CHAPTER 18

1530 Words
DUMAAN ang sabado, Linggo at ngayon, Lunes. Ngayong araw, hindi ako ginulo ni Luna at ng mga aliporis niya. Mabuti naman at tahimik ang buhay ko ngayon. Ngayong araw ang Birthday ko, pero wala akong balak na mag-celebrate. Nakatanggap lang ako ng message mula kay Tita Doris, binati niya ako ng Happy Birthday. Kaya lang wala pa akong natatanggap na pagbati mula kay Aragon. Buti pa si Ninang At Ninong, maaga pa lang binati na ako, samantalang siya, wala pa. Kainis! Si Aragon ang gusto kong unang bumati sa akin. Siya pa ang nagpapaalala sa akin na malapit na ang Birthday ko, tapos siya pa itong hindi ako binati simula kaninang umaga? May amnesia ba siya? Umuwi na kami’t lahat, nandito na kami sa bahay, ngunit wala pa rin akong natanggap na pagbati mula sa kanya. "Ninang, nasaan po si Kuya Aragon?" Tanong ko kay Ninang na busy sa pagluluto ng spaghetti. Lumingo si Ninang sa gawi ko. "Nako, nagpaalam kanina sa akin. May lakad daw sila ng mga kaibigan niya." Sumimangot ako. "Ganoon po ba." Hahakbang na dapat ako palapit kay Ninang para tingnan ang niluluto niya ng tumunog ang cellphone ko at ng makita kong si Aragon iyon, mabilis kong binasa ang message. Pumunta ka sa dagat. Nasa kubo ako. Ang puso kong malungkot ay nagliwanag. "Ninang! Aalis po muna ako, ah?" Eksaherada kong paalam kay Ninang. "Saan ka pupunta?" "Nagtext po si Kuya Aragon. Nasa dagat daw po siya." "Sige, bumalik kaagad kayo para makakain kayo nitong niluto ko." Habilin ni Ninang. "Sige, Ninang." Mabilis akong umalis ng bahay. Hindi na ako nagpalit. Short na maong, t-shirt na puti at flat shoes na regalo ni Mom at Dad sa akin, iyon lang ang suot ko. Nang natatanaw ko na ang bahay-kubo, mas lalo akong nagmadali. Hindi ko nakita si Aragon. Where the hell are you, Aragon? Tumalikod ako sa bahay-kubo upang igala ang paningin ko. "Kuya Aragon!" I shouted loudly. "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Lumingon ako sa gawi kung saan ko naririnig na may kumakanta. I spotted Aragon heading my way with a cake in hand. Ang ganda ng ngiti sa mga labi niya at ganoon din ako, pero nasira ng makita ko si Luna sa tabi niya. "Happy birthday, Olive!" Christian wished me a happy birthday with a smile on his face. I just smiled back at him. Dave was the next one to wish me a "Happy birthday, Olive" and I simply nodded in acknowledgement. "Happy birthday, Olive!" Plastic na bati ni Luna. I gave her a fake smile. Looks like she's ruining my day again! "Hey, Olive. Happy birthday." Last to give me his greeting was Aragon. "Thank you." "May hinanda kaming pagkain sa loob ng bahay-kubo. Mga paborito mo ang inihanda namin." Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay-kubo. Pandecoco bread, cupcakes and orange juice ang nasa mesa. May mga unan ang upuan at mga design na mukhang pinagka-abalahan nilang ayusin. "Si Luna ang nakaisip ng mga design na iyan." Imporma ni Aragon. Natutuwa na sana ako, kaya lang mukhang nagpabango na naman si Luna kay Aragon. What a great idea. "Olive, you should show your appreciation to Luna. Ginawa niya daw ang lahat ng ito para makabawi siya sa'yo." Dagdag ni Aragon. Come on, Aragon! Pakitang tao lang niya 'to! I smiled, but of course, ngiting peke na parang pagkatao lang ni Luna. "Much appreciated, Luna." Pinalitan niya ng pagtango iyon at ngumiti. "You're welcome." "May tubig tayo panghugas ng kamay?" Kapagkuwan ay singit ni Christian "Oo naman. Nag-igib kami ni Aragon, bago ka pa dumating." Sagot ni Dave. Ngumiwi lang si Christian. "What an effort.” Komento ni Christian. "Did we make it in time?" I glanced towards Ninang and Ninong when I heard them and noticed they had brought a large Tupperware. "Ninang, Ninong!" Lumapit ako sa kanila. "Ano po 'yang dala ninyo?" Kapagkuwan ay tanong ko. "Once more, I would like to wish you a happy birthday, Olive," Ninong said as he handed me a Tupperware container, which I eagerly opened. "Wow! Ang sarap naman nito!" Aragon took the Tupperware filled with fruit salad from my hand and then Ninang was the next to give me a large Tupperware. Spaghetti naman ang laman niyon. Inilapag na namin ang mga handa sa mesa na gawa sa kahoy. "Sabay-sabay na tayong kumain, pero bago mangyari 'yon, kakantahan muna natin si Olive ng Happy Birthday!" Magiliw na sabi ni Ninang. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Kanta nila sabay-sabay. Ang saya ko hindi dahil may handa ako, kundi dahil kasama ko si Ninang, Ninong at Aragon. Hindi nila kinalimutan ang kaarawan ko. "Oh, kumain kayo nang kumain." Paanyaga ni Ninang. At dahil paborito ko nga ang pandecoco, kukuha sana ulit ako ng salubungin ako ni Aragon at idikit sa pisngi ko ang supot na may lamang pandecoco na mainit-init pa. "Ito ang kainin mo para mainit." Sabi ni Aragon. "Salamat." Nakangiti kong sabi at sinimulang kainin ang pandecoco. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi ni Luna. Kitang-kita ko ang nanlilisik niyang mga mata na nakatingin sa akin. Parang tingin na posibleng makamatay. Scary, Luna. Mabilis kong naubos ang pagkain ko at nakaramdam ako ng matinding uhaw dahil sa dami ng kinain ko. Lumapit ako sa pitsel na may lamang juice upang kumuha. Sa gitna ng tahimik kong pag-inom ng juice, lumapit si Luna sa gawi ko. "Hello, Olive." Bulong ni Luna. Hindi ako nagsalita. "Masarap ba ang inihanda namin? Pinaghirapan ko 'to…" She laughed quietly. "You should thank me." She added. I know she's just fooling me. It was evident from her tone that she was teasing me. Plastikadang babae! I was about to move away from her when she sneakily stamped on my foot. When I saw the mud on my flat shoes, I didn't respond right away. "Sorry, sinasadya…" May bahid ng pang-aasar na bulong niya sabay acting, "Oh, Olive. I'm so sorry –" Uminit ang ulo ko. Hindi ako papayag na bastusin niyang ang regalo ng mga magulang ko sa akin! Malakas ko siyang itinulak dahilan upang mapaupo siya sa putikan at mapasigaw si Ninang dahil sa gulat. "Olive!" "Hindi mo ba alam na regalo ng Mom at Dad ko ang flat shoes na ito?!" Bulalas ko. "O–Olive, hindi ko sinasadyang–" "Liar! Bakit ba ang galing mo umacting, huh?!" Nanggagalaiti kong sabi. "Olive. Hindi niya sinasadya, nakita ko–" I raised my eyebrows at Dave. "Pagtatakpan mo si Luna? Bakit, Dave? Dahil nagpapalakas ka sa kanya? For what reason? Do you think she'll be impressed?" Tumawa ako ng pagak. "Ang tanga mo naman pumili ng babae. Sa babaeng masama pa ang ugali–" "Olive, enough!" Sigaw ni Aragon. Mapait na ngumiti ako. "Bakit, Kuya Aragon? Dahil ba mas matagal mong kakilala si Luna kaya mas Kakampihan mo siya?" Ang mapait na ngiti ko ay nauwi sa pagak na tawa. "O, dahil gusto mo siya?" Aragon didn't answer. "Aragon, ihatid mo si Luna sa kanila para makapaglinis. Kami na ang bahala rito." Sabi ni Ninang. Seryoso ang boses at aura ni Ninang. "Olive." Mariin na tawag ni Ninang sa pangalan ko. Tumingin ako kay Ninang. "Ninang–" "Bumalik ka na sa bahay. Bukas na tayo mag-usap." Aniya. "Christian, pahatid si Olive sa bahay." Utos ni Ninong kay Christian na tinugunan nito ng pagtango. Padabog ang bawat hakbang ko ng mga paa habang naglalakad. Nakalayo na kami sa gawi nila Ninang at Ninong. Si Dave humabol kina Aragon. Buntot talaga ni Luna! Naiinis ako dahil kaarawan ko ito, sinira lang ni Luna. May araw din sa akin ang babaeng 'yon. Argh! "Baka mag-c***k ang lupa dahil sa paa mo." Komento ni Christian sa akin. I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo!" "Just kidding." Bawi niya. Tahimik lang kaming naglalakad at nang makauwi na ako, umalis rin agad si Christian. Hinintay kong makabalik si Aragon, pero bumalik na’t lahat sina Ninang at Ninong, wala pa din si Aragon. Is Luna that important to him? Panay ang silip ko kung nandiyan na si Aragon. Hindi ako mapakali. "Mom, where is Olive?" Pabalik na ako sa silid ng marinig ko ang boses ni Aragon. "She's in her room." Aragon took a deep breath. "Mom, I think Olive needs a psychiatrist. Hindi pa din siya okay sa pagkamatay ng mga magulang niya." Suhesyon ni Aragon kay Ninang. Ano ako? Nababaliw? May sira sa ulo? "Pag-iisipan namin, Anak." Sagot ni Ninang. "Sige na, magpahinga ka na din." Psychiatrist? Nang dahil sa Luna na iyon, inaakala nilang kailangan ko ng Doctor? I'm okay. Oo, sobra ang lungkot at sakit ng pagkawala ng mga magulang ko pero hindi ako ang nagsisimula ng gulo. Nati-trigger lang ako kapag involved na ang mga magulang ko sa usapan. Ayokong babastusin at banggitin ang pangalan ng mga magulang ko sa walang katuturan. Tahimik na sila kung saan man sila naroroon. Bumalik ako sa silid ko, pabagsak akong humiga sa kama. Happy birthday to me. Good night, Mom and Dad, sana nandito kayo para mag-celebrate kasama ko. I miss you and I love you, both.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD