Kumakain ako nang biglang bumukas ang pintuan kaya naman napatigil ako sa pagsubo. It is him who is intently looking at me now. Napaiwas ako ng tingin at siya naman ay napatikhim.
Pumasok na siya sa comfort room dito sa loob ng kwarto niya. Ako naman ay nagpatuloy na sa pagsubo. Sarap na sarap ako sa pagkain. Sino kaya nagluto? Si Kurt ba? Kinilig naman ako sa naisip ko. He still cares for me. I know and I am sure of that.
Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na ang fresh juice tapos ay kinuha ko na ang gamot na pampaalis ng sakit ng ulo. Nagpahinga lang ako saglit bago ako lumabas ng kwarto niya. Pumunta ako sa may sink at doon ay hinugasan ang pinagkainan ko.
Teka nga pala! Si Kurt ba ang nagbihis sa akin? Oh my gosh!
Bakit kinikilig pa ako nang maisip iyon? Am I really insane?
Pagkatapos doon ay pumasok na ako ulit sa kwarto para kunin ang phone ko at ang damit ko.
Saktong pagkapasok ko ay ang paglabas niya galing sa banyo. He is topless now. The water is dripping over his body. Kaya naman nag-sa-shine talaga ang abs niya ngayon. Tapos 'yung muscles niya ay ang sarap pisilin. Saan na ang hustisya? Bakit ang hot ni Kurt? Biglang naging mainit dito sa kwarto niya kahit na naka aircon naman. Pasimple akong napapaypay sa sarili ko.
"Done staring at my body?" tanong nito at ngumisi sa akin. Mapanukso iyon at mukhang nasisiyahan talaga siya.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at napatikhim na lang. "Ehem," pekeng ubo ko pa. Tumingin ako sa ibang direksyon at nagsalita. "For your information, hindi ako nakatitig sa katawan mo. Duh. Hindi ka hot 'no," pagsisinungaling ko. Okay. Bad ako. Nagsinungaling ako. Hot talaga siya promise!
Naramdaman ko naman siyang lumapit sa akin. Napatalon pa ako ng kaunti nang maramdaman ko ang bulong niya sa tenga ko. "Really?" mapang-akit na sambit niya.
Humarap ako sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Kaunti na lang ay maghahlikan na kami. Napalunok ako. "Really," sagot ko.
"If you say so," sambit niya at hinapit ako sa bewang ko. "You're not good at lying, Joyce Clara." Ngumisi pa siya sa akin.
Tinulak ko siya ng mahina para kahit papaano naman ay hindi kami masyadong magkadikit. Ang kaso ay hindi man lang siya napaurong kahit konti.
"I'm not lying," matigas na sambit ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Grabe mga bes. Dikit na dikit na sa akin ang abs niya. At ang muscle niya ay kitang-kita ko na. Namumula na ang mukha ko.
Linapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman napaurong ako. Pero inilapit niya lang ulit ako sa kanya dahil nga sa hawak niya ang bewang ko. Mas lalo tuloy napalapit ang mukha niya sa mukha ko. Okay. Kasing pula na ng mansanas ang mukha ko. Feel na feel ko na talaga ang abs at muscles niya.
"I'm not hot? Really, Joyce Clara?" nakataas na isang kilay na tanong niya.
Umiwas lang ako ng tingin sa kanya at hindi siya pinansin. "Saan nga pala 'yung phone at damit ko?" pang-iiba ko ng usapan. Hindi na ako makahinga ng maayos.
"At ngayon iniiba mo ang usapan. Sagutin mo muna ang tanong ko." Dahil sa malapitan lang ang mukha namin. Amoy na amoy ko ang hinga niya. Ang bango shet.
"Oo na! Hot ka na, okay?" Tinulak ko siya ng malakas kaya naman napalayo na siya sa akin. Napanguso naman ako at umupo na sa kama niya. Shet ngayon ko lang na realize. Nakatuwalya lang pala siya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Saan na kasi 'yung phone at damit ko?" tanong ko ulit para sabihin na niya.
Nagpameywang siya sa harapan ko. "Your phone is on my drawer and your clothes is on my closet. By the way. Don't reply to that assh*le. Is he making a move to you, Joyce Clara?"
Nagkunot naman ako ng noo. Sinong assh*le?
Napansin naman niya ang kunot noo ko. "'Yung tukmol na Klei na iyon,"panglilinaw niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Si Klei? Baliw ka!" Tumatawang sambit ko at tumayo na. Kinuha ko na ang phone ko sa drawer niya. Pinagmamasdan niya lang ako.
Chineck ko kung may mga text.
"Saan ka nagpunta, Girl?" Si Fea iyon.
Sunod ko naman binuksan ay 'yung kay Daddy. Tinatanong nito kung saan ako. Late na ako sa work. Pagkatapos ay binasa ko 'yung text ni Klei. Kanina lang ito.
"Hey! Gala tayo mamayang gabi?" tanong niya sa text.
Mag-rereply na sana ako nang biglang mawala sa kamay ko ang phone ko. "Didn't I told you that don't reply to that boy!" gigil na sigaw niya.
Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama. Pagkatapos ay kinuha ko na ang phone ko sa kanya. Pumunta na ako sa closet niya at kinuha ang damit ko. Pumasok na ako sa banyo at doon nagkulong. Nalabhan na pala ang damit ko.
Bago ako lumabas ay nag-reply muna ako kay Klei. Sinabi ko dito na pumapayag ako. Para naman makapagliwaliw naman ako.
For sure bati na si Fea at 'yung boyfriend niya. Sila pa. Tapos si Khloie naman 'di available na mag gala. Ayaw kayang nawawala ni Sceven si Khloie sa tabi niya. Isa pa, busy iyon sa pag-aalaga kay Stanley— ang anak nila.
Lumabas na ako. Magpapaalam na sana ako kay Kurt nang marinig kong may kausap siya sa phone niya. "Of course, Babe. Yeah. I will see you later," nakangiting sambit nito.
Napangiti ako ng mapait. Yeah. Oo nga pala at may girlfriend na siya. Oo nga pala at pinalitan na niya ako sa puso niya.
Umiiyak akong lumabas ng unit niya. Bakit ba kasi gano'n? Bakit kahit eight months na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makapag-move on? Bakit ang hirap mag-move on?
Kinagabihan ay sinundo na ako ni Klei dahil nga sa gagala kaming dalawa.
Nakasakay kami ngayon sa kotse niya. Tahimik lang naman ang byahe namin. Nagpapaingay lang ay ang music na galing sa stereo.
Ilang sandali lang ay nakadating na din kami sa destinasyon namin. Bigla akong napangiti. Minsan talaga ang sarap kasama ni Klei. Alam na alam kung saan ako sasaya.
Naglakad na kami papunta sa mga street vendors. Natatakam tuloy ako sa kwek-kwek, fishball, balot, at mga barbecue.
"Ang saya ah," nakangising sambit ni Klei sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya habang nakangiti. "The best ka talaga," saad ko at nag-thumbs up.
Kinurot lang nito ang ilong ko saka na niya ako niyaya doon sa nagtitinda ng barbecue. Nagpa ihaw kami ng isaw, betamax, paa ng manok, puwad ng manok, hotdog, baboy at saka bumili na rin kami nang maiinom.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na nga ang pina ihaw namin. May mga table na maliliit naman dito kaya pumwesto na kami ni Klei para maka kain na.
Busy ako sa pagnguya nang bigla akong mapatigil. "Bakit?" tanong ko sa aking kasama. Titig na titig kasi siya sa akin habang nakangiti.
Piniling lang nito ang ulo niya at nag-umpisa na rin siyang kumain. Weird ni Klei minsan.
Kain lang ako nang kain.
"Dahan dahan baka mabulunan ka," paalala sa akin niya sa akin.
Tumingin naman ako sa kanya at ngumuso. "Sarap kasi eh."
Kumuha siya ng tissue saka nilapit sa akin ito. Nagtaka naman ako. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang dumampi ang tissue sa gilid ng labi ko.
"May sauce ka," saad niya.
Napatahimik naman ako habang dahan-dahan niyang pinupunasan ang gilid ng labi ko. Titig na titig lang siya sa pinupunasan niya. Awkward.
"Ehem," salita ko at sinabing, "Kain na nga tayo. Gutom pa ako." Tumawa pa ako ng peke. Nailang kasi ako ng kaunti.
Pagkatapos namin kumain ng barbecue ay bumili naman kami ng kwek-kwek saka fishball. Habang kumakain kami ay naglakad-lakad kami dito sa gilid ng kalsada.
Busy ako sa pagkain nang magsalita si Klei. "Did you enjoy?" tanong niya.
Ngumiti ko sa kanya. "Super!" masigla kong sabi at sumubo ng kwek-kwek. Sarap!
Napangiti naman siya. "Alam mo. Mas maganda ka talaga pag ngumingiti." Sumubo siya ng fishball.
"Maganda naman talaga ako. Kahit hindi nakangiti ay maganda talaga ako," biro ko sa kanya.
"Oo na. Hindi naman ako makakatutol sa sinasabi mo," sambit niya.
"Bakit hindi ka naman makakatutol?" tanong ko habang ngumunguya pa rin.
"Totoo naman kasi ang sinasabi mo,"mahina niyang saad.
Napatigil ako sa pagnguya. Okay. Minsan si Klei honest talaga. "Masyado mo naman ang sinusuportahan," sambit ko at natawa ng mahina. "Akala ko ba pangit ako?" tumatawa ko pa ring tanong.
Noong kasing nasa beach ay lagi niyang sinasabi na pangit ako. Nakakabigla lang na sinasabihan niya ako ng maganda. Ano kayang nakain nito?
Pagkatapos nang pag gala namin s***h pagkain namin ay inihatid na niya ako sa bahay.
"Goodnight," utas niya at ngumiti sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you so much, Klei. Pinasaya mo ang gabi ko."
Napatawa naman siya ng mahina. "Baka naman mawalan ako ng hininga sa pagyakap mo sa akin. Higpit eh."
Napalayo naman ako sa kanya at pinalo siya ng mahina sa braso. "Tse! Umuwi ka na nga. Text mo ko pag nakauwi ka na ah."
"Yes, Ma'am." Nag- salute pa sa akin ang baliw.
Winave ko na ang kamay ko. Tinanaw ko lang ang papalayo na niyang sasakyan.
Nakangiti akong pumasok sa loob. Nagpapasalamat talaga ako na may mga kaibigan akong handa akong pasiyahin.
Parang kanina lang iyak ako nang iyak dahil nga sa Kurt na iyon tapos ngayon ay todo ngiti ako dahil kay Klei at sa mga pagkain hihi.
Sumampa na ako. Nag-shower lang ako saglit bago nag-dive sa aking kama.
Kinabukasan ay busy na busy ako sa opisina. May pinapagawa kasi sa akin si Daddy. Kailangan kong isubmit mamaya. Balita ko din ay mag-memerge ang kumpanya ng Casupanan at Martinez.
Hindi naman siguro ang kumpanya nina Kurt iyon. Ang dami kayang Martinez sa mundo.
Nang sumapit ang lunch ay bumaba ako ng building at pumunta sa malapit na cafe. Wala akong ganang kumain ng proper meal ngayon. Saka gusto kong kumain ng cake at uminom ng kape.
Umorder ako ng oreo cheese cake saka cappuccino. Umupo ako sa isa sa table rito. Napatingin naman ako sa paligid ng cafe. May mga quotes na nakasulat.
Napatigil ang mata ko sa isang quote. "Let go of the pass and be happy."
Mukhang pinatatamaan ako ng quote na iyon ah. Natawa na lang ako ng mahina at kumain na.
Pagkatapos ay bumalik na rin agad ako sa opisina. Kailangan ko nang tapusin ito.
Ilang oras din ang nakalipas ay natapos ko na ang ginagawa ko. Pina-submit ko ito kay Yvet. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagtungo na sa parking lot.
Sumakay na ako sa aking kotse. Pupunta ako ng mall ngayon dahil bibilhan ko ng regalo si Stanley. Malapit na rin kasi ang binyag. And of course ninang ako.
Pagkatapos kong makabili ay napagpasyahan kong kumain muna. Pumunta ako sa isang sikat na fasr food. Ayaw ko naman sa mga sosyaling mga restaurant.
Kain lang ako nang kain nang mapako ang tingin ko sa dalawang tao. Magka-holding hands sila at nakangiti. It was Kurt and Dessery the clown. Kapal ng make up kasing kapal ng mukha niya.
Inis na bumaling na lang ako sa kinakain ko. I should try the qoute in the café earlier. Let go of the pass and be happy. Yeah. I really need to try to do that.
Maybe it's time for me to really move on. Hindi lang naman si Kurt ang lalaki sa mundo. Makaka-move on din ako. Hindi nga lang ngayon pero siguro sa susunod na araw o buwan ay tuluyan ko na ring matatanggap na wala na talaga kami ni Kurt.
Hindi ko naman maitatanggi na masakit pa rin kasi hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang nangyari.
The worst feeling in this world is being hurt by someone you love. I hope I can unloved him. Sana ay tuluyan ko nang mabitawan ang nakaraan.