"They are darkened in their understanding and separated from the life of God because of the ignorance that is in them due to the hardening of their hearts." - Ephesians 4:18 NIV Dilim na nang makauwi si Elijah. Hindi siya sa station dumiretso, tumigil pa siya sa kung bago umuwi sa bahay. Malayo pa siya'y tanaw niya na ang kaibigan na tila kanina pa naghihintay sa kaniya. Nakaupo si Neil sa motor nito habang nakahalukipkip. Halata sa mukha nito at sa salubong na kilay na kanina pa ito naghihintay. Kung sa ibang pagkakataon, baka matawa siya sa hitsura nito pero wala siyang lakas kahit ang ngumiti man lang. Tumayo ito nang makita siya. Inabot nito ang malaking paper bag na nakasabit sa motor. Hindi pa ma'y tila alam na niya kung ano iyon. "Naabutan mo siya pero hindi na siya nagpapigil pa

