{Joyce} Chapter 1: Kamukha

1778 Words
"Miss Joyce, ito na po 'yung files na pinapaasikaso sa inyo ni Mr. Casupanan." Ini-abot sa akin ni Yvet ang folder na hawak niya. Si Yvet ang secretary ko rito sa kumpanya ni Daddy. "Okay. You can go back to your work now," I said. Nagpaalam na ito sa akin at lumabas na. Ako naman ay bumalik na sa pagtatrabaho. Nakakapagod magtrabaho. Pero at least kapag madaming ginagawa ay hindi ko naaalala si Kurt. Hindi ko nararamdaman 'yung sakit. Nag-umpisa na ako sa pag-aasikaso sa pinapagawa ni Daddy sa akin. Ilang oras ang lumipas bago ako matapos sa ginagawa ko. Buti na lang out ko na. Gusto ko nang matulog. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang maramdaman ang lambot ng kama sa aking likuran. Nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumunta ako ng comfort room para mag-ayos. Kinuha ko ang phone ko na nagri-ring ngayon sa loon ng aking bag. Sino naman kaya ang tumatawag? Si Fea pala. Si Fea ay nakilala ko dati sa bar. Naging close kami. Kaya tuwing nag-babar ay siya ang kasama ko. Hindi ko na kasi pwedeng isama si Khloie sa pag-babar. Alam naman natin na hindi iyon papayagan ni Sceven. Ang clingy kaya ni Sceven sa asawa niya. Gusto niya laging kasama ito. Well, masaya ako para sa kanila. Finally my bestfriend found her own Prince. "Napatawag ka?" bungad ko kay Fea. Malakas ang tugtog sa background niya. Malamang nasa bar ito. "Tara let's party!" pasigaw na sabi niya. "Pass muna ako." "Hep. Anong pass? Pag hindi ka pumunta rito huwag mo na akong kakausapin kahit kailan," she warned. Bandang huli ay napapayag din niya ako. Bumaba ako ng building at pumara ng taxi. Hindi ko dala ang kotse ko. Coding kasi ngayon. "Sa Valkyrie Night Club po, Manong, " saad ko sa taxi driver pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Ilang minuto lang ang byahe dahil malapit lang naman dito iyon. Pagkatapos kong magbayad kay Manong ay pumasok na ako sa loob ng bar. Buti na lang at hindi ko dala ang bag ko. Bago kasi ako lumabas kanina ng company ay naisipan kong iwan nalang ito roon. Alam ko naman na malalasing kami eh. Nandoon pa naman sa bag 'yung laptop na ginagamit ko sa trabaho. Baka maiwan ko lang dito. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang malakas na tugtog. Ganito ang ayaw ko sa mga bar eh. Ang ingay masyado. Nakakabingi. Kung hindi lang talaga ako napilit ni Fea ay hindi ako pupunta rito. "Hello there, Missy," bati ni Fea at hinawakan ako sa kamay tapos ay hinila na niya ako. "Let's Party!" sigaw nito sa akin. Tch. Kung .di ko lang alam. Ano na naman kayang problema niya? Umupo na kami sa may dulo. Grabe! Dami na palang nainom ng babaeng ito. Kaya naman pala super hype na niya. Tumabi ako sa kanya. "Anong problema?" tanong ko nang hindi na nagpaligoy-ligoy pa. "Problema? Wala," tanggi niya at tumawa. Tapos ay itinuro ang sarili niya. Ako? May problema? Wala!" tumatawang sambit niya pagkatapos ay may pumatak na ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Baliw na 'to. Sabi ko na nga ba at may dinadamdam siya. Kinuha ko ang isang bote ng beer at nilagok ang laman nito. Tumawa sa akin si Fea. "May problema ka rin?" Tumango lang ako bilang sagot. "Oh my gosh! Don't tell me 'yung Kurt na iyon pa rin ang problema mo?" I just nod my head. "Hirap mag-move on." "Hay nako. Nakakainis talaga ang mga lalaki. Sarap nilang sakalin. Bakit ba lagi nilang sinasaktan ang mga babae?" tanong nito at umiyak pa lalo. "Ano bang problema mo?" "Si Troy kasi nahuli kong kahalikan 'yung ex niya. Tang*na niya. Sabi niya ako lang. Sabi niya hindi na niya mahal iyong babaeng iyon," sagot niya. Dinig na dinig ang sakit sa kanyang boses. Pagkatapos ay kumuha pa siya ng isang bote ng beer. Umiyak na rin ako dahil nasaktan din ako sa kanyang sinabi. "Mga masasama talaga sila. Minamahal lang naman natin sila tapos sasaktan pa nila tayo. Alam mo ba ang bilis mamalit ni Kurt? Clown pa ang pinalit sa akin," masakit na loob na saad ko. Tumawa na lang kaming parehas at umorder pa ng alak na mas malakas ang tama. Balak na magpakalasing talaga. Uminom pa kami ng madami at napagpasyahan namin na makihalubilo sa mga taong sumasayaw sa dance floor. This night will gonna be fun! Sumayaw-sayaw ako na parang wala ng bukas. Ah! Ang gaa ng pakiramdam ko. Natigil ako sa pagsasayaw nang makita ko ang isang pamilyar na tao. Napatampa ako sa aking noo. Nag-hahallucinate na yata ako. Si Kurt nandito at nakatitig sa akin. Tumawa ako ng mahina. Natatawa ako sa sarili ko. Hangga ba naman dito si Kurt pa rin ang nakikita ko? Baliw na ako. Baliw na baliw na. Winasiwas ko iyon sa aking isipan at naglakad-lakad na. "Saan ba si Fea?" tanong ko habang hinahanap siya ng aking mga mata. Nang hindi siya makita at mapagod na ay tumigil na ako sa paghahanap sa kanya at sumayaw na lamang ulit. Naramdaman kong may sumayaw sa likod ko kaya naman humarap ako dito. Oh well! In fairness may ibubuga ang isang ito. Gwapo siya pero mas gwapo parin si Kurt ko. Kurt lang pala, walang ko. Sumayaw ito kaya naman sinayawan ko rin siya. Sa ngayon iisipin ko na muna na wala ng bukas kaya dapat magpakasaya na ako. Nabigla ako nang ipalupot nito ang kanyang kamay sa aking bewang. Pero agad din akong nakabawi at binalewala na lang iyon. "Hey,beautiful," he charmingly said and sweetly smiled at me. Sus! Bolero. Kung hindi ko lang alam. Gusto lang maka-score nito. Pero sorry siya dahil ayaw ko. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa aking bewang. Pero mas lalo lang itong humigpit. "Let me go," mariin ko ng sambit. Hindi ko na nagugustuhan ang pangyayari. Imbis na i-let go niya ako ay dumikit pa siya lalo sa akin at diniin ang katawan niya sa katawan ko. Oh gosh! This is not good. I need to escape. Now. "I said let me go!" sigaw ko na sa kanya. Wala namang nakakapansin sa amin dahil malakas ang tugtog ng dj. Nagpumiglas na. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Napapikit na lang ako dahil alam kong wala na akong magagawa. Habang nakapikit ako ay naramdaman ko na lang na nawala na ang pagkakahawak niya sa akin. Napamulat naman ako at hila-hila na pala ako ng isang lalaki. Lasing na talaga yata ako. Bakit si Kurt ang nakikita kong nanghihila sa akin? Tumigil kami malapit sa comfort room. Pagkatapos ay kinulong niya ako sa katawan niya at pader. "Bakit kamukha mo siya?" tanong ko sa lalaking kamukha ni Kurt at inexamine ko pa ang kanyang mukha. Kamukhang-kamukha niya talaga eh. Lasing na talaga yata ako. Nakatitig lang ito sa akin at hindi nagsalita. Tumawa na lang ako at napakanta ng wrecking ball. "I came in like a wrecking ball. Si Kurt di ko na ma-call," pakanta kong sambit. Narinig ko naman na tumawa ng mahina ang lalaking nasa harapan ko. "Bakit ka tumatawa?" masungit kong tanong. Napabuntong-hininga ako. "Pero alam mo? Kamukhang-kamukha mo 'yung taong mahal na mahal ko," malungkot kong sambit. Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin,"Sino ba ang mahal na mahal mo?" tanong niya. Pabulong lang iyon pero rinig na rinig ko. "Si Kurt Ko. Ay mali. Hindi pala Kurt Ko. Kurt lang pala. Wala palang sa akin. Break na kasi kami eh." Tumawa ako ng mahina pero may pumapatak ng mga luha galing sa mga mata ko." Ang sakit-sakit dito oh." Tinuro-turo ko pa ang dibdib ko. Napatigil naman siya ng kaunti at pinunasan ang mukha kong puno na ng luha. "Shh... stop crying," he comforted. Hinaplos niya ang aking mukha habang pinapatahan ako. Inilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. "Pwede bang mapanggap ka muna na ikaw si Kurt? Tutal kamukha mo naman siya." Akma na siyang magsasalita ng bigla ko siyang hinalikan. Sh*t bakit ganito? Bakit kasing lambot ng labi niya ang labi ng mahal ko? Bakit pakiramdam ko ay siya talaga ito? Pagkatapos noon ay hindo na alam pa kung anong nangyari dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko at nandilim na ang aking paningin. Pagkagising ko kinabukasan ay biglang sumakit ang ulo. Hangover. Minulat ko na ang mga mata ko habang nakahawak pa rin sa aking ulo. Ang sakit-sakit talaga nito. Parang pinupukpok ng martilypo. Napadami kasi ako ng inom kagabi. Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko na wala ako sa kwarto ko. Kaninong kwarto ito? Napatingin ako sa suot kong damit. Pero mas lalo lang na nanlaki ang mga mata ko. Iba na ang suot kong damit sa suot ko kahapon. Sa pagkakaalam ko ay naka dress ako kagabi. Pero ngayon ay naka ,boxer at naka malaking t-shirt na ako. Napatampa ako sa aking noo. Sinabunot ko din ang sarili ko. Ang tanga ko. Ang baliw ko. Nakakainis. Ano na ngayon? Nawala na ba ang big v ko? Tumayo ako at napatingin sa salamin. Hindi naman masakit ang bandang ilalim ko. Ibig bang sabihin nito ay v pa rin ako? Sana nga. Tang*na para kay Kurt lang ang virginity ko. Teka nga at saan nga pala ako? Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Omo! Pamilyar na pamilyar sa akin ng kwartong ito. My gosh! Don't tell me nasa kwarto ako ni Kurt? Napatawa naman ako ng mahina. Baliw talaga ako. Paano naman ako mapupunta sa kwarto ni Kurt? Asa pa ako. Baka naman katulad lang ng kwarto ni Kurt. Pero hindi eh. Alam na alam ko ang kwarto ni Kurt. Inamoy ko naman ang damit ko. Pati ang suot kong damit ay kaamoy ng damit niya. Umupo ako ulit sa kama. Imposible naman kasi na mapunta ako sa kwarto niya eh. Bumukas ang pinto at napatingin ako roon. Pumasok ang isang lalaki. "Kurt," mahinang sambit ko. May dala-dala itong tray na may pagkain. "Gising ka na pala," malamig na sambit niya. "Ah, Kurt. Paano ako napunta rito?" nahihiya kong tanong. Ngumisi naman siya sa akin. "Hindi mo ba naaalala?" Piniling ko ang ulo ko bilang sagot sa tanong niya. "Bigla-bigla ka na lang nanghahalik tapos ay tinulugan mo ako." Nanlaki ang mata ko. "Ikaw iyon? A-akala ko kamukha mo lang," nauutal na sambit ko. Nakakahiya naman talaga. Mas lalong naging awkward ang atmosphere. Tumango lang ito at sinabing, "Kumain kana. May gamot na rin dito. Inumin mo para matanggal ang sakit ng ulo mo." Pagkatapos ay lumabas na siya. Napasabunot na naman ako sa sarili ko at napahiga sa kama. "Nakakahiya ka, Joyce Clara!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD