"Gusto ko ng fries," bulong ko sa aking sarili. Nandito kasi ako ngayon sa opisina nang sumupong ang aking tiyan. Nagugutom na. Ilang linggo na simula nangg maging gutumin ako. Kada oras yata ay kumakain ako. Sinara ko ang laptop at tumayo na. "May bibilhin lang ako," sabi ko kay Yvet. "Sige po," sagot niya at tumango sa akin. Naglakad na ako at pumasok sa elevator. May mga malapit na fast food naman dito kaya hindi ako mahihirapang maghanap ng fries. Gusto ko 'yung fries ng isang sikat na fast food. Napatingin ako sa wrist watch ko. Ten palang ng umaga. Pagkababa ko ay agad na akong lumabas ng building. Naglakad lang ako ng kaunti at nakarating na ako. Agad akong nag-order ng large fries tsaka chocolate sundae. Nang makuha ko na ang order ko ay naghanap na ako ng mauupuhan. U

