo eh!" singhal ni tiya habang nakatakip pa din ang mga kamay sa kaniyang mata. "Ang arte niyo naman tiya! Palibhasa wala kayong lovelife eh!" natatawa kong sambit. "Aba! Yang bibig mong bata ka talaga!" inis na singhal ni tiya at mabilis na lumapit sa amin dala dala ang walis tingting kaya patakbo akong nagtago sa likod ni Madeline. " Wag ganiyan tiya! Babe oh! Aray! Ouchh!" daig ko ng pinagkukurot niya ako sa bewang. Shit! Masakit mangurot ang tiya ko! Napanguso ako dahil tinawanan lang ni Maddy. "Oh siya! Kamusta ang niluluto mo? Baka mamaya inuna niyo ang landian ah aba eh di tayo mabubusog diyan!" singhal ni tiya kaya natawa kaming dalawa at nagkatinginan. "It's alr

