“Olive, umuwi ka muna sa bahay. Doon tayo mag usap.” malamig na sabi ni Ninang sa akin. Parang biglang bumigat ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Yung tono ng boses niya o yung paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Parang hindi na niya ako kilala. Ito ang uri ng tingin na ayoko. Alam ko sa sarili ko na wala akong kinalaman sa mga tumawag kanina. Hindi ko alam kung paano nila nakuha ang cellphone number ko at mas lalong hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang plano. Something feels off—parang may mali. It’s like someone is framing me just to put all the blame on me. Tiningnan ko si Luna. She looks satisfied with what happened. Is she the one framing me? Hindi na ako magtataka kung siya nga. Kilala ko na ang likaw ng bituka ng babaeng ito. Hindi ako papay

