{Joyce} Chapter 9: Sa'yo

1674 Words
“Joyce, saan ka na?” tanong ni Anya sa kabilang linya. Sinuot ko ang high heels ko. “Papunta na,” I answered. “‘Kay. Bilisan mo ah. Halos kumpleto na ang barkada,” she said. Pagkatapos niyang magsalita ay binaba na niya ang linya. Pumunta ako sa harapan ng body size mirror ko sa kwarto. I am wearing a fitted red dress and a choker on my neck. Kita ng kaunti ang aking cleavage. Naka suot din ako ng black pointed high heels. And of course a light make up on my pretty face. Kinuha ko na ang pouch ko at phone. Lumabas na ako at tinawag ang driver. Hindi na ko magdadala ng kotse. For sure naman na malalasing ako at hindi na makakapag-maneho. Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng high end bar ay nakita ko si Kurt na nasa entrance. What is he doing there? “Thanks, Kuya,” I said to the driver then get off on the car. Naglakad na ako papunta sa entrance. Bumagal naman ang lakad ko nang makitang nakatitig sa akin ang lalaki. Bumilis ang t***k ng aking puso. Why do I feel na bumagal ang galaw ng mundo? Nakakunot noo itong lumapit sa akin. “Your dress is too revealing, Joyce Clara,” masungit nitong utas. Hindi ko sinagot ang sinabi niya at pinagmasdan lang siya. Ang hot niya. A simple black ripped jeans and a v-neck shirt. Kahit ano yatang isuot ng lalaking ito ay bagay sa kanya. “Done checking me out, Honey?” nakangisi na niyang sambit. Napanguso naman ako at inirapan na lamang siya. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. “Dito ka lang sa tabi ko. Masyado mong ginandahan ngayon, Joyce Clara,” he said and pouted. Natawa naman ako ng mahina. Pumasok na kami at pinuntahan sina Khloie. Nag-aya kasi sila na mag-bar. Aalis kasi sila at pupunta na ng L.A. They will stay therw for two years. Nagkukwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Si Kurt naman ay nakapalupot pa rin ang kamay sa aking bewang. Nang magsimulang magpatugtog ang dj ay nagyaya silang sumayaw. Nagpa-iwan naman ako dahil gusto ko munang umupo. At dahil nagpa-iwan ako ay nagpa-iwan din ang ex kong ubod ng gwapo. “Kung gusto mong sumayaw pumunta ka na roon, Kurt. Ayos lang naman ako rito.” Tumingin siya sa akin at ininom ang alak. “No way. Kapag iniwan kita rito ay baka may lumapit pang ibang lalaki sa'yo.” “Possesive,” bulong ko na narinig din niya. Ngumisi siya sa akin at hinalikan ang tungki ng aking ilong. Nag-uusap lang kami ng kung ano-ano. Binabawal pa nga niya ako na huwag uminom ng madami baka raw malasing ako. Pag pa naman lasing ako ay kung ano-anong pinag gagawa ko. Bigla na lang may lumapit na babae sa table namin. “Hey, Kurt,” bati nito sa malanding tono. Ngiting-ngiti pa ng pang-malandi. Inalis ni Kurt ang pagkakapalupot ng kamay niya sa aking bewang. Napa-irap naman ako. Ngumiti si Kurt sa babae at nagsalita. “Hey. How are you, Poly?” casual na tanong niya. “Well, I'm looking good." Tumawa siya ng malandi. Nakakainis pakinggan. “By the way kinakamusta ka pala ni Dad.” Ah so na meet the father na. Ang landi. Ang landi-landi nilang dalawa. Masaya at malandi lang silang nag-uusap. Nakapatong pa ang kamay ni Poly sa dibdib ni Kurt. Tumayo ako nang padabog at nagtungo sa dance floor. Pilit ko pang hinahanap sina Khloie pero hindi ko makita. Sumayaw lang ako nang sumayaw. “Joyce!” tawag sa akin ng isang lalaki. Pinagmasdan ko naman siya at iniisip kung sino siya, “Michael,” I said then smiled at him. Ngumiti rin siya sa akin. “Long time no see,” he said. “So kumusta na?” I casually asked. “Ito gwapo pa rin,” biro niya. Natawa naman kaming dalawa. Napalo ko pa siya ng mahina sa balikat niya. “So.. sayaw tayo?” tanong niya. Tumango naman ako at nakipagsayaw na sa kanya. Sumasayaw ako nang may pumulupot na kamay sa bewang ko. “Nalingat lang ako sandali. May ibang lalaki na agad na sumasawsaw,” saad nito at hinila na ako paalis doon. Dinala niya ako sa c.r. ng mga babae at ni-lock iyon. “Ano bang problema mo?” inis na tanong ko sa kanya. “Anong problema?! Tang*na naman, Joyce Clara. Kitang-kita naman na may gusto sa iyo 'yung lalaki na iyon.” “That was Michael, Kurt. Classmate natin dati.” “I know. Dati palang alam ko nang may gusto sa'yo 'yon. So please stay away to that mother fvcker.” Lumapit ako sa kanya at inis na tinapakan ang paa niya. “Ikaw nga riyan harap-harapan na lumalandi eh.” Napa-aray naman siya. Of course, ikaw ba naman tapakan ng pointed high heels. Serves him right. Ang landi niya kasi. Napangiti naman siya. “Nagseselos ka ba?” pilyo niyang tanong. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako?” mataray na saad ko. Lumapit siya sa akin at isinandal ako sa pader. “Of course may karapatan ka. You own me, Honey.” Inilapat niya ang labi niya sa labi ko. He deepened the kiss. “Sinira mo ang lipstick ko,” pag-iinarte ko pagkatpos naming maghalikan. “You don't have to put make up on your face, Honey. You are naturally beautiful.” “Pero baka makahalata sila na naghalikan tayo,” I said and put a lipstick on my lips. “Ano naman ngayon? Alam naman nila na tayo na ulit.” Nanlaki naman ang mata ko. “What?” Ngumisi lang siya sa akin. “Manligaw ka muna,” nakanguso kong saad. “Of course I will.” Another day came at maaga akong nagising kahit na may hang over pa ako. Mga three na yata ng umaga nsng umuwi kami. Si Kurt na ang naghatid sa akin. Ni hindi nga maalis ang ngiti sa labi niya. Akala tuloy ng barkada kung anong nangyari sa kanya. Ginawa ko na ang morning routine ko pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng almusal. “May naghihintay sa'yo sa labas, Ineng,” ani ni Manang. “Sino po?” “Iyong gwapong lalaki,” sagot niya sa aking tanong. Lumabas na ako at doon ay nadatnan si Kurt na gwapong-gwapo na nakasandal sa kanyang Pajero. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. “Good morning,” he said and kissed me on my lips. Smack lang. Pinagbuksan niya akong ng pintuan. Pagkapasok niya sa kotse ay may kinuha siya sa likod. Napangiti naman ako nang ini-abot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak. “Thanks,” I said. Napapikit ako nang lumapit siya sa akin. “Seatbelt, Honey,”utas niya at ngumisi sa akin. Namula naman ang mukha ko. Akala ko pa naman ay hahalikan niya ako. Nakakahiya. Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko. “I know you're thinking na hahalikan kita,” pang-aasar niya. “Hindi kaya!” pag-sisinungaling ko. Ngumisi siya. “Really?” “Oo nam-” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumapat na ang labi niya sa akin. Ilang segundo rin ay pinaghiwalay na niya ang mga labi namin. Nagmaneho na siya papunta sa kumpanya. “Hindi muna kita masasamahan magtrabaho ngayon. I just need to do something important.” Saad niya. “Sige. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo and please, Kurt. Kahit wala pa akong karapatan sa'yo pinapaalala ko lang na huwag kang lumandi sa iba.” Tumawa naman siya ng mahina. “You own me, Honey,”he said. “Pupuntahan kita mamayang six 'kay? And by the way, kumain ka ng lunch, Honey.” Nakangiti akong pumasok ng opisina. Si Yvet naman ay ma-intrigang nakatingin sa akin. “So ano na,Ma'am? Akin na po si Sir Klei ah. Kitang-kita ko naman kasi sa mata niyo na gustong gusto niyo si Sir Kurt.” Baka mahal na mahal, Yvet. Kinindatan ko lang siya at ngumiti sa kanya. I'm so in love. Nag-umpisa na akong magtrabaho. Hindi ko namalayan na oras na pala. Tinignan ko naman ang phone ko. Ang dami na palang text ni Kurt. "Don't forget to eat lunch, Honey." Napangiti naman ako ng malawak. Kinikilig ako tuwing tinatawag niya akong honey. It's sound so sweet. Marami pa ang text niya sa akin. "Why are you not replying?" "Busy?" "Alright. Hindi na kita guguluhin. But don't forget to eat lunch, Honey." Napatingin naman ako sa orasan. It's already one in the afternoon. At sakto naman ay tumunog ang tiyan ko. Nag-paalam ako kay Yvet na kakain muna ako sa labas. Naglakad lang ako papunta sa kainan. Malapit lang naman dito ang mga restaurant. What should I eat? Nag-order ako ng rice and grilled roast beef. Pagkatapos kumain ay nagbalik na ako sa opisina. Nang mag-six na ay dumating na si Kurt at sinundo ako. “Bakit late kang kumain ng lunch, Joyce Clara?” seryoso niyang tanong habang nagmamaneho. Napanganga naman ako. Paano niya nalaman na late akong kumain? “Kahit wala ako sa tabi mo, Alam ko pa rin kung anong nangyayari sa'yo.” Napangiti naman ako. I found it so sweet. “Sorry, Hindi ko kasi namalayan na oras na. Pero kumain naman ako,” I said. Pinark niya ang kotse niya sa harapan ng isang restaurant. “Kumain muna tayo bago tayo pumunta sa pupuntahan natin.” Pinagbuksan niya ako ng pintuhan ay hinalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob. “Anong gusto mong kainin?” sweet na niyang tanong sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya. “Kahit ano na lang o kaya katulad na lang ng sa iyo.” “Ako na lang kaya ang kainin mo?” saad niya at pilyong ngumiti. “Manyak nito.” saad ko at inirapan siya. Tumawa naman siya. “Kahit sabihin mo man na manyak ako. Totoo pa rin ang pag-ibig ko para sa'yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD