Lumipas ang isang buwan. Isang buwan na parang ang bagal ng oras, pero wala namang nagbago sa sitwasyon ko. Hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko, pero kahit ganon, pinilit kong kumapit sa iisang bagay—na maayos na si Kuya Aragon. At ngayon, nandito na ako sa hospital kasama si Ninang Cherry. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko habang naglalakad kami papunta sa garden. Hindi ko alam kung kaba ba o takot ang nararamdaman ko, basta ang alam ko, hindi ako ready sa kung anong makikita ko. “Olive, calm down,” mahinang sabi ni Ninang Cherry. “Okay na ang lagay niya. Huwag mo lang siyang bibiglain.” Tumango lang ako kahit pakiramdam ko hindi sapat ‘yon para pakalmahin ako. Pagpasok namin sa garden, agad ko siyang nakita. Si Aragon. Naka-wheelchair. At si Luna ang nagtutulak s

