"Hoy! Kanina pa ako salita nang salita dito tapos 'di ka naman pala nakikinig. Jusko, Joyce. Ngiti ka nang ngiti riyan. Para kang baliw," dadak ni Fea at sumubo ng ice cream.
Nandito kasi kami ngayon sa isang ice cream parlor. Nagyaya kasi siya. Cravings. Parang buntis tuloy siya.
Kinurot niya ako sa tagiliran. "Ano ba kasing nginingiti-ngiti mo riyan? Share ka naman."
Ngumiti lang ako ng parang tanga tapos ay ipiniling ko ang ulo ko. "Wala. Kwento mo nga ulit 'yung sinasabi mo."
Ngumuso siya. "Ayoko na. Nakakapagod magkwento tapos di ka naman nakikinig. 'Yung sa'yo na lang ang i-share mo," saad niya.
Sumubo ako sa chocolate ice cream ko. "Wala nga."
Tinignan niya ako ng masama. "Lalaki 'yang dahilan kung bakit ka ngumingiti 'no?" Tumingin pa siya sa taas na para bang nag-iisip. "Si Klei ba o 'yung dakila mong ex?"
"Ewan ko sa'yo. Bilisan mo na ngang kumain. Pupunta pa tayo sa spa." Binaling ko na ang pansin sa aking kinakaing ice cream.
Pero dahil makulit si Fea ay lumipat siya sa tabi ko tapos ay inagaw ang kinakain kong ice cream. "Nagiging masikreto ka na. Tell me kung bakit ka ngumingiti. I know that smile, Joyce. So kanino nga? Kay Klei o kay Kurt?"
Bumuntong-hininga ako. Wala naman na akong magagawa pa kung hindi sagutin ang tanong niya. Jusko bakit ba kasi pinanganak na makulit 'tong si Fea?
"Dahil kay Kurt, Okay? Pwede ko na bang makuha Ice cream ko?" tanong ko tapos ay kinuha ko na ang inagaw niyang ice cream. Sarap-sarap pa naman.
"Kay Kurt? Why?"
"Patapusin mo muna kaya akong kumain ng Ice cream, Fea. Mamaya na lang tayo mag-usap," saad ko tapos ay tumawa.
Tumawa lang siya ng mahina tapos ay kumain na rin ng sa kanya.
Ilang sandali lang ay pumunta na kaming dalawa sa spa. Habang nandoon kami ay sinagot ko na ang tanong niya. Pero hindi ko sinabi ang buong dtalye kung bakit ako ngumingiti ng dahil sa lalaki.
Nang mag gabi na ay umuwi na ako. Siya naman ay didiretso sa condo ng boyfriend niya. Buti pa sila bati na. Buti pa sila agad-agad nasusulosyonan ang problema nila. I'm happy for Fea. Fea has her own prince na talaga.
Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Mamaya na ako magsho-shower. Tinatamad pa ako.
Binuksan ko ang phone ko pagkatapos ay pinagmasdan ko ang picture naming dalawa ni Kurt. Sana mabalik namin 'yung dati. I wish na kami pa rin hangga ngayon. I am so in love to him. I don't know how to move on. Sana lang ay maka-pag move on ako sa kanya kahit na ang hirap hirap.
Alam kong marahil ay sobrang daming nagagalit sa akin dahil sinasabi ko na gusto kong mag-move on pero bukang bibig ko naman ang lalaki.
Kinabukasan ay busy ako kakagawa ng mga files. Malapit na kasing makipag-merge ang company ni Daddy sa ibang company.
Tutok na tutok ako sa laptop ko nang kumatok si Yvet. Pinapasok ko siya.
"Ma'am may nagpapabigay po sa inyo nito," saad ni Yvet habang dala-dala ang isang plastic bag. Ano kayang laman niyon?
"Ilagay mo na lang diyan," sambit ko. Akma na siyang aalis nang magsalita pa ako. "Kanino nga pala galing?" tanong ko.
Ngumiti siya ng malapad. "Kay Sir Klei po. Ang sweet naman niya sa'yo mam," kinikilig nitong sambit at kumerengkeng pa.
Piniling ko na lang ang ulo ko tapos ay ngumiti. Sweet naman talaga ang lalaking 'yon. Makulit nga lang. Sobrang kulit.
Tinapos ko lang ang ginagawa ko tapos ay kinuha ko na 'yung plastic bag. Binuksan ko iyon tapos ay nakita ko ang isang styro.
Napangiti ako. Siopao ang laman. Shet isa sa mga favorite ko. Sarap-sarap kaya ng siopao.
Sarap na sarap ako habang kumakain. Buti na lang talaga binigyan ako ni Klei. Nakakawala ng stress ang pagkain. Food is love talaga.
Pagkatapos kong kumain ay uminom na ako ng mineral water. Pagkatapos ay bumalik na ako sa mga ginagawa ko. Marami-rami pa pero keribels naman.
Lumipas ang ilang oras at sa wakas natapos ko na rin ang mga ginagawa ko.
Inunat ko ang kamay ko. After that ay inayos ko na ang mga gamit ko. Sumakay na ako sa elevator.
Lumakad na ako papunta sa parking lot.
Pagkapasok ko sa kotse ko ay inistart ko na ito. Pupunta muna ako sa mall. Gusto ko munang maglibot-libot. Stress na stress pa ako eh. Nakakawala rin kasi ng stress ang pamamasyal sa loob ng mall.
Pagkarating ko nga ay pinark ko na ang kotse ko.
Pagkapasok ko sa mall ay madaming tao ang bumungad sa akin. May ilan pa ngang magka-holding hands. Ang iba naman ay nag-uusap habang naglalakad.
Samantalang ako mag-isa lang. 'Di naman kasi pwede si Khloie. Alam na. Busy 'yun kay Sceven. Si Fea naman busy rin sa boyfriend niya na mapapangasawa na niya yata. Si Klei naman busy sa business.
Kung may boyfriend lang ako. May kasama akong naglalakad ngayon. Magka-holding hands pa kami siguro o kaya naman ay magka akbay kami. Kaso wala akong boyfriend. Wala kasing forever. Wala kaming forver nung ex ko.
Speaking of hi,. Nakita ko sila ni Dessery. Mukhang 'di yata sila magkausap. Nauunang maglakad si Kurt kesa kay Desery. Dahil sa curious ako kung anong nangyayari ay sinundan ko sila. Alam kong mali pero ginawa ko pa rin.
Hindi na ako tuloy nakapaglibot sa mall. Balik sa parking lot na naman ako. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ngayon. Nakatago ako sa isa sa mga likod ng kotse rito. Malapit lang sa kotse ni Kurt. Ano kayang problema nila?
"Kurt, kausapin mo nga ako ng maayos," pagmamaka-awa ni Dessery na clown.
Tumingin ng tamad sa kanya si Kurt. "Not now. Gusto ko nang umuwi. Pagod na ako."
Akma nang papasok ang lalaki sa sasakyan nang hilahin siya ni clown paharap sa kanya. "Akala ko bang mag-didinner tayo?" inis na saad nito. "Ano ba talagang problema mo ah?!"
"Maybe we need to end our relation, Dessery," seryosong saad ni Kurt.
Nakita ko naman na may pumatak na luha mula sa mga mata ng babae. I don't know pero bigla akong naawa sa kanya. Na-experience ko na kasi 'yung pinagdadaanan niya. Feeling ko tuloy pati ako ay maiiyak.
"Ano ba Kurt?!" umiiyak na sigaw ni Dessery. "Pagkatapos noong pinutahan mong binyag ay nagkagayan kana. Hindi na kita maintindihan. Ang lamig-lamig mo na sa akin."
"Dessery, please stop. Lalo ka lang masasaktan kung hindi pa tayo maghihiwalay."
"Nakita mo ba 'yung Joyce na 'yun sa binyag? Nakikipaghiwalay ka sa akin dahil sa kanya hindi ba? Ano? Mahal mo pa siya? Panakip butas lang ako?" umiiyak na sambit na ng huli.
Umalis na ako. Hindi ko na kaya pang makinig sa kanila. Privacy na siguro nila iyon. Isa pa alam ko naman na ang magiging sagot ni Kurt sa tanong ni Dessery.
Sigurado ako na hindi ako ang dahilan. Bakit naman magiging ako diba? Ni hindi na nga ako mahal ni Kurt. May iba siguro siyang dahilan.
Kahit na may sinabi siya sa akin noong gabi na iyon ay hindi naman niya nilinaw ang nararamdaman niya para sa akin.
Pumasok na ako sa kotse ko at umalis na roon. Wala na akong ganang mag-mall. 'Diba dapat masaya ako kasi naghiwalay na sila? Oo masaya ako pero parang hindi. Ang gulo.
Pagkauwi ko ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Hindi na ako gutom. Hindi na lang ako magdi-dinner.
Pabagsak akong humiga. Ewan ko kung anong iisipin ko. Ang sama ko naman yatang masyado na magsasaya ako habang may nasasaktan. I really pity Dessery dahil sa nangyari. Pero tama naman kasi si Kurt sa sinabi niya na lalo lang masasaktan ito kung hindi pa sila maghihiwalay. Ang hirap naman yata no'n. Magkarelasyon kayo tapos mag-isa ka lang lumalaban para sa relasyon niyo. I really feel Dessery. Damang-dama ko kung anong pinagdadaanan niya ngayon. Ganyan din ako nasaktan noong maghiwalay kami ni Kurt.
Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Lumipas ang ilang araw ay gumugulo pa rin sa isipan ko 'yung paghihiwalay nina Kurt at Dessery.
Papunta ako ngayon sa isang sikat na club. Feel ko lang maglasing ngayon.
Pagkapasok ko sa loob ay malakas na music at nagsasayawang mga tao ang bumungad sa akin.
Umupo ako isa sa mga stool tapos ay nag-order na ako ng hard drinks. Gusto kong kalimutan lahat ng problema. Gusto kong makalimot.
Dahil sa ininom ko ay naging hyper ako. Pumunta ako sa gitna ng mga nagsasayawang mga tao. Sayaw lang ako nang sayaw na parang walang pakialam sa paligid.
Napakunot ang noo ko nang may humila sa akin paalis doon.
"Bitawan mo nga ako!" inis na sigaw ko. Sino ba ito? Blurred na pa naman ang paningin ko dahil sa kalasingan.
Dinala ako nito sa isang kotse at pinapasok ako. "Hoy! Saan mo ako dadalhin? Kidnapper ka ba? Nagbebenta ka ba ng body parts? Sindikato ka 'no? O baka naman rapist ka? No way! Para kay Kurt lang virginity ko 'no!" tuloy-tuloy na sambit ko. Kulang na lang ay mawalan ako ng hininga.
Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Akin ka lang talaga. You're mine, Joyce Clara."
Napadilat naman ako ng mga mata. Tila ba nabuhusan ng malamig na tubig. "Kurt?" gulat kong tanong.
"Ako nga. Sa susunod na pumunta ka ng ganitong lugar ay huwag kang masyadong magpakalasing. Paano na lang kung bastusin ka?" seryosong tanong nito sa akin at pagkatapos ay nakakunot pa ang noo.
Napangiti naman ako. "Ang cute mo kapag serysoso ka," I said as I traced his face with my finger. "Gwapo mo talaga," gigil kong saad at lumapit ako ng konti sa kanya para halikan siya sa pisngi.
Hinawakan ako nito at isinandal na ako sa upuan ko. Akala ko ay hahalikan niya ako. Nilagay niya lang pala ang seatbelt ko.
"'Yung kotse ko nandito pa," nakangusong ani ko.
"Ipapakuha ko na lang. Hindi mo na kanyang magmaneho. Lasing ka na. Ako na ang maghahatid sa'yo."
Tahimik lang ang byahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Wala akong ganang magsalita. Masakit pa ang ulo ko dahil sa kalasingan.
Nang mapansin ko na iba ang dindaanan namin kumpara sa daan papunta sa amin ay nagtanong na ako. "Saan tayo papunta?" nakakunot noong tanong ko.
"Sa condo ko," he answered and look straightly at my eyes.
Natahimik na lamang ako dahil sa paraan nang kanyang pagtitig. Tila nalulusaw ako.