Chapter One
"She recognized it at once: love, one-way adoration that bounces off, but didn't bounce back; careful, quite love that didn't care but went on anyway" - Celeste Ng, Everything I Never Told You
Something is wrong…
Hairah knew it's already four-thirty in the morning. She didn't need to open her eyes to know she just knew. Her body adapted to her weekday routine. Nevertheless, she opened her eyes, and the digital clock at the table beside her bed says that she's right.
She let out a groan and murmured, "Oh God, I still want to sleep." She abruptly covered her head with the blanket and shut her eyes. She blocked all unnecessary thoughts and tried to sleep, but sleep was nowhere to be found.
At the end, she decided to get up. After she murmured a prayer, she nabbed her devotional book and began reading her today’s log.
“I have the right to do anything,” you say—but not everything is beneficial. “I have the right to do anything”—but I will not be mastered by anything.” Hairah read the verse in her mind, her eyes drifting back and forth to the passage. “I have the right to do anything,” you say—but not everything is beneficial. “I have the right to do anything”—but I will not be mastered by anything,”” she read it again, now in a low voice.
She paused the read it again. She recited it but even when the words came smoothly from her mouth, it sounded lifeless.
Something’s wrong…
She’s about to read the verse once but stopped and breathed out. “Oh God, maybe, I need some fresh air.”
She got up from bed and went to her bathroom to wash up, change her pajama with black loose jogging pants, and a white sweatshirt. Then, grab her pouch and left the room.
It's Saturday morning, at kung masusunod ang sarili, mamaya pa siya babangon. She needed a lot of sleep. Pero tila walang balak makisama ang katawan niya dahil maaga pa rin siyang nagising.
Lumabas siya ng bahay at kinuha ang bike na nakaparada sa maliit nilang garahe. Dahan-dahan niyang binuksan ang kulay dilaw na bakal na gate na halos kasingtaas lang niya at lumabas sakay ng bike. Malamig-lamig pa ang hanging dumadampi sa balat niya nang simulang patakbuhin ito.
Hindi siya athletic o sporty. Hindi rin siya active na jogger pero hilig niya ang pagbibisekleta. Nahahamig ang isip niya kapag nagsisimula na siyang magpaikot-ikot. Walang direksyon. Kung saan lang siya dalahin ng mga gulong ng bisikleta.
Nagpaikot-ikot si Hairah sa kalye ng barangay nila bago lumabas ng highway. Dumaan pa ang ilang minuto at nakadama na siya ng pangangalay ng binti at hita. Sandali siyang tumigil sa gilid ng highway para magpahinga. Bahagyang hinihingal pa rin na pinagmasdan niya ang mangilan-ngilang mga sasakyang dumadaan at mga taong abala na sa kani-kanilang ginagawa. May nagbubukas ng mga tindahan at stalls, may mga nagwawalis sa gilid ng daan, at may ilang may bitbit na brown paper bag. Napangiti siya nang makita ang paper bag na dala ng isang ale.
Sumulyap siya sa relo niya. Quarter to six na. Hindi malayong gising na ang mga kasama niya sa bahay. Sumakay siya sa bisekleta at pinatakbo iyon patungo sa direksyon ng bakery na kahilera lang din ng ibang stalls.
“Hairah! Morning!” malayo pa ay bati ng isang matandang nagjo-jogging.
“Good morning po, Lolo Noy! Kumusta po?” tanong niya habang binabagalan ang pagpapatakbo nang makalapit rito. Kaibigan ito ng mga magulang niya.
“Heto at papalakas pa rin,” biro nito na halos sumungaw ang kokonti ng ngipin dahil sa lapad ng ngiti.
“Maganda po iyan.”
“Kaya nga. Ay siya at mauna na ako. Ikumusta mo na lang ako sa mama at papa mo.”
“Sige po. Ingat!”
Nang makalayo ang matanda ay binilisan niya muli ang pagpapatakbo sa bike.
“Ate Hairah!”
Napalingon siya ng mula sa likod ay grupo naman ng mga binatilyong nagbibisekleta ang tumawag sa kaniya. “Hi!”
“Si Henry po?” tanong ng isa na nakikisabay sa kaniya. Tinutukoy nito ang isa sa kapatid niya.
“Tulog pa nang umalis ako sa bahay.”
“May laro po kami sa isang araw. Hindi na naman nagbabanat ng buto iyon,” sabat ng isa pang binatilyo. Pamilyar sa kaniya ang mga kabataan pero hindi niya maalala ang pangalan ng mga ito.
Ngumiti siya. “Mamaya pang hapon siguro iyon.”
Tumango ang binatilyong kausap niya kanina. “Sige po, ate. Una na kami.”
“Ingat kayo!”
Napangiwi siya habang pinagmamasdan ang mga itong mabilis na nag-pedal at unti-unting lumalaki ang agwat mula sa kaniya. Hindi na niya kaya ang mag-pedal ng ganoon kabilis.
Pumedal siya nang marahan at hinayaang samyuhin ang preskong hangin ng umaga. May ilan pa siyang nakakasalubong na kapwa nagba-bike rin, nagjo-jogging at naglalakad-lakad. Hindi kalakihan ang bayan nila pero simple, tahimik, at halos magkakakilala ang mga tao. Ang barangay nila ay nasa sentro ng bayan kaya naman malapit sila sa mga malalaking tindahan at mangilan-ngilan naglalakihang establisyimento.
Natatanaw na niya ang hilera ng mga stalls kung nasaan ang bakery nang makita ang pagparada ng isang police cruiser sa may kanto ng magkasangang-kalye. Hindi pa man ito tuluyang tumitigil ay ramdam na kaagad niya pagpiksi ng dibdib. Humigpit ang hawak niya sa manibela ng bisikleta kasabay nang mabagal na pag-pedal, nakatuon pa rin ang atensyon sa tumigil na cruiser.
Unintentionally, she pulled a breath in when the cruiser’s door went open.
Two policemen and one policewoman get off the cruiser. Even without looking intently, she could easily recognize them. The first man who got off was Neil Garcia. He's a tall man, has a broad shoulder with naturally tan skin, but more noticeable in his cute boy-next-door demeanor. He was followed by Randy Morales who's in his forties but still looked younger while the policewoman was Honey Morales—Randy's wife. All of them in their GOA blue top, navy blue pants, and field cap.
However, the reason her heart was making somersaults wasn't there. He's nowhere to be seen, yet her heart was acting like this.
Halos pamilyar sa kaniya ang mga pulis sa lugar nila. Lalo pa't palaging may nagroronda sa bawat barangay o kaya ay may naka-duty sa paligid na mga pulis. Hindi mahirap na kilalanin sila, tandaan at hindi mahirap na hindi makita ang lalaking nagpapabilis nang t***k ng puso niya. Unless siguro kung hindi ito naka-duty na lately ay napapansin niyang nangyayari. Matagal-tagal na rin na hindi niya ito nakikita. Busy siya lately sa school at sa orphanage na halos hapong-hapon na kung makauwi. Hindi na dapat niya iniisip ang lalaki pero minsan sulitan talaga ang puso niya.
Pinakalma niya ang sarili at tumingin sa relo. Past six na at kailangan niya nang umuwi kaya binilisan niya ang pag-pedal. Ilang metro na ang layo niya sa grupo ng mga pulis nang matanaw niya ang pagbaba ng isa pang pulis mula sa backseat ng cruiser. Napakurap siya kasabay nang pagbalik ng kaba sa dibdib niya. Wala sa loob na napasulyap siya kay Garcia na nakatingin sa direksyon niya, blangko ang ekspresyon ng mukha.
Nagpatuloy siya sa pag-pedal at bago pa mapigilan ang sarili ay muling ibinalik ang tingin sa lalaking pababa ng cruiser. Dire-diretso ang mga paa niya sa pag-pedal habang hindi rin inaalis ang tingin sa lalaking pababa ng cruiser. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib niya kahit hindi pa tuluyang nakikita ang mukha nito.
Hanggang...
"Elijah..." wala sa loob na naibulong niya nang makababa ito at naglakad palapit sa mga kasamahan.
Ang kaninang mabilis ng kabog ng dibdib niya'y lalong bumilis sa pagtahip. Pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hangin. Bahagyang lumuwag ang hawak niya sa manibela at dahil patuloy ang pag-pedal niya ay patuloy din siya sa pag-andar. Gusto niyang alisin ang tingin mula rito pero hindi niya magawa. May kung anong pwersa na para bang hinihigop ang mga mata niya patungo rito.
Sinubukan niyang kumurap para hamigin ang sarili at nang mapansin niyang lilingon ito sa direksyon niya ay madali siyang nag-iwas nang tingin. Kasabay nang paglayo ng tingin mula rito ay ang pag-alingawngaw ng sunod-sunod na busina. Nanlaki ang mga mata niya nang sa paglingon ay may biglang sumulpot sa gilid na tricycle. Mabilis ang takbo nito na nagmula sa kanang kalye kaya naman mabilis niyang pinisil ang preno ng bike sabay kabig patagilid nito. Ibinaba niya ang kanang paa para mapigil sa patuloy na pag-andar. Nagawa niyang tumigil pero ang tricycle ay nagpatuloy sa pag-andar hanggang sa malagpasan siya.
Kumakabog ang dibdib na nilingon niya ang direksyon kung saan galing at patungo ang tricycle. Napapikit siya kasabay ng pagkawala ng isang buntong-hininga.
Cross roads problems or daze problems? sigaw ng isip niya.
"Oh God," she breathed in.
Nagmulat siya ng mga mata at nagbuga ng hangin sa kawalan bago humandang paandarin muli ang bike. Hindi pa siya nakaka-pedal ay kaagad gumapang ang init sa magkabilang pisngi niya nang makitang nakatingin ang apat na pulis sa kaniya.
Oh no! Ano ba itong ginagawa mo, Hairah? Kung maggagawa niya lang tumakbo at maglaho ay ginawa na niya.
Ang pag-iinit ng pisngi niya ay sinabayan pa ng pagpapawis ng mga palad niya nang maglakad palapit si Officer Honey sa kaniya. Minabuti niyang patakbuhin ang bike upang salubungin ito.
"Okay ka lang?" seryoso pero mahinahon nitong tanong nang makalapit.
"Opo. Nagulat lang ako," nakangiting tugon niya kahit na ang totoo'y hindi niya alam kung paano ito haharapin.
"Sigurado ka?"
"Opo," nahihiyang aniya.
Tiningnan siya nito simula ulo hanggang paa na para bang isa itong scanner at tinitiyak kung may deperensiya ba siya o wala. Nang tila matiyak nitong maayos naman siya ay tumango ito. "Sige. Mag-ingat ka sa susunod," nakangiting paalala nito.
Napaka-genuine ng ngiti nito kaya ginantihan din niya ito ng matamis na ngiti. "Salamat po."
Sandali pa siyang tinitigan nito na tila may gusto pa itong sabihin pero piniling hindi ituloy. Binigyan siya nito ng isang tango bago tumalikod na. Pasimpleng sinulyapan niya ang mga kasama nito na nasa tabi pa rin ng cruiser. Nakatalikod na si Randy habang may kausap sa cellphone, nakataas ang isang sulok ng labi ni Garcia, at walang karea-reaksyon si Elijah Pelaez. Kilala ito sa pagiging palangiti pero nakapagtatakang ganito ang reaksyon nito habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya ito masisisi. Sino bang matinong tao ang matutuwa kung makakasaksi ka ng babaing nakabisikleta na muntik nang mabangga ng tricycle dahil wala sa sarili?
Iniiwas niya na lang ang tingin dito at muling pinatakbo ang bike. Feeling niya'y nag-aapoy sa init ang mukha niya. Nakakahiya ang nangyari. Sobrang nakakahiya!
Dumiretso siya sa bakery para bumili ng tinapay. Mabuti na lang at walang gasino pang tao kaya mabilis siyang nakabili. Pagkalabas niya ng bakery ay tumunog ang cellphone niya. Inilagay niya muna ang tinapay sa basket ng bike bago dali-daling kinuha ang cellphone sa bulsa niya.
Teacher Sandy Calling...
"Yes?" masiglang bungad niya.
"Tuloy tayo mamaya?" tanong nito.
Si Sandy ay isang kaibigan at dating kasamahan sa unang paaralang pinagturuan niya. Nagkayayaan sila noong isang araw na lalabas para magkwentuhan at magkumustahan. Matagal-tagal na rin ang huling bonding nila.
"Oo naman. Anong oras nga pala tayo?"
"Around nine o'clock. Okay lang ba?" anito sa kabilang linya.
"Fine with me.”
"Magre-ready na ako! Tatawagan ko na si Lyra." Dinig niya ang excitement at paghalakhak nito sa kabilang linya.
"Hindi halatang excited ka, ah," nangingiting aniya.
"Ngayon lang naman tayo lalabas uli," pagmamaktol nito.
Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang naka-pout na naman ito.
"Sige na at mag-beauty rest ka muna."
"Okay. See you later!"
"See yah!"
Napapailing na ibinalik niya ang cellphone sa bulsa. Kinuha niya ang bike at akmang sasakay nang mapalingon siya sa pinanggalingan kanina. And there he was, staring at her direction.
Is it her, or she's just imagining things?
*****
"Ang dami talagang kaartehan ng mga tao ngayon lalo nang mga kabataan. Kung ano na lang mai-post," dinig ni Hairah na komento ni Sandy.
Kasalukuyang kumakain sina Hairah kasama ang dalawang kaibigan sa Chowking. Biyahe sila at dahil halos naipit sila sa traffic ay kainan ang unang hinanap sa mall. Nangangalahati na siya at si Lyra sa kinakain, pero si Sandy ay halos hindi pa nagagalaw ang pagkain niya.
"Tsk. Kakain ka ba o magpe-f*******: ka na lang diyan?" nakaismid na tanong ni Lyra.
"Wait lang kasi. May hinahanap ako. Kasi naman ang dami-daming pakalat-kalat dito sa newsfeed ko na wala namang sense." Hindi pa rin tumitigil sa pag-scroll sa screen ng cellphone niya si Sandy.
“Ibaba mo na lang iyang cellphone mo at mamaya mo na lang hanapin,” suhestiyon niya.
"Tanungin mo kung f*******: ba talaga o may hinihintay siyang chat na hindi na dumating," may halong pang-aasar na usisa ni Lyra.
Nagpatuloy sa pagkain siya habang nakatingin sa dalawang kaibigan. Nakangisi si Lyra habang si Sandy ay nagsisimula nang umasim ang mukha. Hindi naman kaila sa kanilang dalawa na kaya maagang nag-ayang umalis si Sandy ay hindi lang sa dahil matagal na silang hindi nakakalabas kundi dahil gusto rin nitong mag-aliw man lamang. Kasalukuyang nasa komplikadong estado ang relasyon nito ng boyfriend.
"Bitawan mo na lang 'yang cellphone mo't kumain ka. Hindi magandang nagce-cellphone habang kumakain. Sige ka, hindi ka matutunawan," pilit niyang iniiwas muna doon ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Last na," pahabol ni Sandy.
Nagkatinginan sila ni Lyra at nagkibit-balikat na lang. Ilang segundo pa't tila sumuko na rin si Sandy dahil akmang ibababa na nito ang cellphone na hindi naman natuloy dahil biglang natigilan ito habang nakatingin sa cellphone.
"Oh my…" Namimilog ang mga matang nakatingin ito sa cellphone.
Nakuha nito ang atensiyon niya pero hindi ito pinansin ni Lyra at nagpatuloy sa pagkain.
"Mamaya na kasi iyan," saway niya.
"Hindi. Kasi tingnan ninyo... Hindi ko alam na..." Ang kaninang malakas nitong tinig ay unti-unting humina.
"Ano ba iyan?" Hindi na nakatiis na tanong ni Lyra at sumilip sa cellphone ni Sandy.
Walang imik niyang tinitigan ang mga kaibigan habang sumusubo. Sanay na siya sa mga kaibigan, mula sa kilos at gawi. Palaging habol kung anong trending, kabaligtaran naman niyang halos amagin ang f*******:.
Noong una’y walang salitang nakatingin si Lyra sa cellphone ni Sandy. Ngunit wala pang ilang segundo ay nanlaki ang mga mata nito at nang tila hindi na nakatiis ay inagaw na ang cellphone mula kay Sandy at nag-scroll.
Inabot niya ang baso ng tubig at sumimsim habang minamasdan ang reaksyon ni Lyra. Mula sa pagka-poker face ay napaltan iyon ng mangha, gulat at pagkaraan ay malungkot na tumingin sa kaniya. Nagsisimula nang bumangon ang kuryosidad niya dahil sa inaasta ng dalawa.
"Hmm?" Nagtatanong ang reaksyon niya habang umiinom.
"Girl, ikinasal na pala Pelaez," hindi makapaniwalang anunsiyo ni Lyra sa kaniya.
Ang kaninang mabagal niyang paglagok ng tubig ay naging sunod-sunod na naging dahilan para magkangsasamid siya. Pakiramdam niya ay pinasok ng napakaraming tubig ang lalamunan niya pati ang ilong, hindi mapigilan ang sariling nagkang-uubo siya.
"Hairah!" Mabilis siyang dinaluhan ng dalawa.
"Sinabi ng 'wag mag-gadgets habang kumakain." Nagbibiro si Lyra pero dama niya ang pag-aalala sa tinig nito habang hinahaplos ang likod niya.
"Relax, girl," pagpapakalma ni Sandy bago inabutan siya ng tissue.
Inabot niya iyon bago ipinunas sa bibig at ilong.
"Water?" pag-aalok ni Sandy.
Itinaas niya ang kamay na tila nagsasabing wait. Huminga siya nang malalim para maalis ang munti pang tila bikig sa lalamunan bago inabot ang tubig at dahan-dahang lumagok. Medyo sumakit ang lalamunan niya pero hindi niya alintana iyon. May kung anong mas masakit sa kaniya sa mga oras na iyon.
"I’m fine," she whispered.
“Are you sure?" Nag-aalangang tanong ni Lyra.
"Kung alam ko lang na magugulat ka sana mamaya ko na lang ipinakita," apologetic na ani Sandy. Ibinaba na nito ang cellphone sa ibabaw ng mesa.
"No. Ako naman ang nagsabi, so I think it's my fault." Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ni Lyra habang hinahaplos pa rin siya sa likod. Umabot ito ng baso at uminom din na para bang uhaw na uhaw ito.
Tiningnan niya ang mga ito na tila nawala ang sigla sa mga mukha. She sighed, and put down the glass that she's holding. "Tumigil nga kayo. Wala namang may kasalanan. Isa pa, ano ba kung ikinasal na si Elijah? Hindi ba dapat ay magsaya tayo?" Sinubukan niyang ngumiti kahit ang totoo sa loob ng dibdib niya ay parang may sandamakmak na karayom na tumutusok.
Hindi masarap sa pakiramdam at hindi niya dapat maramdaman iyon.
Oh God, why it felt like this?
"Lokohin mo ang sarili mo pero hindi kami," seryosong banat ni Lyra.
"Lyra..." pagpipigil ni Sandy kay Lyra.
"Alam naman nating matagal nang may gusto si Hairah sa kaniya. It's been years."
Hindi siya nagsalita, nagkomento, o itinama ang sinabi ng kaibigan. Totoo naman ang sinasabi nito. Ilang taon niya ng gusto si Elijah. Limang taon na ang nakakaraan ng makilala niya ito. No, mas tama marahil na nakita niya ito. Hindi naman kasi siya kilala ni Elijah, kahit hanggang ngayon ay hindi siya nito kilala. Marahil alam nito na may katulad niya, pero kahit kailan ay wala nang pag-asa ang kahit maging magkaibigan sila.
"Infatuation lang iyon, Lyra," pagpapaliwanag niya.
"Infatuation? Sa loob ng apat na taon, matatawag pa rin ba iyong infatuation?" sarkastikong tanong ni Lyra.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa pagkain na nasa harap niya. Hindi rin niya alam kung ano nga bang dapat itawag dito. Ngunit kahit ano pang gawin nila, wala na silang maggagawa. Kasal na si Elijah at ang anumang pinagsama ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalayin. Simula pa lang noon, masaya na siyang natatanaw ito. At simula nang malaman niyang may kasintahan ito, nasiyahan na lang siyang nakikita itong masaya. Nirendahan niya ang isip sa katotohanan na may kasintahan na ito pero tila hindi niya narendahan ang puso.
"Ano ka ba, Lyra? Iyong iba nga'y inaabot ng seven years na inlababu tapos kapag na-meet na nila yung destiny nila in one click ay nawawala 'yung feelings na meron sila." Pagsasalo ni Sandy sa kaniya, and thanks to her dahil may point ito sa part na 'yon.
Sinulyapan niya si Lyra pero mukhang hindi pa rin ito kumbinsido.
"Ano ba kayo? Bahala na ang Lord sa love life ko. Malay ninyo, malapit na siyang dumating. Laging doon tayo kung saan ang leading Niya," pilit na pinasigla ang tinig na pahayag niya.
Nagkatinginan silang dalawa bago ibinalik ang tingin sa kaniya.
"Tsaka, bakit parang mas sineseryoso niyo pa 'yong feelings ko? Matagal ko nang tanggap lahat. Simula pa lang ng malaman kong may girlfriend siya." Masakit, pero hindi niya pwedeng ipakitang nasasaktan siya. Sa halip, kinuha niya ang halo-halo na inorder. "Buti pa kumain na tayo. Narito tayo para mag-enjoy," dugtong pa niya sabay subo ng toppings na ice cream.
Hindi man siya nakatingin ay alam niyang hindi kumbisido ang dalawa.
"Mabuti pa’y kumain na tayo at tiyak mahaba pa ang pila sa bilihan ng ticket," susog ni Sandy at inabot ang hindi pa nagagalaw na pagkain.
"Yep. Gusto ko ng magandang pwesto sa sinehan," dagdag naman ni Lyra at inabot ang sariling halo-halo.
“Ako rin,” nakapaskil pa rin ang pilit na ngiti sa labi niya.
Siguro mas mabuti na 'yong ganito. God knows what I feel for him pero kung magiging mali na, hindi ba mas dapat tumigil na? Dapat noong una pa lang tumigil na siya…
*****