CHAPTER 7

1847 Words
“Olive?! Why did you do that?” Mahina ang boses na tanong ni mommy, pero maririnig ang diin sa boses nito. “Hanggang dito ba naman?” Humugot ako nang isang malalim na hininga, bago nagpaliwanag. “Mom, listen to me. Wala akong ginawang masama-” “My god, Olive! Anong walang ginawang masama? Sinaktan mo lang naman ‘yung anak nang ka-partnership natin, paano na lang ang agreement both parties kung iatras nila iyon?” “Mom! Pwede bang kahit ngayon lang? Kahit ngayon lang naman pakinggan mo ako!” I didn't intend to yell at Mommy so suddenly. I couldn't control myself because I didn't want her to accuse me and ignoring my explanation. I looked around and saw that there were a lot of eyes on us. Siguro sa isip-isip ng mga tao, bastos akong anak dahil nangangatwiran pa ako at mas malakas pa ang boses ko kaysa kay mommy. Mas nagmamatapang pa ako. Alam na alam kong hinuhusgahan na nila ako without knowing the full story. “Huwag mo akong pakinggan, mom. Hindi ako nagsasabi ng totoo. Maliwanag na po ba ang lahat, mom?” Pagkasabi ko niyon, nilampasan ko si mommy, umalis ako na hindi alam kung saan tutungo. Habang naglalakad sa kawalan, nakita ko si Aragon na nakaupo sa isang bench. Tamang-tama dahil kanina ko pa ito hinahanap, gusto kong malaman kung bakit hindi siya nagsalita kanina nang akusahan ako ni mommy na unang nanakit sa manyak na Christopher na iyon. Nilapitan ko ito at umupo sa tabi nito. “Hey, bakit parang wala kang pakialam kanina?” Pukaw ko sa katahimikan nito. “What do you mean?” Balik tanong niya. “Iyong kaguluhan kanina? Palagi mo itatak sa utak mong ayokong masangkot sa mga gulo. Lalo na sa’yo, troublemaker.” “Sobra ka na!” Singhal ko sa kanya. “Ayos lang naman. Isipin na nila kung ano ang gusto nilang isipin. Wala na akong pakialam.” “Okay.” Matipid niyang sagot. “May itatanong ako sa’yo.” Wika ko. “Sagutin mo nang maayos.” “What?” He replied. “Basta ‘yung tanong na matino.” Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagtanong. “May pinagdadaanan ka ba?” Kunot ang noong bumaling ito sa akin. “Ask clearly. Ang labo mo magtanong.” Sumiring ako sa hangin. “I mean, may problema ka ba? Kasi para hindi ka normal na tao.” “Yeah.” He said. Kanina pa ako nagtitimpi sa walang kwentang sagot at kausap ng lalaking ito. Tumahimik na lang ako at ninamnam ang malamig na simoy nang hangin. Malapit na magdilim pero wala pa rin akong balak na bumalik, ayoko silang harapin, ayoko silang saktan sa mga lalabas na salita sa bibig ko. Kahit hindi naman nila ako pakinggan ayos lang. Sanay na ako sa ganito. Wala akong magagawa kung lumabas akong walang modo, ayun naman ang tingin nang lahat sa akin, e. Kahit mga sariling magulang ko. “Hindi ka pa babalik?” Pukaw ni Aragon sa diwa ko. “Ayoko pa.” “Ang taas naman pala ng pride mo.” Wika nito na ikinalaki ng mga mata ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon sa akin! Bakit ko ibababa ang pride ko kahit tama naman ako? “Pake mo. Edi umuwi ka na.” Bulong ko sa sarili na mukhang narinig ni mokong dahil sumagot ito bigla. “Okay. Bahala ka diyan.” Tumayo siya. “Sige, babalik na ako sa bahay. Bumalik ka na lang pag tapos ka na mag-drama.” Tango lang ang naging tugon ko. Sinundan ko pa siya nang tingin hanggang sa mawala ang bulto niya sa paningin ko. Naiwan akong mag-isa. Hindi ako natatakot dahil sanay naman akong mag-isa. At saka, malapit lang naman mula rito ang bahay nila Aragon, safe rin naman dahil sariling taniman nila ang kabuuan nito. Isang malawak at malaking taniman pala ito, ibig sabihin pala ‘nun sobrang yaman ni Aragon. Siguro ay sila rin ang nag-susupply sa amin ng mga flowers na gagamiting formula o fragrance sa product ng pabango. Pagpasok ko sa kabahayan nila Ninang at Ninong, tamang-tama naman na pababa nang hagdan si daddy. Sinalubong ko siya at ngumiti nang pilit sabay yakap sa kanya. “Saan ka galing?” Nakakunot ang noo na tanong ni daddy sa akin. “Dad, I want to rest. Good night.” Tugon ko kay daddy. Mataman akong tinitigan ni daddy ng ilang saglit, bago nagsalita. “Anak, sorry..” “Dad, inaantok na ako. Bukas na lang. Pahinga na rin po kayo. Anong oras na, baka may meeting kayo tomorrow. Good night, dad.” Ani ‘ko, pagkatapos ay naglakad na patungo sa silid na inuukupa ko. Marami kasi ang silid na narito, siguro ay para sa mga guest iyon. *** WALA akong imik habang nag-aagahan kasama sina Mom at Dad. Mabuti na lang at wala ang pamilya ni Aragon, kundi, nakakahiya kung makikita nila ang bagsik ni Mommy. Panay ang dasal ko na sana bago kumibo si Mom ay dumating si Aragon, o kaya sina Ninang at Ninong. Pero mukhang hindi pinakinggan ang dasal ko. “Where have you been last night?” Mommy suddenly asked me. Nagtaas ako ng tingin kay Mommy. “Nagpalamig lang po.” Seryoso ang emosyon ng mukha nito habang nakatingin sa akin. “I’ll ask you gain Olive. Nasaan ka kagabi? Bakit hindi ko nakita ang anino mo rito.” Ipinikit ko ang aking mga mata upang magbawas nang pagka-irita. “Nasa ilog ako kagabi.” “Ikaw lang mag-isa?” Puno nang pagdududa ang boses nito. “Panandalian kong nakausap si Aragon, umalis agad siya.” Pinagkatitigan ako ni Mommy. “Respect him. Mas matanda siya sa’yo.” “I know.” “Then call him Kuya Aragon.” Bumuntong hininga ako sabay tango. “Okay, Mom.” Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa hindi makatiis sa katahimikan si Daddy at nakita kong siniko niya ng mahina si Mommy sa hindi ko malamang kadahilanan. Nagbulungan pa silang dalawa na para bang mga bubuyog habang nagtuturuan, sa halip na pansinin ang ginagawa nilang pagtuturuan sa isa’t-isa ay nagpatuloy na lang ako at nang matapos ay tumayo ako. “Sandali, Anak. May sasabihin ang Mommy mo sa iyo.” Pigil ni Daddy sa akin. Umupo akong muli. “Ano po iyon?” “Ah, eh. Kasi, about last night. I’m very sorry.” Nahihiyang sabi ni Mommy. “Sorry for what Mom?” Tumayo siya at lumapit sa akin. “Kasi hindi kita pinaniwalaan.” Kinuha niya ang kamay ko at malambing na hinawakan iyon. “Sinabi ni Aragon sa akin ang nangyari kagabi. Nalinawan ako sa totoong nangyari.” “Ano po ang sinabi niya?” “Binastos ka daw ng gagong lalaki na iyon. Mrs Mendoza’s son, Christopher and you just defended yourself. I’m very sorry, Anak. Pinangunahan ko kung ano ang nakita ko. Babawi si Mommy, okay?” “Promise?” Paninigurado ko. “Promise.” “So, okay na kayo.” Komento ni Dad. “Kung ganoon. Pagkatapos kumain, sasama tayo sa pag-harvest ng mga flowers sa Ninang at Ninong mo ngayong araw. Sigurado akong mag-eenjoy ka doon, my princess.” Aw! Ang sweet na naman ni Daddy, namiss ko ‘yung tinatawag nila akong princess. Sa bagay, nag-iisang Anak lang ako at halos ‘yata lahat sa school, trouble maker princess ang tawag sa akin at nakasanayan ko na iyon. Well, magandang palayaw 'yon para sa akin. “Oh, siya. Dalian na natin.” Wika ni Mommy. Halos sampung minuto na akong naghihintay kay Mom and Dad, mas nauna pa akong matapos sa pagbibihis sa kanila. I was wearing casual knee-length shorts and a somewhat too-large white t-shirt. I dress like that though. Nagpalakad-lakad ako dahil sa kainipan hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa harap ng isang kulay green na pinto, nakabukas iyon ng maliit. I approached the door out of curiosity and was about to open it when I heard the sound of a guitar being played. However, I was surprised to hear a familiar voice singing. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Aragon na kumakanta. Nakapikit pa siya at mukhang dinadamdam ang kinakanta niya, infairness ang ganda ng boses niya. Malamig, kasing lamig niya! Nang matapos siya at nagmulat ng mga mata, mabilis akong pumasok at pumalakpak. Para siyang naupos sa kinauupuan niya at mabilis akong hinila palabas sabay isinara ang pinto at ini-lock iyon. Sinubukan kong sumilip pero nakaharang ang matipunong katawan ni Aragon kaya wala akong nakita. “Anong mayroon sa loob at parang ayaw mo ipakita sa akin?” Pag-usisa ko sa kanya. “Puro instruments lang naman ang nasa loob.” “Ano bang pakialam mo?” May bahid nang inis ang boses niya. “We are not close.” I rolled my eyes. “Alam mo, kung anong gwapo mo, siyang sama ng ugali mo.” “Seriously?” I nodded. “Oo, ang ayos nang pakikitungo ko sa’yo, ‘no. Tapos palagi mo akong binabara.” Umiling-iling siya habang may nakaplastang ngisi sa mga labi niya. “How can I communicate with nonsense like you?” “You!” I stepped up to him, pushing him so hard that the bedroom door flew open and I fell right into him. We both fell to the floor, and I could see the shock on his face. Nagkatitigan kaming dalawa ng mga ilang segundo bago ako natauhan na kailangan kong tumayo dahil ang panget ng pwesto namin! My eyes widened. “I- I’m sorry.” Sabi ko na lang kasi parang medyo hindi ko pa na-process iyong kahihiyan na nangyari. Shete, kaunti na lang mag-kikiss na kami kanina mabuti na lang walang nakakita! Tumayo si Aragon, at saka walang lingon na umalis. Ano ba kasing ginawa ko?! Ang sabi ko kanina pag nakita ko siya magpapasalamat ako dahil siya ang nag-klaro kay mom and dad nang pangyayari sa amin ni Christopher na m******s pero bakit sa ganito humantong. Ganito ba talaga pag since birth troublemaker na? Haha. Binatukan ko ang aking sarili nang paulit-ulit, kung hindi pa dumating si mom at dad, baka wala na akong utak sa kaka-alog. “Kanina ka pa namin hinahanap. Nasa labas na silang lahat.” Mommy said. “Tayo na lang ang hinihintay.” Daddy said. “Ah- kasi.. Ang tagal ninyo, e. Nag-ikot-ikot ako para hindi ma-boring.” Sagot ko na parang inaarok pa ang isip ko. Baka kung ano pa ang masabi ko, e. Minsan pa naman walang preno ang bibig ko. “Okay, let’s go. Nakakahiyang paghintayin sila.” Sabay na sabi nila. Nauna silang naglakad at ako naman ay nakasunod lamang. Nang makalabas kami ng tuluyan ay nakita ko si Aragon katabi si Ninang. Hinihintay nila kami, automatic akong umiwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Hangga’t kaya kong umiwas ay gagawin ko, baka kasi pag nagkaharap kami barahin na naman niya ako tapos i-bring out niya ‘yung nangyari. Mahirap na, ‘no, ayokong magka-issue sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD