CHAPTER 10

1989 Words
“MY god, Olive!” Bumungad na naman ang malakas at galit na boses ni Mommy. “Saan ka ba nanggaling?” “Mom-” “Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa’yo, huh?” Humawak pa si Mommy sa sintido niya na parang pinipigilan ang sarili na ilabas ang galit. “Ang sabi ng Kuya Aragon mo sa amin ay umalis ka daw sa cafe at iniwan sila doon. Tinanong ka niya kung alam mo ang pauwi at dahil nga lumaki kang mayabang at ayaw magpatalo, sumagot ka ng oo. So, he expected na nakauwi ka na. Pero dumating na siya, wala ka pa rin!” Tiningnan ko muna si Aragon na katabi ni Ninang at saka huminga ng malalim. “Mom. Listen to me first, okay? Don’t panic. Hindi ako napahamak, malaki na ako at alam ko ang ginagawa ko-” “No, you don’t know what you’re doing.” Umiling-iling si Mommy, tanda na kontra siya sa mga sinabi ko. “Huwag kang umakto na kaya mo ang sarili mo. Paano kung napahamak ka? Paano kung hindi ka nakita ni Aragon-” Aragon. Aragon na naman. Hindi siya super hero. Kainis! I smiled at them. Syempre ngiting peke. “I’m fine. Buo akong umuwi, mom.” Sabi ko sabay lakad sa gawi ni Mom at Dad para magmano, pati na rin kay Ninang at Ninong. Wala pa kaming isang linggo dito, ang bait ko na. Ayokong pakinggan ang mga sermon nila. Mabibingi lang ako sa mga sermon nila na paulit-ulit na lang. Kasalanan ‘to ni Aragon, e! Siya dapat ang nasesermunan, hindi ako! Pabibo kasi ang lalaking ‘yon! NAGISING ako sa nakakarinding tunog ng alarm clock kaya mabilis kong hinablot iyon sabay pindot ng off. Nandito pa rin ako sa province habang sila mom and dad ay bumalik ng Maynila dahil nagkaroon daw ng problema sa kumpanya. Babalikan rin naman daw nila ako dito. Kahit hindi bukal sa loob ko ang ginawa nilang pag-iwan sa akin, wala naman akong magagawa. Pero ang mas ikinakasama ng loob ko ay ang ibilin ako ni mom at dad kay Aragon, sinabi nila na sana daw pagkinuha nila ako dito, mabuti na daw ang pag-uugali ko tulad ni Aragon. s**t! Hindi ba nila alam ang tunay na ugali ng lalaking ‘to? E, mas masahol pa sa akin iyon, e. Mabait lang naman siya sa harap ng ibang tao, pero sa harap ko para siyang isang masamang espirito na may dalawang sungay sa ulo. Kahit naiinis ako ay bumangon pa rin ako at ginawa ang morning routine ko. Mag-toothbrush at mag-hilamos. Feel at home ako. Paglabas ko ng kuwarto ay dumiretso na agad ako sa kusina upang mag-breakfast. “Good morning, Ninang, Ninong at Kuya Aragon!” Masiglang-masigla kong bati sa kanila. Kailangan ko maging cheerful. “Good morning, Olive.” Sabay na bati nina Ninang at Ninong. Si Aragon, wala lang. Pakitang tao lang pala siya ‘nung nandito pa ang mga magulang ko. Tsk. “Ipaghahatid sana kita ng pagkain sa taas dahil tulog ka pa.” Segunda ni Ninang na may matamis na ngiti sa mga labi. “Buti at gising ka na.” Tanging ngiti lang ang isinagot ko kay Ninang at naupo na sa katabing upuan ni Aragon upang umpisahan ang masarap na agahan. “Siya nga pala, Olive.” Pukaw muli ni Ninang sa akin. “Si Aragon na muna ang bahala sa’yo.” Kagigising ko lang pero sira na ‘yata agad ang araw ko. Napipilitang tumango ako. “Sige po, Ninang. Wala pong problema.” Ang laki ng problema ko sa anak ninyo. Iyon sana ang gusto kong sabihin pero kailangan kong maging mabait pansamantala. Kaunting tiis na lang, Olive. Tahimik kaming kumain nang umagahan at dahil nga ibinilin ako kay Aragon, nandito kami ngayon sa taniman at pinaparusahan niya ako. Sa katirikan ng araw nagtatanim ako ng mga bulaklak habang si Aragon nakaupo at nagbabasa ng nakadekwatro pa! Ganito ba ang dapat kong matutunan?! Akala ko ba magandang asal? Bakit pakiramdam ko ginawa niya akong katulong. Hindi na ako makatiis at pabalabag na binitawan ang mga hawak kong equipment na ginagamit sa pagtatanim ng manual. Iyon ang ipinagtataka ko. May machine naman para rito pero manual equipment ang ipinagamit niya sa akin. Sumosobra na talaga siya! I approached him and arched my brows in disbelief. But this ignorant person did not seem to notice me at all. I couldn't believe it! Sobra na siya. Ginagamit niya ang pagiging angelic niya kuno, para pahirapan ako. I can’t take it anymore! I took a deep breath and cleared my throat, trying to get his attention. “Hoy, kasama ba talaga ang pagtatanim ko sa pagtuturo ng maganda mong asal?” . “Yes.” He simply answered without even looking at me, as if he didn't want to make eye contact. Ang arte ng lalaking ‘to! Akala ba niya gusto kong makipagtitigan sa kanya?! Ngumisi ako. “Hindi ako tanga para magpaalipin sa’yo, huh! Isusumbong kita sa mga magulang ko at sasabihin ko ang tunay mong ugali!” Mas hinigitan niya ang pag-ngisi ko. “Do it. Akala mo ba maniniwala sila sa brat na katulad mo? Sa palagay ko, mas paniniwalaan nila ako.” Mapang-asar niyang sabi. Nagtatagis na ang mga ngipin ko sa sobrang inis na nararamdaman ko. Kating-kati na ang kamay kong suntukin siya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Baka makita pa ako nila Ninang at Ninong, ayokong maging panget ang tingin nila sa ugali ko. Pero hindi ako ang taong magaling magpigil. Kaya pasensya na, Mr. Aragon Hudson, kailangan mong matauhan sa mga pang-gagago mo sa akin. Akmang susuntukin ko si Aragon nang may tumawag sa akin. “Olive!” Ipinagpaliban ko ang pagsugod kay Aragon at nilingon ang gawi ng taong iyon. Si Ninang. At mukhang hindi siya okay. Ano ang nangyari? Bakit parang nagpapanic siya? Lumapit ako sa gawi ni Ninang dahil parang napako siya sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa akin at halo-halong emosyon ang nasa mga mata niya. “Ninang, bakit po?” Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman kong nanlalamig ang palad niya. “Ayos lang po ba kayo, Ninang?” “A-Ang Mommy at Daddy mo.” Panimula ni Ninang. “Na-nasa o-spital sila.” “Bakit po? Anong nangyari?!” Nagpapanic kong tanong. “Naaksidente sila!” Bulalas ni Ninang. Para akong naupos na kandila sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ni Ninang. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko, ngunit mababakas ang pangamba sa aking nanginginig na katawan. I've never been so scared before; my chest feels tight and I can't seem to take a deep breath. My entire body is trembling and I'm becoming numb. “Let’s go. Pupunta tayong Maynila para tingnan ang lagay nila sa ospital.” Kung hindi pa nagsalita si Ninong Recy ay hindi pa ako matatauhan. Nagmamadali kaming umalis at habang nasa biyahe kami patungong Maynila, walang ibang laman ang utak ko kundi ang mga magulang ko. Oo, gago ako at madalas ay sakit sa ulo pero walang katumbas ang pagmamahal ko sa mga magulang ko. Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng quality time at hindi ko hahayaang hindi maulit ang mga iyon. “DOC, kamusta po ang lagay ng mag-asawa?” Si Ninong Recy ang nagtanong sa Doktor. Huminga nang malalim ang Doktor bago sumagot. “Didiretsuhin ko na kayo. The patients are in bad condition. They were injured in the accident and have blood clots and damaged areas. Hindi ko alam kung kailan sila magkakamalay, o kung magkakamalay pa ba sila.” Kumuyom ang kamao ko dahil sa mga paliwanag ng Doktor kaya lumapit na ako. “Doktor kayo, di’ba? Gawin ninyo kung ano ang dapat gawin!” Ayokong nakikita ako ng iba na mahina ako pero ngayon, unti-unting lumalabas ang kahinaa ko dahil hindi kakayanin ng puso ko kapag may nangyaring masama kay Mom at Dad. “Kapag hindi ninyo ginawa ang lahat, ipapasara ko ang ospital na ito! Hindi bale mawalan kami ng pera maipasara ko lang ‘to!” “Olive.” Umiling-iling si Ninang at hinawakan ako sa balikat. “Enough. Walang mangyayaring masama sa kanila. Hindi nila hahayaang iwan ka, okay? Calm yourself.” Ninang was comforting me, but I couldn't calm down. Seeing my parents struggle was too much for me. I feared that if I lost them, it would be too much for my heart to bear. Thus, I knew I had to take action. “Olive, hija. Dito muna kayo ni Aragon. May aasikasuhin lang kami ng Ninong mo.” Pagpapaalam ni Ninang na sinundan ko naman nang pagtango na walang kabuhay-buhay. Pakiramdam ko mahina ang buong katawan ko. Naghihintay lang ako sa waiting area nang tumabi ng upo si Aragon. “Everything is going to be okay.” His soothing voice and comforting touch slowly helped me relax. “Strong ka. Kaya sigurado akong ganoon rin ang mga magulang mo.” Tumango-tango lang ako sa sinabi ni Aragaon pero hindi pa rin maaalis ang pangamba sa puso ko dahil sa mga sinabi ng Doktor. A lot of negativity came to my mind, but I countered it with positives. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. After quite some time, Ninang and Ninong showed up to bring me to the recovery room. "Olive, your parents are finally awake! We can now go and see them." Ninang informed me with a smile. A wave of emotion washed over me as we walked down the hospital hallway with anticipation. I was so eager to see my parents, yet I was nervous as to what condition they might be in. Would they be the same as before the accident? Would they still be able to recognize me? My head was buzzing with questions and anxiety as we made our way. Nang makapasok kami kaagad akong lumapit sa kanila. Magkatabi ang kamang hinihigaan nila kaya madali ko silang nayakap na dalawa subalit wala silang response. Nakamulat nga ang mga mata nila ngunit tila ba walang buhay. Anong nangyayari? Nilingon ko ang Doktor na nakatayo sa gilid. “Doc, bakit po ganyan sina Mom and dad?” “They are both conscious, but they still can't move their bodies and their brains aren't working. They are still under recovery, but based on our study, they will be okay in just a few days. Nakakagulat nga na ang bilis mag-recover ng katawan nila after operation. We are hopeful that they will recover completely and be able to get back to their normal lives soon. We are continuing to check them closely and provide them with the best possible care.” Pagpapaliwanag ng Doktor. “Makatutulong kung palagi mo silang kakausapin. Oh, siya. Maiwan ko muna kayo. Pindutin lamang ninyo ang Emergeny button kung may kailangan kayo.” Habilin ng Doktor at lumabas na. “Narinig mo ‘yon, Olive.” Pukaw ni Ninang at hinawakan ako sa balikat. “Ibig sabihin lang niyan, magiging maayos sila kasi naririnig ka nila. Sa iyo kumukuha ng lakas ang mga magulang mo kaya ipakita mong malakas ka.” I smiled at Ninang. “Salamat Ninang.” Hinawakan ko ng marahan ang kamay ni Mommy at pinisil iyon ng mahina. “Hi, mom. Gumising ka na, please. Mag-bobonding pa tayo nila Dad kasama sina Ninang. Pangako magpapakabait na ako. Hindi na ako magiging pasaway sa school.” Itinaas ko pa ang aking palad na parang nanunumpa. Ngayon lang ako naging mas vocal. Ngayon ko lang nasasabi ang dapat noon ko pa sinabi. Gagawin ko lahat para matuwa sina Mom at Dad, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanila. I will be a good daughter and a good person, like my mother and father want me to be. I will always put others before myself, and do the right thing. Tutuparin ko ang mga pangakong binitawan ko kapag tuluyan na silang naging okay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD