~Audrey Lui~ Mag-aapat na buwan na mula ng mailibing ang labi ni ate Alesha. Si Mommy at Daddy naman ay pansamantala munang tumira sa amin. Nalaman na rin nila ang tungkol kay Ate Alesha. Syempre 'di ko maaatim na ipagkait sa kanila ang katotohanan. Ipinagtapat namin ni Noah ang totoo. At ang pagkakasangkot ni Violet. Hindi naman sila nagalit o nagtampo dahil sa paglilihim namin ni Noah. Bagkus sinisisi pa nila ang sarili kung bakit labis silang nagtiwala sa adopted sister namin. Hindi sila makapaniwala na nagawa nitong makipagsabwatan sa totoong ama nito upang kami ay ma-kidnap noon ni Ate Alesha. Nakakapanghinayang lamang dahil hindi man lamang siya nayakap nila Mom and Dad. Ngunit sino ba ang mag-aakala na siya ay nasasangkot sa lahat? Kung hindi nga ako napabilang sa A'

