ISINABAY ulit ako ni Aragon at pareho kaming tahimik. Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko kapag hindi kami nakakapag-usap. Pakiramdam ko, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisilayan ang ngiti sa mga labi niya at kapag hindi niya ako kinikibo.
Aragon's expression was completely blank. Sumobra ba ako kagabi?
"Kuya Aragon–"
"Olive," he cut me off, “malapit na mag-bell, pumasok ka na sa loob at baka ma-late ka."
I took a deep breath, then spoke. "Alright."
Iniiwasan niya ba akong kausapin? Ni hindi niya ako matingnan. Argh! Ano ba kasing pinagsasabi ko kahapon? Kainis! Walang preno ang bibig ko!
Hindi pa man ako nakakarating sa loob ng campus may mga humarang na sa akin. Jusko, nasa ground floor pa lang ako malapit sa stage, naghahanap agad ng away si Kiana?
"Anong problema mo?" Mataray kong tanong.
She flipped her hair before giving a laugh. "Well, ako wala, pero sila?” Gumilid si Kiana at bumungad ang mga lalaki na nasa likuran niya.
Tatlong lalaki ang may dala ng timba at walang ano-ano'y, ibinuhos sa akin ang lamang malamig na tubig na laman ng timba.
Napapikit ako sa sobrang lamig at saka sila nagtakbuhan na parang walang nangyari ng tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.
Sumosobra ka na, Kiana!
Wala akong pakialam kahit basang-basa pa ako, pumasok ako ng room at kahit nakita ko ang prof namin na nasa harapan na at handang mag-discuss, hindi ako nagpatinag. Sinugod ko si Kiana sa kinauupuan niya.
Ma'am Elise shouted my name, "Olive Perez!", as I made my way to Kiana.
Pinagsasabunutan ko si Kiana ng makalapit ako.
"Tama na, Olive Perez!"
Hindi ako nagpaawat. Namumula ako sa galit. Inawat lang ako ng dalawang guard, kaya nabitawan ko ang buhok ni Kiana.
"Ikaw! Hayop ka! Binuhusan mo ako ng malamig na tubig!"
Namumula ang mukha ni Kiana at dumudugo ang kanang pisngi niya dahil sa tulis ng kuko ko.
"A-ano bang pinagsasabi mo, Olive…"
Wow! Best actress na talaga ang babaeng 'to!
Pumalakpak ako. "Diyan ka magaling, magkunwari, para ano? Para panigan ka?"
Kiana felt something wet and sticky on her face, and when she looked down and saw the blood in her hand, she let out a loud shriek.
"Oh, gosh! May dugo! Dugo!”
Maliit na hiwa lang naman ang nasa mukha niya, pero kung makasigaw akala mo sinaksak, e. Pasalamat nga siya kuko lang ang ginamit ko sa mukha niya! Arte!
"Dalhin sa clinic si Kiana Vazquez and you, Olive go to the guidance office! Ipapatawag ko ang mga magulang mo–"
"Patay na ang mga magulang ko."
Hindi nakasagot si Ma'am.
"Huwag na ninyo ipatawag ang guardian ko–"
"Excuse me 'ho. I'm Aragon Hudson, fourth year college, isa sa guardian ni Olive Perez."
My eyes widen when I see Aragon.
What is he up to?! What brought him here? May klase sila ng ganitong oras, 'di ba?
"Sumunod kayo sa guidance office, kailangan ko kayong makausap."
***
"OLIVE, let's talk."
Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Aragon paglabas namin ng guidance office.
"What? Do you believe what Kiana said? Dahil lang sa kaibigan siya ni Luna at matagal mo na siyang kakilala?"
Aragon's frustration was plain to see. "Olive, hindi ako basta ng huhusga. Alam mo 'yan. The only issue you have is that you tend to act without thinking. Hindi mo ba alam na nabastos mo ang guidance counselor?"
"E, sa ayaw niyang paniwalaan ang kwento ko na binuhusan ako ng malamig na tubig ng mga inutusan ni Kiana na lalaki! Purket ba bago lang ako sa university na ito? Purket ba transferee ako?"
Dinependahan ko lang ang sarili ko kanina ng kausapin ako ng guidance counselor, pero isa lang ang sinabi niya, simula daw ng dumating ako sa Carmelo University, may mga gulo na daw na nangyayari.
Anong ibig sabihin 'nun? Paninisi!
"It's your second day, Olive. At dalawang beses ka na din na-guidance. Una, may nakaaway ka sa cafeteria, pangalawa si Kiana at pangatlo si Kiana ulit." Aragon inhaled deeply, then said, "I want you to be friendly, not quarrelsome or looking for trouble. Nag-usap na tayo, pero mukhang hindi mo ako sinusunod.”
"Kuya Aragon, alam kong troublemaker ang tingin mo sa akin, but please, listen to me. Hindi purket may gulo, ako palagi ang may kasalanan. Ayoko na ipaliwanag ang sarili ko. Pagod na akong magpaliwanag." Sabi ko at saka sumakay ng kotse.
When Aragon got into the car, I looked away from him. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse upang makaiwas sa tingin niya.
Habang nasa byahe kami iniisip ko kung saan ako magsisindi ng kandila na tahimik. I also want to be alone. Today is the day of Mom and Dad's death date. It's been months since it happened. Limang buwan na ang lumipas at sariwang-sariwa pa rin ang sakit ng pagkawala nila. Nasa gitna ako ng pag-iisip ng mapansin kong iba ang direksyon ng dinaraanan ni Aragon Short cut ba 'to?
"Bakit dito ka dumaan?" Pukaw ko kay Aragon na tahimik lang sa pagdi-drive.
Nilingon niya ako saglit. "It's their Death Monthsarry. So, I know you want to be alone, pero nangako ako sa kanila na babantayan kita at sasamahan lalo kapag malungkot ka."
Kinakausap niya din sa isip si Mom and Dad? Weird.
I smiled. "They promised?"
Aragon asked without even glancing at me, "Do you recall the first time we encountered each other?"
Inalala ko ang unang pagkikita namin at hindi ko makakalimutan ang first encounter na 'yon.
"Oo naman." Sagot ko.
"Matagal na kitang binabantayan dahil kinausap ako ng mga magulang mo. Nakiusap sila sa akin."
"Hindi ko gets. Stalker kita?"
Pinitik niya ng mabilisan ang ilong ko at bumalik muli ang atensyon sa kalsada, "Our families have been close for years, and ikaw 'yung batang maldita dati na tuwing pasko, nasa bahay namin. Hindi mo maaalala dahil bata ka pa at isip bata." Tumawa si Aragon na para bang may naalalang nakakatawa noon. "Bata pa lang, troublemaker ka na. Pinagtanggol kita dati sa mga kaaway mo, kaya sinabi ng mga magulang mo na palagi daw kitang bantayan dahil wala silang oras para makita ang mga kalokohang gagawin mo pag lumalaki ka pa.”
I raised an eyebrow at him. "E, bakit hindi na kita nakita nang magka-isip na ako? Ngayon na lang din ako nakapunta sa probinsyang ‘to.”
Biglang natahimik si Aragon ng ilang minuto at nag-iba din ang emosyon ng mukha niya.
Lungkot ang makikita sa mga mata niya.
"Ituloy mo ang kwento." Udyok ko sa kanya.
Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya. "Nagkasakit ang Lola ko at dinala sa States. Doon kami pansamantala tumira. I was 11 years old when Lola's business started to struggle. She had become ill due to bankruptcy and deceit from her business partners. At that time, my parents had a small business, pero hindi kaya ng maliit na negosyo suportahan ang naluging negosyo ni Lola. Mas kailangan namin ang kinikita sa business para sa operation ni Lola, pero hindi naging sapat ang kinikita ng small business ng mga magulang ko. Hanggang sa dumating ang mga magulang mo at nag-offer sila ng malaking pera para maoperahan si Lola." Itinigil na ni Aragon ang kotse pero hindi kami bumaba, nanatili kami sa loob ng kotse. "Sila ang dahilan, kaya maraming taon pa ang itinagal ni Lola."
Ngumiti ako sa mga nalaman ko. Sobrang bait talaga ni Mom and Dad. Handa silang tumulong basta alam nilang nangangailangan.
"Salamat, Kuya Aragon, dahil sa sinabi mo gumaan ang loob ko na malungkot lang kanina."
"Hindi mo ba tatanungin kung ano ang kapalit ng pagtulong ng mga magulang mo?"
Kumunot ang noo ko. "Ano nga ba ang kapalit?"
Tinap ni Aragon ang ulo ko. "Bantayan daw kita maigi at huwag hahayaan na masaktan ka. Ganoon ka nila kamahal."
Mom, Dad… Akala ko wala silang pakialam sa akin dahil palagi silang busy.
I couldn't help but smile in delight. "Kaya pala sa tuwing nasa trouble ako, palaging may tumutulong. Wait." Napatigil ako ng may maalala ako. "Ikaw ba 'yung lalaki na nagligtas sa akin sa mga lalaking tambay? Iyong nangongotong sa batang lalaki?"
Aragon nodded.
“Now I know, why your voice sounded so familiar. Kaya pala nasa tabi kita palagi–"
"Don't think that I'm always by your side just because of a debt of gratitude."
"Is there another reason?"
"I'm like a big brother to you. I was 7 years old and you were just 4 when you came to visit us. Mom and Dad would always say that my little sister was coming. Kahit troublemaker ka, tinanggap kong kapatid kita."
Bakit parang hindi masaya 'nung sabihin niyang kapatid?
"E, bakit sinungitan mo ako?" Naka-pout na tanong ko.
He laughed gently. "Palabas lang ‘yon," he said. "Let's get going and I have something special for you."
My eyes opened wide upon hearing the word "surprise"!
"Talaga?" Eksaherada kong sabi.
"Close your eyes habang bumababa ka ng kotse." Aragon instructed.
With my eyes closed, Aragon was my guide; as I walked. I have no idea where he intended to take me.
"Malapit na ba tayo?" Naiinip kong tanong.
"We are almost to our destination. Let's take a few more steps and then when I say 'ready', you can open your eyes."
I nodded in response.
“Okay na ba?” Paninigurado ko dahil tumigil na kami sa paglalakad.
"Yes, you can open your eyes now," Aragon replied.
Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at ng makita ko kung ano ang nasa harapan namin, nanlaki ang mga mata ko at purmorma ang malawak na ngiti sa mga labi ko.
"Maganda ba?" Aragon asked.
Parang batang patakbo akong pumasok sa loob ng bahay-kubo.
"Ikaw ang nagtayo nito?" I asked Aragon as we entered together.
He gave his head a shake and said, "I didn't work on it alone. Tinulungan ako ni Dave, Christian and Luna."
Ang kaninang masayang aura ko ay napalitan ng inis. Si Luna?!
"Ah." Sabi ko na lang.
"Bakit parang umiba ang mood mo?" Pansin ni Aragon sa akin.
Umiling ako. "Baka kasi magalit si Luna kapag nakita niya ako-"
"Luna asked me to bring you here, Olive, so that you could have some fun. Siya ang nag insist sa akin. Alam niyang kaarawan ng kamatay ng mga magulang mo dahil sinabi ko." Paliwanag ni Aragon sa akin.
"Oh, ganoon ba." Walang buhay na sabi ko.
Ang galing talaga ni Luna sa role na magbait-baitan, 'no? Hays.
Lumapit si Aragon at inabot ang puting kandila. Sinindihan ko ang dalawang kandila at pinatong iyon sa lagayan ng kandila.
Kinuha ko ang picture ni Mom and Dad na nasa bulsa ko para ilagay sa tapat ng kandila, pagkatapos ay naupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy at tumabi naman si Aragon sa akin.
"Hello, Mom and Dad. I can't believe it's already been five months since we last saw each other. I miss you both. Hindi man lang ninyo naabutan ang graduation day ko. Si Ninang at Ninong ang nagsilbing mga magulang ko para hindi ako mag-isa sa stage. Pinapatatag ko lang ang sarili ko dahil gusto ko tuparin ang mga pangako na binitawan ko, na kapag nagtapos na ako ng college, pangako, hindi ko pababayaan ang kumpanya."
Aragon gave me a pat on the back and said, "Greetings, Aunt Hilda and Uncle Jeric. Olive is doing great. We'll make sure to look after her." Segunda ni Aragon.
Ngumuso ako. "Alam mo, Kuya Aragon. Weird ka dati."
Aragon gave me a questioning look. "What exactly are you trying to say?"
I chuckled. "You are always so irritable and you always seem to distance yourself from me as if I'm a walking hazard, tapos palagi mo ipinamumukha sa akin na troublemaker ako. Pero, simula ng mamatay ang mga magulang ko, ikaw na itong dikit nang dikit sa akin at palagi mo akong chine-check kung okay ako."
Tinap niya ang ulo ko. "Malaki ang utang na loob namin sa mga magulang mo at bukod doon, mahalaga ka na sa amin. Pinahihirapan at sinusungitan kita para bigyan ka ng leksyon."
Mahalaga ako? Parang sarap sa pandinig. Leksyon talaga?
"Salamat Kuya Aragon… Sa leksyon, este sa pagpapahalaga sa akin."
Tumawa si Aragon. "Ikaw talaga."
"Syempre, ako talaga." Inaasar ko lang si Aragon.
We exchanged grins and stayed until the candle had finished burning before heading home.
"Malapit na ang Birthday mo." Pukaw ni Aragon sa akin habang nasa sasakyan na kami pauwi ng bahay.
Huminga ako ng malalim. "Oo nga. Malapit na." Malungkot na sabi ko.
"Bakit parang hindi ka masaya?"
"Ito ang kauna-unahan kong Birthday na wala si Mom at Dad."
Aragon and I both remained quiet. Pareho kaming walang imik hanggang sa makauwi kami.
"Come on over, Aragon and Olive. We are ready to eat. Join us!" Pag-aaya ni Ninang sa amin.
Matamis na ngiti ang tugon ko kay Ninang. "Sige po, Ninang. Magpapalit lang po ako ng damit."
“Bilisan ninyo!”
Si Aragon naman dumiretso na sa kuwarto niya para din daw magpalit ng damit bago kumain ng hapunan. Halos magkatabi lang ang silid namin, kaya sabay na kaming bumaba at nagtungo sa dining table.
"Parang dalawa na ang Anak namin." Komento ni Ninang.
Tumawa naman si Ninong. "Aba't may bunso na tayong babae na pinangarap lang natin noon."
"Yeah, may kapatid akong babae na makulit at mahirap alagaan." Sabat naman ni Aragon.
Gusto kong ngumiwi at sabihin na puwede bang hindi anak at kapatid? I mean, alam ko sa sarili kong nagugustuhan ko na si Aragon. Confirm ko na sa sarili ko 'yon. Tinatawag ko lang naman siyang Kuya, dahil iyon ang sabi nila. Pero, crush ko si Aragon! Meron bang kapatid na nagka-crush sa kapwa niya kapatid? Haler! At saka, hindi naman kami magkadugo, e.
Habang umuungot ako sa sarili ko, hindi ko napansin na puno na pala ang pinggan ko ng kanin.
"Olive? Gutom na gutom ka ba? Hindi ka ba kumakain sa cafeteria?" Sunod-sunod na tanong ni Ninang.
"Po?"
Tiningnan ko ang pinggan ko at iyon nga, ang daming kanin na sinandok ko. Ingay kasi ng utak ko, e.
"Ah, naparami lang po, Ninang." Palusot ko, sabay balik ng ibang kanina sa rice plate.
"By the way, Iha. It's your parents' Death Monthsarry today, and we lit a candle in the garden as a mark of respect." Ninong informed me.
I smiled. "Salamat po."
"Kamusta pala ang unang linggo mo sa school?" Tanong ni Ninang.
Nagkatinginan kami ni Aragon. s**t. Anong sasabihin ko? Puro trouble ang nangyari sa akin?
"Binabantayan ko si Olive, Mom. So, don't worry about her." Si Aragon ang sumagot.
Oh, thanks! Akala ko sasabihin niya, galing siya sa guidance office dahil may nagawa na naman ako.
"Good." Tugon ni Ninang.
Pinagpatuloy namin ang hapunan habang paminsan-minsan ay nag-uusap-usap kami. Parang pamilya na ang turing nila sa akin at ang sarap sa pakiramdam. Sana, hindi sila magbago, lalo na si Aragon.