{Joyce} Chapter 8: Kurt, Joyce, and Klei

1471 Words
“I'm sorry, I'm late,” he said. Alam na alam ko ang boses na iyon. Tumingin ako sa nagsalita and I am right. Siya nga. Si Kurt nga. “Kurt hijo,” saad ni Mr. Martinez. Umupo na siya. Bale magkaharap kami ngayon. Matiim siyang tumitig sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon. Bakit ba naman kasi nakakakilig ang way ng pagtingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba, Joyce?” baling sa akin ni Papa. Marahil ay napansin niyang mamumula ako. Ngumiti ako. “Ayos lang po,” sagot ko at pilit na ngumiti. Ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ay muling humarap kay Mr. Martinez. “By the way, Joyce, this is Kurt Martinez. Son of Gregorio,” ani ni Daddy. Tumango naman ako. Kilalang-kilala ko na iyan, Daddy, kung alam mo lang. “Kurt, this is Joyce Clara Casupanan.” “I already know her, Pa,” salita ni Kurt. Napatingin naman si Daddy at Mr. Martinez sa kanya. “I think she's the one.” Napahalakhak ang Papa niya. “Hijo naman you are already making move ah. You're corny words makes me laugh, Son.” “Mukhang tinamaan ka na sa dalaga ko, Kurt,” sabat naman ni Daddy. Makhulugan pa itong tumingin sa huli. “Daddy,” pabebe kong tawag. Shit nakakahiya naman. 'Di ko tuloy alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. Si Kurt naman kasi eh! After a minute ay pumunta na sa business ang usapan. “Excuse po. I will just go to the comfort room,” paalam ko. Tumayo na ako at nagtungo sa c.r. Pagkapasok ko ay ako lang mag-isa. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. Impit akong sumigaw. Kinikilig kasi ako. Tinampa-tampa ko pa ang pisingi ko. Lord, bakit ang gwapo ng ex ko? Pweding kami na lang ulit? Please po. Napaayos naman ako nang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Kurt ang pumasok. “Hey, pangbabae ito. Namali ka yata," kunot noo kong sabi sa kanya. Tinignan lang niya ako tapos ay hindi nagsalita. Lumapit siya sa akin at matiim akong tinitigan. “I miss you,” instead he said. Kinilig naman si heart kaya hindi agad ako nakapagsalita. “Don't you miss me, honey?” Napalunok naman ako. Bakit ang hot nang pagkakasabi niya? “Ah... miss din kita? He chuckled. “Not sure to your aswer eh.” Napakagat ako sa labi ko. Why do I feel na masusufocate ako tuwing malapit siya sa akin. “Don't bite that lips of yours, Joyce Clara. I might claim it.” Lalo naman akong napakagat sa labi sa sinabi niya. Mukhang kilig na kilig na naman ako. Napangiti naman siya. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Pinagdikit niya ang noo namin. “I will claim that lips of yours, Honey,” pagkasabi niya no'n ay hinalikan na niya ako. It is a passionate kiss. Nag-iingat siya sa bawat halik na ginagawad sa akin. I feel like I am so precious. Why are you doing this to me, Kurt? Bakit mas lalo akong nafa-fall sa'yo? Pagkatapos nang paghahalikan namin ay ngumiti siya sa akin. “I think we need to go back there. Baka magtaka na sila.” Then he chuckled. Inayos niya ang nagulo kong lipstick pagkatapos ay hinawakan na niya ang kamay ko at sabay na kaming lumabas. Kinabukasan ay maaga akong nagising. I am excited and a little bit nervous. Simula kasi ngayon ay kami na ang magiging magkatrabaho ni Kurt. Dahil nga sa pag-memerge ng company namin. Tumayo ako ng may ngiti sa mukha. Habang nag-shoshower ay pakanta-kanta pa ako. Pagkatapos kong maligo ay binalot ko muna ang aking sarili ng roba. Pagkatapos ay pumunta sa may closet. What will I wear? Ilang minuto na rin akong naghahanap nang maisusuot pero wala parin akong napipili. Dapat sa first day nang pagsasama naming magtrabaho ay maganda ako. Napakamot ako sa batok ko. Ngayon ko lang na realize na ang hirap palang maghanap nang maisusuot. Sa bandang huli ay napili ko ay kulay pink na fitted dress sa akin. Hindi naman siya masayadong revealing so okay na. Pang corporate rin naman ang style niya. Pagkababa ko ay nag-almusal na ako. Pagkatapos ay lumabas na ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang tao na nasa labas ng gate namin. Nang mapansin niya ako ay kumaway siya at ngumiti. Lumabas na ako at sinalubong siya ng ngiti. “Hi,” bati ko. “Hatid na kita?” Tumango na ako. Pinagbukas niya ako ng pintuan at pinapasok na. “Ang aga mo naman nagpunta rito, Klei.” “Trip ko lang,” saad niya pagkatapos ay nagkibit balikat. Baliw talaga nito. Pagkadating namin sa harap ng company namin ay pinagbukas niya ako ng pintuan at nagpaalam na siya ng mabuti. Niyaya niya din akong mag dinner mamaya. Ano kayang nakain no'n?Nakasumpong na naman. “Sweet.” Napatigil naman ako at tumingin sa nagsalita. “Lagi ka ba niyang hinahatid?” “Kurt, hindi. Ah ngayon lang niya ako hinatid kasi trip niya raw? Ay teka nga! Bakit ba ako nag-eexplain sa'yo.” Napatawa naman siya at ginulo ang buhok ko. “Miss you,” he said and kissed me on my forehead. “Eh. Kakakita palang natin kagabi diba.” “Kahit na,” he said pagkatapos ay hinapit ako sa bewang. Napatingin naman ako sa kanya. “Baka may makakita sa atin,” saad ko at pilit na tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa aking bewang. “I don't care,” simpleng saad niya. “You don't care amo. Baka may makakita at magsumbong kay Daddy. Strict ang parents ko,” sambit ko at tumawa ng mahina. Sumakay na kami sa elevator at nakasabay namin si Yvet. Nanlaki ang mga mata nito tapos ay pilyong ngumiti sa akin. Nagtakip pa ito ng bunganga tapos ay pinakitang kinikilig. Napailing nalang ako. Magiging baliw na naman mamaya ang aking secretary. Kinagabihan ay nandito pa rin kami ni Kurt at inaasikaso ang iilang trabaho. “Ma'am, nandito po si Sir Klei,” saad ni Yvet mula sa intercom. Napatingin naman ako kay Kurt na nakatingin rin pala sa akin ngayon. “Papasukin mo na,” nag-aalangan na saad ko. Lumapit sa akin si Kurt at matalim na tumitig sa akin. “Bakit kaniya pinupuntahan?” seryosong tanong niya. Sh*t mag didinner nga pala kami ni Klei. “Ahm niyaya niya kasi akong mag dinner.” Bumuntong-hininga siya. Bumukas naman ang pinto at doon ay pumasok si Klei. Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Kurt. “Kurt,” casual na bati ni Klei “Klei." Tumango ang huli. Sa bandang huli ay kaming tatlo ang magkakasamang nag-dinner. And of course sa mga street food kami kumain. Bilib din naman ako sa dalawang kasama ko. Ni walang arte. Ang yayaman nila tapos ay kumakain sila ng iba't ibang street foods. Nakangiti akong nakatingin sa dalawa. Bakit feeling ko bagay sila? Syempre joke lang. Sayang naman ang lahi nila. “Joyce, fishball oh.” Akma ko ng isusubo ang fishball na sinasabi ni Klei nang biglang sumabat ang kwek-kwek na hawak hawak ni Kurt. “Mas masarap ito.” Wala na akong nagawa kung hindi isubo iyon. Pagkatapos ay sinubo kona rin ang fishball. May balak yatang patabahin ako ng dalawang ito. Pumunta pa kami sa may nagtitinda ng calamares. Ang sarap naman. Pagkatapos ay lumapit kami sa may barbecue. Nag-order kami ng bituka, tokwa, paa ng manok at barbecueng baboy. Umupo na kami sa may mesa. Nag-order na rin kami ng kanin. Enjoy na enjoy ako sa pagkain ko. Napatigil naman ako nang biglang mag-abot ng tissue si Klei. “May sauce ka,” saad niya. Kukunin ko na sana ito nang bigla ay dinilaan ni Kurt ang gilid ng labi ko. Napatanga naman ako sa ginawa niya. Nasa tabi ko kasi siya at si Klei naman ay nasa harapan ko. Tumingin siya sa akin. “Iyan wala ng sauce,” sabi nito at ngumisi. Napanguso na lang ako para pigilan ang ngiti sa aking labi. Pagkadating ng eight ng gabi ay napagpasyahan na naming umuwi. Akala ko ay ayos na pero sumakit na naman ang ulo ko sa dalawa. “Ako nang maghahatid kay Joyce,” si Klei. Nagsalita naman si Kurt. “Ako ang maghahatid kay Joyce Clara.” And then paulit-ulit na sila. Naku naman. Parang silang sirang plaka. “Tumigil nga kayo!” sigaw ko na. Napatigil naman silang dalawa. “Kaya kong umuwing mag-isa,” saad ko at pagkatapos ay pumara ng taxi. “Joyce!” “Joyce Clara!” Dinig ko pang tawag sa akin ng dalawa pagkasakay ko sa loonb. Bahala nga silang dalawa. Kung gusto nila ay maghatiran sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD