"Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin.
Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"
Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle of the garden, enjoying our breakfast.
May pag-aalinlangan siya, kaya naman ngumiti ako para ma-assure na okay lang sa akin na magsabi siya ng kung ano man ang gusto niyang sabihin at iparating sa akin.
“Ninang, ano po ang gusto ninyong sabihin?”
Ninang inhaled deeply. "I suggest that you consult a medical professional for advice and treatment. Gusto ko maayos ang nararamdaman mong bigat. Alam kong mabigat pa ang pakiramdam mo at may trauma ka sa nangyari sa mga magulang mo. Napag-usapan namin na baka makakabuti kung may titingin sa’yo para maging maayos ang pakiramdam mo."
Hindi ako nakapagsalita kaagad. Alam kong kaya niyaya ako Ninang ay dahil sa gusto nila akong ipa-check up. Narinig ko lahat kagabi ang usapan nila.
"Ninang.” Huminga ako ng malalim. “Hindi ko kailangan ng doktor. Hindi ako baliw, hindi ko kailangan ng atensyon. I'm fine."
"Olive, makinig ka. Kailangan mo ng karamay." Pamimilit ni Ninang.
"Ninang, please. I don't need someone to comfort me, kayo lang ang kailangan ko." Mariin ang bawat salitang binitawan ko.
I appreciate her concern, but I don't need a doctor. I know that if I want to move on, I need to be the one to take the initiative. I just need a little time to sort out my thoughts and feelings. Sana maintindihan nila ‘yon.
Gusto ko pa sana kumain pero nawalan ako ng gana. Sumimsim na lang ako ng kape. Akala ko, hindi na kokontra si Ninang pero nakatingin siya sa akin at alam ko ang mga tingin na iyon.
At hindi ako nagkamali, hinawakan ni Ninang ang kamay ko na nakapatong sa mesa. "I understand, Olive. However, they have the capacity to manage your feelings and they can provide you with better aid-”
"Ninang, stop.” I interjected before Ninang Cherry could finish her sentence. “Ayoko po pag-usapan ang tungkol diyan. Excuse me, Ninang. May kailangan lang akong gawin sa loob." Tumayo na ako bago pa humaba ang usapan namin ni Ninang at bago pa niya ipilit sa akin ang gusto niya.
Ninang gave a nod but did not utter a word. It was clear that she was not pleased with my decision. I felt a wave of guilt wash over me as I saw the disappointment in her eyes.
When I stepped inside, I noticed Aragon close to the doorway. I had only gone a few steps when he called out my name.
"Olive."
"What?" I replied, annoyed
"Ginagawa namin 'to para sa'yo–"
"No, you're doing this for Luna. If you believe in her, edi wow. Uulitin ko, I don't need anyone to comfort me. Kayo lang nila Ninang at Ninong ang kailangan ko, pero kung pagod na kayo, it's fine. I can handle myself."
Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Naiinis lang ako, sapagkat lumalabas na ako ang may problema at kasalanan, kahit na ang totoo si Luna ang kailangan ng mga doctors, baliw na maldita ang ugali 'nun! Bakit ako, 'di ba?
"Olive–"
"Kuya, Aragon, please." Ipinikit ko ang aking mga mata upang maiwasan na makapagsalita ng hindi maganda. "Excuse me."
"Olive." Tawag muli ni Aragon sa akin ng hindi pa ako tuluyang nakaka-akyat sa panghuling baitang ng hagdan.
Sinundan talaga niya ako para makipagtalo? Para mamilit? Argh! Malapit na akong mapuno!
"What?" Walang buhay ang tono ng boses ko. Ipaparamdam ko talaga na naiinis ako sa kanya.
"You have a visitor."
My brows furrowed as I turned to Aragon and asked, "Sino daw?"
"Olive!"
Matamis na ngiti ang purmorma sa aking mga labi at patakbo na tinungo ang gawi ng taong tumawag sa akin.
"Tita Doris!"
Patakbong bumaba ako ng hagdan at niyakap ko si Tita Doris. Sa presensya ni Tita Doris, naaalala ko si Mom.
"Bakit po kayo nandito?" Kapagkuwan ay tanong ko.
Hinawi ni Tita Doris ang buhok na tumatabing sa mukha ko, bago kumibo. "Well, I missed you and there's something I really need to tell you."
Nagtatanong na tumingin ako kay Tita Doris. "What is that? Ganoon ba talaga ka-importante 'yan para lumuwas ka?"
"Huwag tayo dito. Let's bond. I haven't seen you in so long, Olive! I spotted a cafe nearby. I'd love to give their coffee a try." Humagikgik pa si Tita na parang naaaliw.
Ngumiti ako. "Magpapalit lang ako ng damit. Wait for me here, Tita." Sabi ko sabay patakbo na umakyat sa hagdan.
Nilampasan ko na si Aragon na nakatayo malapit sa hagdan at hindi ko siya pinansin.
Pagkatapos magbihis at mag-ayos saglit, bumaba na ako. Inabutan ko na nag-uusap si Ninang Cherry at Tita Doris sa living room. My eyes were automatically searched for Aragon ng makababa ako.
Why am I even looking for him? I'm irate with him! Argh!
"Tita Doris!" Tawag ko kay Tita.
She spun around and arose from her seat. "Gusto ko lang maka-bonding si Olive, so we have to go." Narinig kong sabi ni Tita Doris kay Ninang Cherry.
"Enjoy and be safe." Ninang Cherry said.
Tita Doris smiled in response to Ninang Cherry.
Tumango naman ako. "Sige po, Ninang. Una na kami."
Kasalukuyan na kaming nasa coffee shop ni Tita Doris. Tamang-tama dahil wala pa akong breakfast. Hindi ko nakain ang niluto ni Ninang Cherry. Medyo nahiya ako sa parte na umalis ako.
Tita Doris took out some documents and a pen with a ballpoint tip.
I couldn't help but be curious, so I questioned Tita Doris. "Ano ang mga iyan, Tita Doris?"
Ngumiti lang siya, hindi siya sumagot kaya pinagmamasdan ko na lang ang ginagawa niya. Abala siya sa pag-aayos ng mga papers at nang matapos siya sa ginagawa, inabot niya ang black ballpen sa akin.
"Olive, kailangan mo pirmahan ang mga ito."
Kumunot ang noo ko. "Ano ba ang mga iyan?"
"Proof to assure the investors and shareholders that we are capable of managing the company. Para alam ng mga investors at shareholders na kami ng Tito Nelson mo, pansamantala na magma-manage ng kumpanya habang nag-aaral ka pa." Paliwanag ni Tita.
At dahil tamad ako magbasa, hindi ko pinaglaanan ng oras na basahin ang mga nakapaloob sa documents. Masyado kasing madami at alam ko naman na para sa kumpanya ang ginagawa nila Tita.
I began signing the documents as we chatted about various topics. Marami kaming napag-usapan ni Tita tungkol kay Mom and Dad.
"Study hard, okay?"
"Of course, Tita. Nangako ako kay Mom and Dad." I said proudly.
"Good. Ipagpatuloy mo 'yan." Nakangiting tugon ni Tita at sama tumingin sa relo niyang pambising. "Oh, it's time to go. I'm heading back to Manila."
I nodded. "Alright, Tita. Ingat."
"Ayaw mo pa talaga umuwi?" She asked for the second time.
I shook my head. "Mamaya na ako uuwi. Alam ko naman pabalik. No worries. Kaya ko ang sarili ko, Tita. Ikaw, ingat ka, malayo pa ang byahe mo." Sagot ko kay Tita.
Tita Doris smiled. "I can take care of myself. Ikaw, mag-iingat ka palagi, Olive, okay? Oh, siya. Goodbye!"
Nag-wave ako. "Bye!" Pahabol ko, sabay hinga ng malalim nang ako na lang mag-isa.
Umalis na si Tita Doris. Ayoko muna umuwi, gusto ko mapag-isa at gusto ko magmuni-muni. Nahihiya din ako kay Ninang Cherry at Ninong dahil kailangan pa nila masaksihan ang pagiging maldita ko. Hindi lang ako nakapagtimpi kay Luna kaya hinayaan ko na naman ang sarili kong sumabog at maging impulsive.
"Olive!"
Matinis na boses ng isang babae ang narinig ko. s**t! Ano na naman ang ginagawa at pakay ng babaeng ito sa akin?
Sinusundan niya ba ako?
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at mabilis na lumabas ng coffee shop dahil ayoko ng gulo at hindi 'yun mangyayari hangga't nasa tabi-tabi lang ang impaktang 'to.
"Olive, wait!" Habol-habol ako ng impakta.
"Ano ba?!" Naiinis na hinarap ko siya. "Ayoko ng gulo, Luna."
"A-ano kasi…"
"Ano?"
"Si–Si Aragon! Nasa panganib ang buhay niya!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?! Saan? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko kay Luna.
Nagpapanic na rin ako.
"Sundan mo ako." Aniya.
Mabilis ang naging lakad ko para masundan ko si Luna.
"Ayun!" Turo ni Luna.
Nakita ko nga si Aragon, nakaupo sa damuhan. Tumingin ako ng masama kay Luna dahil sa biro niyang hindi nakakatuwa.
Kahit kailan talaga ang babaeng 'to walang magawa sa buhay!
I gave her a sharp look and asked, "Are you f*****g kidding me, huh?"
She laughed at me mockingly. "What's the matter? Are you feeling nervous?"
No," I said. I tightened my hand into a fist to restrain myself from hitting Luna. "If you have nothing to do in your life, pwede ba? Huwag kang mandamay."
She had a sly smirk on her face as she questioned, "Do you have any idea why I brought you here?"
I gave her a questioning look. "Spill the tea, ano ba talaga ang kailangan mo? Pinagtitripan mo ba ako, huh?"
Ngumiti siya na parang nanalo sa lotto at sobrang nakakairita sa paningin ko ang klase ng ngiti niya! Bruhilda!
"Gusto kong matuklasan mo kung paano ako haharanahin ni Aragon. Ayun lang naman ang rason ko kaya dinala kita dito."
Nagtagis ang bagang ko at nilingon ang gawi ni Aragon na may hawak na gitara. Kumakanta siya at hindi maikakaila na maganda ang boses niya dahil minsan ko na rin narinig ang boses niya.
"Aragon!" Tawag pansin ni Luna dito sabay angkla ni Luna sa braso ko.
Plastikada talaga!
Pinipilit kong tanggalin ang braso ni Luna, subalit mahigpit ang kapit niya.
May ngiti sa mga labi na lumingon si Aragon sa gawi namin at tumayo, sabay lakad papunta sa amin.
"Hey, Olive–"
Buong pwersa kong iwinaksi ang braso ko para matanggal sa pagkaka-angkla ni Luna at nang magtagumpay ako, nagsalita ako. "Kailangan ko na umalis." Walang buhay na sabi ko at naglakad paalis na walang lingon-lingon, ni hindi ko nga pinansin ang pagbati ni Aragon sa akin.
Galit ako sa kanya. Sobrang sama ng loob ko dahil mas pinaniniwalaan niya si Luna. Aminado akong mas matagal niyang kilala si Luna, pero bakit sa tagal na ‘yon, hindi niya pa nakikita ang totoong ugali nito? Bulag ba siya?
"Olive." Tawag ni Ninang sa akin ng makapasok ako sa loob ng bahay.
Lumingon ako sa gawi ni Ninang. "Bakit po? May kailangan po ba kayo?"
Ninang came to me, took my hand softly, and asked, "Alam mo ba kung nasaan si Aragon? Have you had a conversation with him?"
I shrugged. "I don't know. Baka po magkasama sila ni Luna."
"He went to the coffee shop to talk to you." Imporma ni Ninang.
I inhaled deeply, then stated firmly, "Kung tungkol na naman sa Psychiatrist ang gusto niyang pag-usapan namin, ayoko po Ninang. Please, respect my decision."
"Olive–"
"Please, Ninang." Mariin kong tugon bago naglakad patungo sa silid ko.
Habang nakahiga ako sa kama, isa-isa kong binubuklat ang photo album namin ng pamilya ko. Para akong dinaganan ng sampung malalaking bato habang tinititigan ang larawan ko kasama sina Mom and Dad.
Nangungulila na ako sa presensya nila.
"Do you miss them?"
Kaagad kong pinunasan ang mga luha na hindi ko namalayan na tumutulo na pala sa aking pisngi, bago nilingon ang taong pangahas na walang permiso na pumasok sa aking silid.
"Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong.
"Gusto lang kitang kamustahin."
"Is that so?" I seated myself on the bed. "I'm good, Kuya Aragon. If there's nothing else you need, just leave me alone.”
Aragon shook his head disapprovingly. He kept his eyes on me and said, "You're not okay. I can see that you're crying."
Itinabi ko ang photo album sa drawer at umupo sa gilid ng kama.
"I just miss them."
"Do you want to go with me?"
"Ayoko." Pagtanggi ko.
"Tayong dalawa lang. Walang kahit na sino." Sabi niya na para bang alam na alam niya ang dahilan kung bakit ayoko sumama.
"Promise?"
He raised his right hand and declared, "I promise."
Ngumiti ako. "Sige!"
Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa kama at hindi alintana ang suot kong pantulog.
"Bakit may dala kang gitara?" Tanong ko kay Aragon ng maupo kami sa damuhan katapat ang bahay-kubo.
"Kakantahan kita para mawala ang lungkot mo."
"Talaga?" Eksaherada kong tugon.
Tumaas-baba ang kilay niya na mas nakapagpalakas ng t***k ng puso ko. Hulog na hulog na ako kay Aragon. Mas ginugusto ko pa siya ngayon dahil kahit marami akong pagkakamaling nagawa at kahit alam ko sa sarili kong masama ang ugali ko, hindi niya ako pinabayaan. Tinutupad pa rin niya ang binitawan niyang salita na mananatili siya sa tabi ko.
Inumpisahan niyang kalabitin ang string ng gitara.
"Your love is like a river runs through my veins, I feel in love inside..."
I sang along with him, feeling the chill and gentleness of his voice.
"Your love…"
Parang dinuduyan ang puso ko habang pinapakinggan ang boses niya. Kalmado ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang paghimig niya. Nararamdaman ko ang saya sa puso niya na nakapaloob sa kanta niya.
Gusto kong malaman kung sino ang nilalaman ng puso niya. Sino nga ba?
Iyon ang kailangan ko alamin.
I couldn't take my eyes off his good looks as we sang together. After singing, we had a conversation about life, and all its highs and lows. I'm so grateful that I could share this time with him. He was so kind, and understanding. His words of encouragement and support made me feel like anything was possible.
Si Aragon ang naging balikat ko at sisiguraduhin kong siya rin ang magiging future ko. Uunahan ko na si Luna. Hindi ako papayag na si Luna ang makabihag sa puso ni Aragon. Hindi sila nababagay, kawawala lang si Aragon, masama pa naman ang ugali ng babaeng 'yon. Kung masama ang ugali ko, mas masama naman ang ugali niya!