~Audrey Lui~ Gabing-gabi na rin nang makauwi kami ng bahay. Nauna na akong pumasok sa loob. Samantalang nagpaiwan pa si Noah at kinausap ang pinaka-mataas sa kaniyang mga tauhan. Dalawang tauhan naman niya ang nagtulong upang maipasok ang tambak na regalong binigay ng mga kaibigan nito. Inilapag ng mga ito iyon sa sala. Napapasunod ang tingin ko. Sa dami no'n, naka ilang balik rin ang mga ito. Naagaw na naman ng pulang paper bag ang pansin ko. Siguro sa kadahilanang naalala ko si Ate Alesha. Paborito nito ang matingkad na kulay pula. Wala sa loob na napalapit ako roon. Dinampot ko iyon at binuksan. Tatlong pares na damit ng baby. Kulay puti iyon at pang unisex ang desinsyo. May nakita rin akong dalawang feeding bottle. Napangiti ako. Hindi ko akalain sa itsura ng Mamang 'yon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


