Molly "Bessy, kain na. Kanina ka pa nakasubsob diyan sa ginagawa mo. Paalala ko lang sa iyo, hindi ka tagapagmana." Agad na nalukot ang mukha dahil sa sinabi ni Kamille. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang gagawin ko. Wala pa nga akong ideya kung paano yung design. Dream house, iyan ang project na gustong gawin ni Terrence. Dream house niya maybe? Tsk. Siguro ay pinaghahandaan na niya ang magiging pamilya niya sa fiance niya. I already visited the area with other architectures. Sa sobrang luwang at laki ng space, hindi lang basta magiging simple ang project na ito, mansion ata ang nais ng gago. Kami na ang magdedesisyon kung ano ang disenyo ng bahay... nasa sa kaniya na kung pipiliin niya o hindi. "Kung ikaw magpapatayo ng bahay, paano? Like, anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya p

