Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sinabing normal na aksidente lang daw ang nangyari. Nawalan ng preno ang sasakyan at ibinangga ni Dad sa poste para walang ibang madamay. Kaya lubos akong humahanga sa mga magulang ko, e. In the end, they still care about other people.
“Olive.”
Nilingon ko ang taong tumawag sa akin mula sa likuran.
“Tita. Kayo po pala.”
Ngumiti si Tita Doris at nilapitan ako sabay hawi ng buhok ko na parang naglalambing sa akin. “How are your parents doing?” She asked in calm, comforting tones.
Pinalitan ko nang matamis na ngiti iyon at sumagot. “Ayos lang po. Ang sabi ng Doktor magiging maayos sila after ilang days.” Sagot ko kay Tita. “Nasaan po pala si Tito Nelson? Bakit hindi mo siya kasama?” Kapagkuwan ay tanong ko.
“May importante lang siyang inaasikaso.”
“Ganoon po ba.” Sagot ko, sabay ngiti na ginantihan rin naman nang ngiti ni Tita.
“Oo, alam mo naman maraming iniwan si Ate na trabaho sa amin.” Wika ni Tita. “Tawagan mo lang ako kapag nagising na sila.” Dagdag pa niya.
Medyo kadikit ko si Tita dahil siya ang madalas kong kasama sa mga gimmic. Kaya nga sinasabi ni Mom palagi na nagiging kaugali ko na daw ito. Troublemaker rin daw kasi si Tita noong kabataan nito parang ako. Pero ngayon na may asawa na si Tita Doris, nagbago na siya at mas naging mahinahon na ngayon. Kung kumilos ay parang walang kalokohan na gawain noon at mukhang hindi makabasag pinggan. Pag-ibig lang daw pala ang babago kay Tita Doris. Ayan ang sinasabi ni Mom palagi. Ano ba ‘yung pag-ibig? Nakakain ba ‘yon? Hmm… Baka, sakit lang ng ulo. Tsk.
Nanatili si Tita Doris ng mga ilang minuto bago siya nagpaalam. Hindi daw kasi siya pwedeng magtagal sapagkat sa kanila ni Tito Nelson ibinilin ni Mom at Dad ang kumpanya. Wala pa kasi akong alam sa paghawak ng negosyo kaya hindi nila sa akin ipinagkakatiwala ang kumpanya. At saka, ayoko rin naman. Pero ngayon, kung hihilingin ni Mom at Dad na mamahala ako at maging responsable, gagawin ko para sa kanila. Ayokong sayangin ang panahon na maging gago lamang. Tama na siguro ang ilang taong pagiging troublemaker ko at sakit sa ulo sa kanila.
Ngayon ko mas napagtanto na ayusin ang sarili ko para kay Mom at Dad.
Hinatid ko sandali si Tita sa parking lot ng ospital at mga ilang minutong chikahan bago tuluyan na siyang umalis. Wala sina Ninang at Ninong. Ang kasama ko lang ngayon ay si Aragon pero nasa Coffee shop siya bumibili ng breakfast namin.
Pagbalik ko sa recovery room, nakarinig ako nang galabag mula sa loob. Kaya mabilis kong binuksan ang pintuan ng silid na inuukupa ni Mom at Dad. Nang mabuksan ko ang pinto, nanlamig ang buong katawan ko sa aking nabungaran. I saw Mom and Dad both facing each other and their bodies were full of blood. I saw my parents with blood on their bodies and knives in their hands. I was trembling with fear and didn't know what to do. My thoughts were frantic, and I had to take action. As I approached them, my heart sank and I burst into tears.
“No…” Halos pabulong na lang ang lumalabas sa boses ko at sinubukan ko pang yugyugin ang katawan nila ngunit walang response. “No, please. Mom! Dad! Please. Kung isa lang itong prank, hindi nakakatuwa. Ayoko nang ganito.”
Nakakabit pa rin ang IV fluid nila pero ang oxygen ay wala na sa ilong nila. Pinakinggan ko ang heartbeat nila pero wala na akong marinig kaya nagsimula akong magpanic.
“Tulong Nurse!” Hindi ko na nagawang pindutin ang emergency button dahil pakiramdam ko wala na akong lakas. “Tulungan ninyo kami!” I screamed as loud as I could.
Tiningan ko ang dugo na nasa kamay ko at nanginginig na bumaling ako kay Mom at Dad na alam kong wala nang buhay dahil pareho silang nakanganga at nakamulat ang mga mata. Nanginginig ang buong katawan ko sa aking nasisilayang isang damakmak na dugong nakapalibot sa kanila. Unti-unti ay nanlabo ang paningin ko at nagmanhid ang buong katawan ko dahil sa maraming dugo na nasa kamay ko.
Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan bago ako tuluyan nawalan ng malay.
NAGISING ako sa nakakasilaw na ilaw na nasa uluhan ko. Bumalikwas ako nang upo at hinanap ng mga mata ko si Mom at Dad. Kinain ako nang pag-aalala ng maalala ang huling senaryong nakita ko. Isa lamang iyong masamang panaginip. Pawis na pawis ako at balisa. Anong nangyari? Bakit ako nakahiga rito at nasaan ang mga tao?
Akmang tatayo ako nang bumukas ang silid na inuukupa ko. Bumungad ang umiiyak na si Tita Doris pati na rin si Ninang na umiiwas nang tingin at namamaga ang mga mata. Sunod na pumasok ay si Aragon at Ninong na wala rin naging imik. Para silang may gustong sabihin sa akin.
“Tita, Ninang? Bakit po kayo umiiyak?” Kapagkuwan ay tanong ko kay Tita na umiiyak katabi niya si Tito habang si Ninang ay nakatayo sa gilid ng pinto at walang imik.
Isa-isa kong tiningnan ang mukha nila at mas lalo akong kinain ng takot at pag-aalala ng nanatili silang walang imik. Wala sa mga ito ang nagsalita, o sumagot sa tanong ko. Not even Aragon.
Tumiim ang titig ko kay Aragon. Alam kong sasagot siya. “Kuya Aragon.” Nangungusap ang mga mata ko habang tinititigan siya. “Nasaan si Mom at Dad?”
Walang emosyon ang mga matang sinalubong niya ang tingin ko. “I don't have the right to answer your question.”
No… I'm afraid of something bad happening to my parents. “Anong ibig mong sabihin? Nasaan sila Mom at Dad? Nagtatanong ako!” Tumalim ang mga mata ko. “Please, answer me! Tell me!”
Aragon remained silent.
“Olive…” Bigla akong niyakap ni Tita. “I’m sorry.”
Kumunot ang noo ko dahil wala akong makitang dahilan para humingi nang tawad si Tita sa akin. Sobrang naguguluhan ako sa mga ikinikilos nila. “Bakit ka nag-sosorry? Please, sabihin ninyo kung ano ba talaga ang nangyayari…” Mas lalo akong naghihina sa mga ipinaparating nilang kilos.
Ramdam ko ang paghugot nang hininga ni Tita bago siya sumagot. “Wa-wala na ang mga magulang mo. Wala na si Ate at Kuya…”
“Huh? Anong wala?” I got nervous and my heart started beating fast. “Tita, naguguluhan ako! Anong ibig mong sabihin?” Naiinis ako dahil nahihiwagaan ako at mas lalo lang akong kinakain ng takot.
“Pa-patay na sila!” Bulalas ni Tita.
Pakiramdam ko ay namingi ako sa aking narinig. Nanlamig ang buong katawan ko at parang sinampal ako nang paulit-ulit.
“No…” Nanginginig ang boses na sagot ko. “N- No. Tita, nagbibiro ka- lang.”
I shook my head in disbelief over what Tita had said. I was hoping that Ninang would say it was all a huge prank. But instead, she only tilted her head and stared at me with a sorrowful expression. Umaasa pa rin ako, umaasa ako na sasabihin nilang buhay si Mom at Dad.
Hinawakan ni Tita ang magkabilang balikat ko at naupo sa tabi ko. “I’m so sorry, Olive. But I'm telling the truth. Wala na ang mga magulang mo…” Mariin na sabi ni Tita.
Pakiramdam ko para akong piagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko. Ayoko. Ayokong maniwala pero nakikita ko sa mga mata nila na hindi sila nagbibiro. Akala ko isa lamang iyong panaginip. Takot na takot ako pero nangyari, totoong nangyari ang kinatatakutan ko. Sana isa na lamang itong bangungot. Na sana, maya-maya ay magising na rin ako at pagkagising ko ay magaling na ang mga magulang ko.
“That's- not -true.” Panay ang iling ko. Humahagulgol na ako. “Ni- Ninang, Tita. sabihin ninyong- hindi totoo ‘yan! A- Alam kong buhay pa si Mom at Dad, alam kong nandiyan sila at hinihintay ako... Parang awa ninyo. Magsalita kayo!” Nauutal ako dahil pakiramdam ko ay may nakaharang sa lalamunan ko.
“Shh… Olive. Huminahon ka muna. Baka mabinat ka.” Yumakap muli si Tita sa akin upang pakalmahin ako. “Patawarin mo kami. Wala kaming nagawa.”
Tita hugged me tightly, and I couldn't stop the tears streaming down my cheeks. I felt as if I was being drained of my strength, to the point I could barely take a breath. I wanted to run and get the IV fluid out so I could see my parents in the ward. But I was too weak to move.
Pakiramdam ko kapag tumayo ako ay babagsak ang katawan ko. Pakiramdam ko naubos ang lakas ko dahil ayaw tanggapin ng puso ko ang mga sinabi nila. Hindi ko kaya... Parang may tumutusok sa puso ko.
Bumaling ako kay Ninang na hindi makatingin sa akin nang diretso at nakatagilid lamang na parang ayaw tumingin sa mga mata ko. “Ninang. Magsalita ka. Nagbibiro lang si Tita, ‘di ba?” Humihikbing tanong ko rito.
Nakita kong pasimpleng pinunasan ni Ninang ang luha na umaagos sa pisngi niya na hindi pa rin tumitingin sa akin. Iniiwasan niya akong tingnan. Lahat sila umiiwas sa tingin ko na parang ayaw nila akong harapin.
“Ano ba?! Sabihin ninyong nagbibiro lang kayo! Bakit ba kayo umiiyak? Wala namang nawawala, walang patay! Ano ba?!”
“Olive. Baka ito na talaga ang hangganan ng buhay nila. Desisyon na rin siguro ng panginoon na pagpahingahin sila. Let's just accept the fact that your parents are gone and that you'll never see them again. There is nothing we can do to change the situation, but at least we can be happy that they're no longer in pain.” Naiiyak na sabi ni Ninang sa akin na nasa luha nito ang nagpapatotoong wala na nga ang mga magulang ko.
“Hindi ko alam kung kaya ko…” Bulong ko at tuluyan nang humagulgol sa gitna ng yakap ni Tita Doris.
Patay na ang kalahati ng puso ko. Wala akong ibang inisip kundi ang umiyak nang umiyak at ilabas ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko ngayon. It's possible that my mistakes and wrongdoings are being met with retribution from God. I didn't ask for this, and I'm not willing to accept it as my fate. This isn't the sort of punishment I wanted. I can't accept that... Ang hindi mabuting anak na katulad ko ay pinaparusahan pero hindi ito ang gusto kong parusa. Ayoko nang ganito. Ang daya-daya ni Lord!
“Gu-gusto ko silang makita…” Pukaw ko kay Ninang at Tita Doris.
Ngumiti si Tita Doris pero hindi umabot sa mga mata iyon at inalalayan akong tumayo. Tumulong rin si Ninang sa pag-alalay sa akin. Sumakay ako sa wheelchair at lumabas kami ng silid patungo sa silid nila Mom at Dad. Habang palapit nang palapit ay ganoon na lamang ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko, hindi ko sila kayang harapin, pakiramdam ko sasabog ako pag nakita ko sila. Kung panaginip lamang ito, gusto ko na magising, Lord.
As I entered the room, I saw my parents lying lifeless on the bed, surrounded by a nurse, doctor, and police officers. I walked closer to them, wishing I could tell them how much I loved them and why they had to leave so soon. I stood there alone, sad and confused. I knew this sadness would last forever.
Parang noong isang linggo lang may pangako pa sila Mom at Dad sa akin para sa darating na kaarawan ko. Mamamasyal pa kaming tatlo para bumuo ng maraming memories. Pero ngayon, hanggang pangako na lang iyon dahil tinangay na ng hangin ang mga pangakong iyon. Marami silang pangako na hindi na kailanman matutupad. Ayos lang sa akin na hindi matupad ang mga iyon, mabuhay lang sila kahit alam kong imposible mangyari ang hinihiling ko.
I feel pain. I feel anger and sadness. And I feel depressed. I feel empty.
Habang nakatingin sa dalawang taong importante sa buhay ko pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait.I just stared at their dead bodies as tears dripped down from my eyes. My chest felt tight. My heart aching. I tried to process what had happened, but my mind could not comprehend it.
“Mom, Dad.” Hinawakan ko ang mga kamay nila at napahagulgol. “Please, wake up… Hindi ko kaya.” My sobbed became harder. “Marami pa kayong ipinangako sa akin.”
Isinubsob ko ang aking mukha sa kama kung saan nakahiga ang katawan ni Mom habang mas lumalakas ang hagulgol ko.
Gusto kong sumabog dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sila nawala. Kung hindi ako umalis sa tabi nila hindi siguro ‘to mangyayari. Sandali, bakit nga ba may kutsilyo silang hawak?
Mabilis akong lumingon sa kutsilyo na nakabalot na sa tela at nasa loob ng plastik. At saka ako bumaling kay Ninang at Tita Doris na nasa tabi ko lang nakatayo.
“Ano po ang dahilan nang pagkamatay nila?” Naguguluhan kong tanong.
“Nagtatalo silang dalawa nang umalis sa kumpanya.” Panimula ni Tita Doris.
“Doris.” Madiing sambit ni Ninang sa pangalan ni Tita at umiling-iling na parang pinipigilan nito si Tita magsalita.
“She has the right to know the truth about their deaths. The truth can be hard to accept, but it is the only way she can truly begin to heal and move forward with her life-”
“No, you'll only make the situation worse.” Segunda muli ni Ninang.
“But-”
“Baka hindi niya kayanin.” Ninang cut off Tita's attempt to talk and shook her head.
“Gusto ko po malaman ang totoo.” Seryoso kong sabi.
“Malaki ang perang nawala sa kumpanya.” Panimula muli ni Tita. May inabot siyang isang papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa perang nawawala.
Ang walang buhay kong mga mata ay tumingin sa ipinakita ni Tita sa akin. “Ayokong makita ang walang kuwentang bagay na ‘yan.” Malamig kong sagot.
Humigpit ang hawak ni Tita sa papel. “Olive, everything started with this money.
“What do you mean?” Medyo naguguluhan ako sa sinasabi ni Tita.
“Olive, kailangan mo magpahinga-”
“Ninang, please. Hayaan po ninyo magpaliwanag si Tita.” Segunda ko kay Ninang nang subukan niya muling harangin ang sasabihin ni Tita Doris.
Lumuhod si Tita sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. “Nag-aaway sila bago umalis nang kumpanya. Nasaksihan ko ang pagtatalo nila dahil sa perang nawawala. Nang malaman kong maaksidente sila sinabi ko sa mga nag-iimbistiga ang lahat at hinuha nila ay nagtatalo sila sa loob ng sasakyan kaya naaksidente.” Tumigil si Tita sandali at ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. “The police said that the knife they were holding had their fingerprints scanned. Walang ibang fingerprint ang nakita, kundi mga fingerprint lang nila. They stabbed each other in the chest, and they died in each other's arms.”
Marahas akong umiling-iling. “N-No, baka mali lang ang imbestigasyon ng mga pulis…”
“Olive, sino ang gagawa ‘nun sa kanila? Nang iwan natin sila sa silid nagkamalay sila ang sabi ng Doctors. Hinahanap ka nila para ipaalam sa’yo pero natagalan bago ka bumalik dahil nag-usap pa tayo-”
“Doris, tama na.” Pigil muli ni Ninang. “Tama na ang mga nalaman niya. Huwag muna dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya.” Mariin na sabi ni Ninang.
Kumawala ang walang buhay na tawa sa bibig ko. “Sinungaling. Sinungaling kayo!”
Mas lumakas pa ang hagulgol ko at maraming mata na ang nakatingin sa akin. Pinipigilan ako ni Ninang na kumawala at yakap-yakap ako ni Tita pero itinulak ko siya palayo sa akin at para akong batang naglulupasay.
Kailangan kong ilabas ang sakit na ito. Marahas kong hinugot ang nakatusok na IV fluid sa akin at mabilis na tumakbo palabas ng kuwarto. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin, mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang lugar na walang tao. Open area ito at makikita ang kalangitan na sinasabayan ang pag-iyak ko.
Habang dinadama ang mahinang paambon-ambon na pumapatak sa aking katawan ay siyang patuloy na pag-agos ng luha sa aking mga mata. At nang hindi ko na makayanan ang sakit, isang malakas na sigaw na puno ng paghihinagpis ang kumawala sa mga labi ko kasabay nang pag-agos ng mga luha kong puno ng hinanakit. Sa bawat segundo na dumadaan, mas lalong nagwawala ang puso ko habang laman ng isip ko si Mom at Dad.
They argued over money.
They stabbed each other.
Iyon ba talaga ang dahilan? Bakit kailangan nilang magtalo dahil sa pera? Inisip ba nila ako bago nila sinaktan ang isa’t-isa? Naisip ba nila na meron silang isang anak na hindi gugustuhin ang pagtatalo nila ng dahil sa pera?
Paulit-ulit ang mga katanungang iyon na umiikot sa isip ko habang nakayupyop sa isang tabi at pilit inaarok ng utak ko ang mga sinabi ni Tita Doris.
“No… no.” Umiiling-iling ako. “Hindi nila kayang gawin iyon sa isa’t-isa.” Tears filled my eyes and my heart ached. I felt like I was losing a part of myself. No matter how hard I tried, the tears wouldn't stop streaming down my face.
Wala akong pakialam sa pera, wala akong pakialam sa kayamanan nila. Sila ang kailangan ko. Aanhi ko ang pera, kung wala na sila? Aanhin ko ang malaking bahay, kung ako na lang mag-isa?
“Ah! Ang daya-daya ninyo!” I screamed. “Iniwan ninyo ako… mag-isa. Hindi ko kaya.”
“Kaya mo. Kasama mo kami.” It was a familiar voice.
Nang iangat ‘ko ang aking ulo mula sa pagkakayupyop, nakita ko si Aragon na naglalakad papalapit sa akin. Walang namutawing salita sa bibig ko. Hinintay ko siyang makalapit sa akin at nang makaupo na siya sa tabi ko, kinuha niya ang ulo ko at isinandal iyon sa balikat niya upang i-comfort ako at doon, naibuhos ko lahat. Nailabas ko ang hinanakit sa puso ko.
My head rested on his shoulder as I released all of my anguish. I yelled and sobbed, then immediately became still whenever he uttered soothing words. His heartbeat and embrace offered me a sense of security and peace, allowing me to surrender and express my feelings. Si Aragon ang nasa tabi ko at hindi ako iniwan kahit lumakas pa ang ulan at mabasa siya. He never left me alone.