~Noah~ Nakita ko sa mukha niya ang medyo pagkagulat. Nang sabihin ko ritong gusto ko nang umpisahan ang isang linggo namin pagsasama kinabukasan na mismo. Hindi rin naman na siya tumutol pa. Pero agad akong nataranta at nag-alala nang magpaalam na ito at sinabing babalik na lamang kinabukasan. Biglang dinagsa ng pangamba ang dibdib ko. Paano kung magbago ang isip niya? Paano kung hindi na ulit siya magpakita? "Asahan mong andito na'ko ng 7am. Sige. Aalis na ako..." Ang may tipid na ngiting anito. Tatalikod na sana ito sa'kin para tunguin ang pinto ng agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso kaya para akong napasong binitawan iyon. "I-i'm so sorry.." nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya.. "G-gusto ko

