Nagising ako ng may ngiti pa rin sa labi. "Good morning," bati niya sa akin habang nakahiga pa rin kaming dalawa. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. "Morning." "What do you want to eat?" "Kahit ano nalang," sagot ko. Hindi ko alam kung anong gusto kong kainin. Ngumiti ito sa akin. "Okay." Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya. Pinulot ko ang damit niya sa sahig at iyon na ang sinuot ko. Tumayo na rin siya at kumuha ng damit niya. Pagkatapos ay lumabas na siya. Pumunta naman ako sa banyo para maghilamos ng mukha. Pagkalabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Dessery na umiinom ng gatas habang si Kurt naman ay nagluluto. Umupo na ako roon. Kaharap ko si Dessery. Napatingin ito sa suot ko at napahirap na lang. Ngumisi ako sa kanya kaya naman mas lalong naging mataray ang

