Papunta na ako ngayon sa simbahan. Malapit na nga akong ma-late. Ngayon na kasi ang binyag ni Stanley. Ang cute ng batang iyon. Manang-mana sa ina at ama. Ang ganda lang ng combination nina Sceven at Khloie. Kinikilig talaga ako sa dalawang iyon. Naku! Ako kaya kailan ako makakapag settle down?
Piniling ko na lang ang ulo ko. Paano ako makakapag settle down. Ni hindi pa nga ako nakaka move on kay... no, hindi ko dapat sinasabi ang pangalan niya.
Pagkadating ko sa simbahan ay ni park ko na ang kotse ko. Pumasok na ako. Hindi pa naman nag-uumpisa dahil wala pa ang ibang mga ninang o ninong.
Ang mga ninang at ninong lang ang mga pumunta ng simbahan. Ang iba naman ay pumunta na sa venue.
Ako, Si Jace, Hyrie, at iilan pang mga ninang at ninong ang nandito. Laking pasalamat ko na hindi ninong ni Stan si Kurt.
Baka raw sa pangalawang anak na lang nina Sceven at Wi mag-nininong ang lalaki. Oh diba. Bongga talaga sina Wi. Wala pa mang nabubuo na pangalawang anak nila ay may naka-ready na agad itong magiging ninong.
"Kita na lang tayo sa bahay, Joyce," saad ni Khloie at hinalikan ako sa pisngi. Agad-agad naman siyang hinila ni Sceven at tinignan ako nito ng bored look. Ay sus! Kung 'di ko lang alam. My gosh talaga si Sceven. Pati ba naman ako ay pinagseselosan niya. Possessive masyado kay Wi pero nakakakilig.
Nag-wave lang si Khloie sa akin at pumasok na siya sa kotse nila ni Sceven.
Ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos ay pumasok na ako sa kotse ko. Ini-start ko na ito at nagsimula nang magmaneho. Sa bahay nina Wi ang celebration. For sure bongga iyon. Unang apo kaya ng mga Abellano at Sandoval si Stan. Paano pa kaya sa birthday niya diba? E'di mas bongga no'n.
Pagkarating ko ay ni-park ko na ang kotse ko at pumasok na.
Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin lahat nang kakilala ni Wi at Sceven. Nandoon ang iba namin mga kaklase.
At syempre ang isang ito ay hindi mawawala. Siya pa.
"Joyce!" tawag sa akin ni Klei.
Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. Isigaw ba naman daw ang pangalan ko. 'Yung iba tuloy ay napatingin sa amin.
Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. "Tara kain tayo roon," saad niya at hinila na ako palakad.
Napatingin naman ako sa mga tao. Natigil ang tingin ko kay Kurt na matalim na nakatitig sa amin ni Klei.
Buti naman at hindi niya kasama 'yung clown na Dessery na iyon. Hay naku, napaka bitter ko talaga.
Naka upo siya sa tabi ni Sceven. Nag-iinuman na kasi sila. Nag-iwas na lang ako ng tingin.
Tumigil kami ni Klei kung saan 'yung mga pagkain. Nakita ko roon si Wi na kausap si Hyrie. Close na close na sila ngayon.
Pagkatapos naming kumuha ng pagkain ay umupo na kami sa katabing table nila Kurt. Pakshet na Klei na ito. Dito pa nag-pwesto. Naman.
Umupo na kami at nag-umpisa nang kumain. Dakdak lang nang dakdak si Klei. Kung ano-ano ang kinukwento. Minsan nga ay nakakatawa ang mga kwento niya kaya napapahalakhak ako kaya naman napapatingin sa amin si Kurt.
Pagkatapos naming kumain ay nag-paalam si Klei na sasagutin lang 'yung tumatawag sa phone niya.
Tumayo ako at naglakad-lakad. Ang ganda talaga ng bahay nina Wi. Pumunta ako roon sa may fountain at pinagmasdan lang ang tubig.
Ilang oras pa ang nakalipas ay nag-paalam na si Klei kasi kailangan na niyang umuwi. Dadating kasi ngayon 'yung kapatid niya.
Madilim na rin at sa tingin ko ay seven o'clock na ng gabi. Kakaunti na lang din ang mga natira ito. Halos kami-kami na lang magbabarkada.
Pinuntahan ko si Wi at kinuha sa kanya si Stan. Nilalaro-laro ko ito at pinapatawa. Ang cute at gwapo talaga niya. Nakakagigil.
Umupo si Wi sa tabi ni Sceven. Ako naman ay nandito sa kabilang table habang kasama si Stan. Bawal doon si Stan. Baka maamoy niya pa ang alak.
Ilang minuto ko ring pinangigigilan si Stan. Nang inaantok na siya ay kinuha siya ni Khloie sa akin. Sumama naman ako sa kanila papunta sa kwarto.
"Kumusta na?" tanong ng aking kaibigan habang nilalagay sa crib si Stan.
Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. "Ito maganda pa rin naman," biro ko.
Tinampa naman niya ako ng mahina. "Baliw ka talaga. Kumusta na ang love life mo?"
"Hindii pa rin nakakabangon. Hirap eh."
Tumingin naman siya sa akin. "Tch. Sasabunutan ko talaga 'yung Kurt na iyon. Alam ko naman na siya pa rin ang mahal mo, Joyce. Pero try mo kayang umibig sa iba 'diba?"
"Ewan. 'Di ko alam. Bahala na. Magfo-focus na lang ako siguro sa pag-mo move on at sa trabaho."
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Lumabas na ako at nagpaalam na magpapahangin lang. Hindi kasi ako uuwi. Dito kami matutulog na magkakabarkda. Si Sceven, Wi, Jace, Anya, Kurt at ako.
Bumaba na ako at nadatnan ko na nag-iinuman pa rin sila. Pero pakaunti-kaunti lang. Tinawag ako ni Anya kaya naman wala na akong nagawa kung hindi umupo roon at sa kamalas-malasan ay ang tabi na lang ni Kurt ang bakante at Sceven. Nakita ko naman ang padating na si Khloie kaya wala na akong choice kung ang hindi umupo sa tabi ni Kurt.
Nagpipigil hininga talaga ako. Nakakainis kasi si Kurt eh. Bakit ang bango niya? Sarap amuyin.
Pina inom nila ako ng ilang shot. Pero hindi pa naman ako nahihilo. Ayaw ko naman magpakalasing. Naku. Ang sama ko pa naman pag nalalasing ako. Noong huli akong nalasing ay napadpad ako sa condo unit ni Kurt. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi at pinag-gagawa ko. Nakakahiya naman kung malasing ako rito. Nandito pa naman si Kurt. Baka maturn off siya sa akin. Hay naman, Joyce Clara talaga. Nag-mu move on nga pala ako.
"So kailan ang sunod niyong magiging anak niyan?" tanong ni Jace sa mag-asawa. Nakita kong namula si Wi tapos ay siniksik niya ang mukha niya sa dibdib ni Sceven.
"Nahihiya naman 'yung Khloie ko," sabi ni Sceven kay Jace.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa katabi kong si Kurt. Napalunok ako nang makitang titig na titig ito sa akin. Hindi naman sa nag-aasume pero kanina ko pa napapansin na lagi siyang tumitingin o di kaya'y tumititig sa akin.
Sinalubong lang niya ang tingin ko. Ilang segundo din ay umiwas na ako ng tingin. Bakit ganoon? Bakit kinikilig ako kahit tumititig lang siya sa akin?
"Kayo, Jace. Kailan kayo magpapakasal ni Anya?" tanong ni Wi.
Bumaling ang tingin ko kay Anya. Parang may mali eh. Pero hindi ko lang masabi kung ano. Basta't may mali.
"Maybe next year," sagot ni Jace tapos ay tinungga niya ang alak.
Nagpaalam ako sa kanila na mag-co-comfort room muna ako.
Pagkadating ko sa c.r. ay binasa ko ang mukha ko. Lasing na yata ako. Kailangan ko na sigurong magpahinga.
Pagkalabas ko roon ay nabigla ako nang may humila sa akin. Amoy pa lang niya ay alam na alam ko na kung sino. It is Kurt.
Pumanhik kami at dinala niya ako sa isa sa mga kwarto rito. Isa sa mga guest room.
Pagkapasok namin ay isinandal niya ako sa pintuan.
Tinulak ko siya ng mahina. "Kurt," bawal ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita at inilapit lang ang mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko na ang hininga niya. Langhap sarap.
Sinalubong ko ang titig niya. Tila nalulunod ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. 'Yung tipong pati mga tuhod ko ay nanlalambot.
"Kayo na ba ni Klei?" tanong niya. Napakunot ang noo ko. Talaga bang pumasok sa isipan niya na kami ni Klei?
Ewan ko pero biglang sumaya ang pakiramdam ko. Kung tinatanong niya iyon. Ibig sabihin ba ay may pakialam pa rin talaga siya sa akin? May feelings pa rin ba kaya sa akin si Kurt?
"Ano naman ngayon kung kami na," matigas na sabi ko. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
Lalo niyang inilapit sa akin ang mukha niya, "Tell me that you and that boy are not in a relationship. You are not together," tila nagmamakaawang sambit niya.
"Paano kung kami na nga?"
Mariin niyang pinikit ang mata niya pagkatapos ay bigla-bigla na lang niya akong hinalikan. Marahas ang paraan nang paghalik niya sa akin.
Nalasahan ko na din ang dugo. Napatigil naman siya sa ginagawa niya.
"Sorry," saad niya pagkatapos ay hinalikan ng mabilis ang labi ko. "Sorry nasugatan ko ang labi mo," aniya. "Please tell me na walang namamagitan sa inyo ng Klei na iyon," anas niya tapos ay dinkit niya ang noo niya sa noo ko.
Hindi ako nagsalita at pinili na lang na tumahimik. Hindi pa rin ako sanay na halikan niya ako sa marahas na paraan. Noong kami pa ay never niyang ginawa iyon. Naiiyak lang ako dahil sa ginawa niya.
Tumingin ako sa ibaba at tinulak na lang siya. Pagkatulak ko sa kanya ay nagtungo ako sa kama at doon ay humiga. Hindi naman ako makakalabas dahil nga nandoon siya sa pintuan.
Bumuntong-hininga siya at nagtungo sa akin.
Umupo ako. "Kurt anong nanyari sa atin? Bakit ganito?" tanong ko.
Tahimik lang siyang nakamasid sa akin.
"Alam mo bang naiingit ako sa'yo? Naiingit ako kasi ikaw agad kang nakahanap ng iba. Agad mo akong napalitan. Samantalang ako hanggang ngayon ikaw pa rin. Hanggang ngayon mahal pa rin kita," umiiyak ko nang saad.
Hindi siya sumagot sa akin.
"Alam mo? Hindi ko talaga alam kung anong dahilan kung bakit tayo naghiwalay. Iyon bang hindi ko maibigay ang sarili ko sa'yo o 'yung talagang hindi mo na ako mahal o baka hindi mo lang talaga ako minahal? Gustong-gusto na kitang kalimutan."
Tumayo na ako at umiiyak na naglakad paalis doon. Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya. Kung makakilos siya ay parang may nararamdaman pa siya sa akin. Pero alam ko naman na imposible na iyon. May Dessery na siya.
Bahagi lang ako ng nakaraan niya na dapat na niyang kalimutan. Akala ko dati ako ang magiging future niya. Pero hindi pala talaga.
Bubuksan ko na sana ang pintuan nang naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. "Please don't. Huwag mo akong kalimutan. Hindi ko kakayanin. Please don't forget me, Joyce Clara," saad niya at hinalikan ang buhok ko.
Humarap ako sa kanya. Pagkaharap ko ay siniil niya ang aking labi. Halik na ramdam mo ang pagmamahal.