PRIMO'S POV Kahit labag sa loob kong magpaiwan ay hindi ko maitatanggi ang pag aalalang namutawi sa akin. Nagpapasalamat akong naiintindihan iyon ng girlfriend ko eh. Ano ba kasing sasabihin?! Nagtatangka pa talagang magpakamatay eh! Baliw ba siya?! "Nasan ang ate mo?" tanong ko sa kapatid ni Clarisse at bumuntong hininga. "Sama po kayo sa amin k-kuya Primo." sagot nito at patakbong naglakad papunta doon. Nagpaalam muna ako kina nanay at sa kapatid ko bago sumunod. Ng makarating ako sa bahay nila ay nadatnan kong namomroblema ang nanay at tatay niya. "Tiyo Ramon, Tiya Clara. Nasaan po si Clarisse?" agad kong tanong pagkarating sa kanila. Agad silang napatayo at lumapit sa akin. "Hijo! Hijo! Jusmeyo ang anak ko!" umiiyak na sambit ng tiya Clara at hinawakan ako ng mahigpit.

