"When pain paid a visit, it wouldn't ask who and what kind of person you are. It would just enter even without being asked." – Sej
"Pag-asa'y magliliwanag,
Ang pag-ibig ng Diyos,
Sisinag sa lahat…”
Masayang nakikanta sina Hairah at ang iba pang guro sa mga bata sa last part ng program ng kanilang Christmas Party.
"Love, love, love..."
Sa huling lyrics ay sabay-sabay silang naghawak-kamay at malakas na nagsabing, "Jesus’ Birthday is Coming! Merry Christmas!"
Nang matapos ang program ay sama-sama at masayang kumain ang lahat. Ang mga bata, magulang, guardians, guro, school head, at kahit ang mga staff ng school ay sama-samang dumulog sa buffet table na inihanda ng buong samahan ng mga parents and teachers.
"Teacher Hairah, Merry Christmas po." Napalingon si Hairah sa isa sa mga estudyante niya na inabutan siya ng regalo.
"Thank you, Josh," nakangiting pasasalamat niya. "Heto naman ang gift ni teacher." Inabot niya ang munting regalo na inihanda niya para sa mga bata niya.
“Thank you, teacher!” Hindi magkamayaw ang saya nito na kaagad lumapit sa mga kaklase. Ilang sandali pa'y naglapitan na rin sa kaniya ang iba pang kaklase nito.
Bago tuluyang matapos ang araw ay hindi mabilang na Merry Christmas, salamat at goodbye ang inubos nila sa isa't isa. Next year na ulit sila magkikita-kita. Ilang linggo rin ang daraan na hindi niya makikita ang mga bata. At kahit aminado siyang makakapagpahinga siya kahit konti sa mga kakulitan ng mga ito, tiyak mami-miss niya pa rin ang mga babies niya.
*****
"Naku, Hairah, may nakalagay na Road Closed sign. Hindi makakaraan ang sasakyan," anunsiyo ni Benjie, isa sa staff ng school at kasalukuyang nagda-drive ng van na sinasakyan nila.
"Okay lang po. Sabi ko naman po sa inyo kahit sa kanto na lang ako," aniya kay Benjie.
"Gabi na rin kasi, Hairah," wika ni Jhel.
"Nag-enjoy tayo masiyado kaya hayan inabot na tayo ng gabi," sabat naman ni Raelyn na humihikab na.
Pagkatapos ng buong program at nang makapag-alisan ang mga bata at mga magulang ay nagligpit na sila. Napagdesisyunan nilang tapusin ang araw sa tabing-dagat. Naligo sila, kumain, at hindi nawala ang malakas na kwentuhan at tawanan kaya naman sobrang pagod na pagod sila.
"Ano kayang meron doon?" sabat ni Benjie habang patuloy sa pagmamaniyobra ng van para umikot at maghanap ng pwedeng paradahan. Lumingon sila sa direksyon na tinitingnan ni Benjie kanina.
"Hindi kaya delikado diyan dumaan?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Sales.
"Ihatid ka na lang namin hanggang sa may gate ninyo," alok naman ni Laila.
"Naku, hindi na, gagabihin lalo kayo," sansala niya. "Okay lang po iyan, magpapasundo na lang ako," pagpapakalma niya sa mga kasama habang inihahanda ang mga gamit. "Nag-text na rin ako kay Henry.”
“Are you sure?” tanong ni Mrs. Sales.
“Opo. Thank you sa inyo.”
Bumaba na siya ng van. Hinintay niyang makalayo ang mga ito bago nagsimulang maglakad. Sasalubungin na lang niya si Henry sa daan.
Lumiko siya at ang unang sumalubong sa kaniya ang nakakasilaw na kulay pula at asul na ilaw ng police cruiser. Hindi na bago ito sa kaniya kaya dire-diretso siya sa paglalakad. Bukod roon, hindi rin kalayuan sa cruiser ay may natanaw siyang mga taong nag-uusyuso.
“Gabi na, ah," wala sa loob na usal niya.
Malapit na siya sa pumpon ng mga tao ay tsaka niya lang nakita na hinarangan ang kalahati ng daan. Tumigil siya sa paglalakad.
"Ano bang meron?" kinakabahan niyang tanong sa sarili.
"Gabi na, ma'am." Halos lumundag sa gulat si Hairah nang bigla na lang may magsalita mula sa likuran niya.
Kunot-noong lumingon si Hairah sa nagsalita at sumalubong sa kaniya ang seryosong mukha ni Garcia. Napalis ang kunot niya nang mapagtantong seryoso nga ito.
"M-magandang gabi po," bati niya sa kawalan ng masasabi.
"Magandang gabi rin.” Nabawasan ang pagkaseryoso nito nang matitigan siya.
Hindi niya maiwasang mapangiwi. Feeling niya ay ang awkward.
"Neil!"
Sabay silang lumingon sa likuran nito kung saan nanggaling ang tinig.
"Ikaw pala, Elijah.”
Awtomatikong umalerto ang buo niyang sistema pagkarinig ng pangalan nito. Nais na niyang humakbang palayo sa dalawang lalaki pero tila napako ang mga paa niya sa lupa. Hindi niya maalis ang mga mata kay Elijah na palapit sa kanila. Lumipat ang tingin ni Elijah mula kay Garcia papunta sa kaniya. Seryoso ang mukha nito noong una ngunit nang makita siya'y bahagyang gumaan ang pagkakakunot ng noo nito at nasundan ng isang mabilis na pasada mula ulo hanggang paa niya.
"Oh, bakit? Babalik na tayo station?" tanong ni Garcia dito.
Sinulyapan lang ito ni Elijah bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Hindi pa. Sina Bernard muna ang babalik at kailangang mapaalis muna ang mga tao dito," sagot nito kay Garcia habang nakatingin sa kaniya. "Ginabi ka na." Bumalik ang pagiging seryoso nito at tingin niya ay para sa kaniya ang huling tatlong salitang binigkas nito.
"Sabi ko nga." Nangingiti at nakapamulsang saad ni Garcia bago siya naman ang binalingan.
Napakunot-noo siya. Bakit feeling niya ay kinakastigo siya ng mga ito? Tsaka kailan pa tila naging close sila?
Relax, Hairah! Mga pulis sila at obligasyon nilang siguraduhin ang seguridad ng bawat mamamayan sa bayan nila.
"Ahmm. Sige, mauna na ako sa inyo," pamamaalam niya sa mga ito dahil pakiramdam niya'y nagiging awkward na ang paligid.
Hindi pa siya nakakailang hakbang nang may maalalang itanong kaya ibinalik niya ang atensiyon sa dalawa. Nahuli niyang nagkatinginan ang dalawa.
"Okay lang namang makiraan dito, mga Sir?" Nilangkapan niya pa nang paggalang ang pagtatanong.
Nagkatinginan muli ang dalawa bago tumingin sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapakunot-noo. Bakit ba sila ganoon?
"Walang problema." Si Elijah ang unang sumagot sa tanong niya.
"Sumabay ka na dito kay Elijah," nakangiting alok ni Garcia.
Tiningnan niya si Elijah at tinanguan siya nito bago nagsimula nang maglakad palapit sa kaniya.
"Neil, ikaw na magsabi kina Bernard," pahabol pa ni Elijah. "Halika na, ma'am," baling naman nito sa kaniya.
Ma'am? Saan nanggaling iyon?
Magkasunod silang naglakad ni Elijah, nasa unahan ito at nasa likod siya. Si Garcia naman ay lumapit sa ibang kasamahan hanggang nawala na ito sa paningin niya.
Tahimik silang naglalakad nang biglang tumigil si Elijah. Tumigil din siya. Nakapamulsang nilingon siya nito. Kinailangan niyang pigilin ang sarili na huwag mapasinghap dahil kahit sa gabi lumilitaw ang kagwapuhan nito. Kahit saang anggulo man ito tingnan, lalaking-lalaki ito kapag nakasuot ng uniporme.
"Bakit ka riyan naglalakad?" takang tanong nito sa kaniya.
"Huh?" Naguguluhan siya. Ano daw?
Hindi ito sumagot at nagkibit-balikat na lang. Bumalik ito sa paglalakad ngunit mas mabagal hanggang magkasabay na silang dalawa.
"Ano bang nangyari dito?" Hindi siya makatiis na magtanong nang mapalapit sila sa grupo ng kapwa pulis nito at ilang lalaking sa tingin niya ay mga imbestigador. Isa pa, hindi rin niya matiis ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Pwede bang ‘wag mo na akong tawaging Sir? Elijah na lang," sa halip ay tanong nito.
Nang lingunin niya ito ay diretso ang tingin nito sa daan. Gusto niyang magsalita pero pakiramdam niya ay may nakabara sa lalamunan niya. Wala sa hinagap na mangyayaring magkakasabay silang maglakad ni Elijah. Hindi na mahalaga kung sa tabi ng crime scene o kung saan. Hindi na rin importante kung anong tingin nito sa kaniya. Nakuntento nga siya nang ilang taon na pinagmamasdan lang ito sa malayo. Ngayong tuluyan na itong nakatali sa ibang babae, masaya na siya sa kung nasaan siya.
"Pwede ba?" untag nito sa kaniya nang hindi siya nagsasalita.
"Pwede naman kung hindi mo na rin ako tatawaging ma'am o miss," nakangiti niyang sagot.
Lumapad ang ngiti. "First name basis," amused na usal nito.
"Just call me Hairah, and I'll call you Elijah."
"Fine with me.”
Hindi niya maiwasang matawa sa nagiging takbo ng usapan nila. Marahil totoong hindi na mahalaga kung gaano ka-lame nang pinag-uusapan ninyo kung ang kausap mo naman ay importanteng tao sa buhay mo.
"So, ano nga palang nangyari dito?" ulit niya sa tanong kanina.
"May gulong nangyari kanina. Hindi maganda ang kinalabasan at hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa."
Napakagat-labi siya dahil hindi pa man ay may kung ano nang tumatakbo sa isip niya.
"Kaya iwasan mo nang umuwi ng gabi."
"Salamat. Tatandaan ko iyan." Sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang kapatid na lalaki na padating. "Ayun na ang sundo ko. Salamat uli." Binalingan niya ito at binigyan ng ngiti. "Keep safe and..." Tinitigan niya ito. Kahit nakangiti ito, alam niyang hanggang ngayon ay may dinadala pa rin itong lungkot. "Keep on believing in Him."
"Yeah." He let out a sighed. "I hope, I have a faith just like yours," he continued as he stared at her.
Masuyo niya itong tiningnan at sa ilang segundo parang nakita niya ang dating sarili rito. "Don't worry. Walang matigas at malaking kahoy na bigla na lang tumubo. Lahat nagsisimula sa maliit at payak na bagay. Just learn to trust while you're on the process of growing." Sinulyapan niya ang kapatid na palapit na. "Well, bye na."
"Bye, Hairah."
Pinili niyang bigyan na lang ito ng munting kaway. Tumalikod na siya at naglakad patungo sa kapatid. Habang naglalakad ay nagpaskil siya nang munting ngiti. May mga salita siyang gustong sabihin dito pero hindi niya magawa.
Hindi niya kaya...
Hindi pwede...
May sumisibol na takot sa puso niya, takot na lumalim ang lahat nang nararamdaman niya para sa lalaki. Ngunit sa t'wing nakikita niya itong nahihirapan, nalilimutan niya ang nararamdaman para rito. Ang gusto niya lang ay mapagaan ang bigat na nararamdaman nito.
And, she has to trust God while she is in the process...
*****
One week later…
Mabagal ang pagpapatakbo ni Elijah sa motor. Ilang bahay na lang at sasapitin na ang bahay nilang mag-asawa nang biglang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa. Hindi na siya nag-abala pang kunin iyon para sagutin. Ilang sandali lang ay tumigil na rin iyon sa pagri-ring.
When Elijah reached the front of their big two-story house, the tall black steel gate was widely open. He roamed his eyes from the brisk charcoal gray roof to the soothing pearl river-colored clapboard-like walls. He scanned the small balcony at the second floor. It was empty. The glass sliding door and arch-sliding windows were still closed.
Elijah entered the gate, his eyes glanced to one of his favorite spot of the house—their wide white dove-colored paint porch beside the house seemed to call him to relax on one of the loveseats beside the small wooden coffee table.
He shook his head and traced the lane made up of bricks. They also had a wide lawn that was covered of trimmed green grass and some flowery plants that his mother planted for them. Yannie loved flowers, but didn’t have a heart for planting. She more likely loved to buy good furnitures at home than to plant. It took years before the house was finished. However, it was worth it for the big family he was hoping.
The family he was hoping…
Pinalis niya ang anumang isipin at ipinasok ang motor sa garahe. Sumalubong sa mga mata niya ang pamilyar na sasakyan. Nang maiparada sa tabi nito ang motorsiklo ay naghubad na siya ng helmet.
"Love! Sabi ko na nga ba't andito ka na," masiglang bungad ni Yannie na lumabas mula sa side door ng bahay. Maagap itong naglakad patungo sa kaniya. Kabababa pa lang niya ng motor ay dagli itong yumakap.
Oh, he misses his wife so much, bulong ng isip niya habang gumaganti ng yakap. Isang araw at kalahati pa lang silang hindi nagkita ay na-miss niya na ito ng sobra.
"I miss you, love," malambing niyang saad bago hinalikan ito sa noo.
"I miss you, too," malawak ang ngiting tumingala ito sa kaniya. "Andiyan nga pala sina mommy at daddy. Bumisita sila para kumustahin tayo."
Mag-iisang lingo na niyang napapansin ang pagbabalik ng sigla nito. Kamakalawa, nagpunta sila sa doktor nito at mukhang maayos namang nagre-react ang katawan nito sa mga gamot na binigay ng doktor. Isang magandang senyales na babalik na ang dating lakas nito.
"Let's get inside para makapagkwentuhan na kami."
"Pasensiya ka na ha? Alam kong pagod ka at mas gusto mong magpahinga," naging malumanay ang tinig nito habang nakayakap pa rin sa kaniya.
Malambing niya itong nginitian. "Love, okay lang sa'kin. Isa pa, alam kong sabik na sabik na kayong makita ang isa't isa."
Nakalabing tumango-tango ito. "Oo, lagi kasi silang busy, eh. Kung hindi pa nagkaganito, hindi pa sila dadalaw."
Awtomatiko ang pagkirot ng dibdib niya sa sinabi ng asawa. Alam niyang may pagkakataong sumasama ang loob nito dahil sa sobrang pagiging abala ng mga magulang nito sa trabaho.
"Love, kahit abala sila sa trabaho, nag-aalala rin sila sa'yo at mahal ka nila."
She heaved a sighed. "I know..."
He flicked her nose and grinned at her. "Halika na nga at 'wag na natin silang paghintayin."
Nawala kaagad ang paglungkot nito at magkahawak kamay silang pumasok ng bahay.
*****
"Kami na dito, Eli. Mabuti pa puntahan mo sa labas ang daddy ninyo," magiliw na saad ng biyenan niya.
"Oo nga, love, baka mainip 'yun at umalis bigla," pagbibiro ni Yannie.
Kinindatan niya ito bilang tugon at nagsimula nang lumabas ng kusina. Magkatulong na naghuhugas ng mga pinggan si Yannie at ang mommy nito, at kahit papalayo na siya sa mga ito ay dinig niya pa rin ang tawanan ng mga ito. Minsan lang mangyari ang ganitong pagkakataon at ngayon niya lang muli nakitang masigla si Yannie.
Parehas pulis ang mga magulang ni Yannie. Ang ina nito na si Merced Alvarez ay ilang taon na ring pulis na nakadestino ilang bayan mula sa lugar nila samantalang deputy naman ang ama nito na si Danilo Alvarez. Kapwa busy ang dalawa kaya naman miminsan lang magka-oras sa dalawang anak. Bunso si Yannie kaya naman bigay lahat dito ng nais nito. Ang panganay nitong kapatid na lalaki ay pumasok naman sa Army.
Independent si Yannie at piniling bumukod nang maaga sa mga magulang. Nang magkakilala sila noong sa kolehiyo ay nagbo-board na ito at mas madalas na kasama ang mga kaibigan. Bumibisita ito paminsan-minsan sa mga magulang o lumalabas kasama ang kapatid nito. Nang maging magkasintahan sila ay at na-promote ang mga magulang nito ay lalong naging madalang ang pagkikita ng pamilya.
Dumalas lang ang pagkikita nina Yannie at ng mga magulang nito ng maging mag-asawa sila at nagkasunod-sunod ang dagok sa buhay nila.
Paglabas niya ng bahay ay naabutan niyang nakatayo ang biyenang lalaki sa gitna ng lawn at nakatanaw sa malayo. Naramdaman marahil nito ang presensiya niya kaya lumingon ito sa kaniya.
"Elijah," tawag nito sa kaniya.
Lumapit siya rito. Ilang taon na silang magkasintahan ni Yannie at ilang buwan na silang kasal pero may pagkakataong naiilang pa rin siya sa biyenan.
"Kumusta po?" pagbubukas-usapan niya.
"Ganoon pa rin. May magbabago pa ba sa mga katulad natin?" sagot nito bago naglabas ng sigarilyo mula sa bulsa. Nilaro-laro nito iyon sa daliri pero hindi sinindihan. "Maiba ako, kayo ni Yannie kumusta?" naging seryoso ang mukha nito.
"Okay lang po kami ni Yannie. Kinakaya pa ang lahat." Pilit niyang pinalakas ang tinig kahit na ang totoo ay tila ayaw lumabas ng boses niya dahil sa bigat na biglang dumagan sa dibdib niya. Hindi niya maiwasang manghina bigla lalo na at kung si Yannie ang pinag-uusapan.
"Alam kong hindi madali ang pinagdaraanan ni'yo ng anak ko. Simula noong magkasintahan pa lang kayo alagang-alaga mo na si Yannie. Lagi mo siyang inuunawa at inaalagaan. At ngayon..." Tumigil ito sandali sa pagsasalita bago tumingala.
Nauunawaan niya ang nararamdaman nito dahil ganoon din ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang naghihirap ang asawa.
"Matapang po si Yannie at alam kong pilit siyang lumalaban. Kinakaya niya ang lahat para sa sarili niya, sa amin at para na rin po sa inyo." At totoo lahat iyon dahil kung ibang babae ang dumaraan nang pinagdaraanan nito ngayon ay baka bumigay na ito.
"Tumatapang siya dahil hindi mo siya pinababayaan, Elijah. Ginagawa mo ang lahat para hindi siya panghinaan ng loob at mawalan ng lakas. Nawalan ka rin at alam kong hindi madali ang bumangon mula sa lahat... Pero nananatili kang matatag..." Sandali itong tumigil sa pagsasalita at huminga nang malalim bago nagpatuloy. "Kaya labis kaming nagpapasalamat sa’yo. Salamat sa pag-aalaga mo kay Yannie... Lalo na ngayon..." Humina nang humina ang tinig ng biyenan niya habang nagsasalita at batid niyang nababawasan rin ang tapang nito.
Kilala sa pagiging istrikto at matapang na pulis ang tatay ni Yannie. Ngunit, kahit sino atang matapang at malakas na ama ay panghihinaan ng loob kapag ang mahal nitong anak ay nasasaktan at nahihirapan, at wala itong magawa.
Alam niya ang pakiramdam nito.
Ang pakiramdam ng isang ama na takot mawala ang anak.
Alam niya, kahit sandaling panahon niya lang naranasan iyon.
"Tungkulin ko pong alagaan si Yannie at mahal na mahal ko po siya. Hinding-hindi ko siya pababayaan at iiwan. Kahit na ano pang mangyari,” determinadong wika niya sa biyenan.
Kita niya ang naging ngiti nito sa kabila ng sakit na bumalatay sa mga mata nito.
"Salamat, Elijah. May tiwala ako sa iyo." Nagulat na lang siya ng bahagya itong lumapit ito sa kaniya at niyakap siya. "Salamat, anak," usal nito at tinapik-tapik ang balikat niya.
Tumango siya at tumitig sa maberdeng d**o. Sana lang matapos na lahat ito.
*****