“God’s work done in God’s way will never lack God’s supply.” Hudson Taylor "Alam ni Job na nagkamali siya nang kwestyunin niya ang Diyos kaya naman nanalangin siya, humingi ng tawad, at nagsisi dahil nabulag siya nang sakit at paghihirap. Hindi niya nakita na..." Nanatili si Elijah sa may pinto ng classroom ng orphanage. Nasa loob ng classroom si Hairah at patuloy na nagkukwento sa mga bata ng buhay ni Job, ang lalaking tapat na naglilingkod sa Diyos pero dumanas nang sunod-sunod na paghihirap. Umalis si Elijah sa kinatatayuan at naglakad palayo habang iniisip kung gaano kasaklap ang sinapit ni Job sa kabila nang labis nitong paglilingkod sa Diyos. Mayaman itong tao, maraming anak, at masaya ang buhay, ngunit sa isang iglap ay naglaho lahat iyon. Nawalan ito ng mga ari-arian, namatay n

