"For I am the Lord your God who takes hold of your right hand and says to you, do not fear; I will help you." - Isaiah 1:13 NIV "Wow!" "Ang laki!" "Ang ganda!" "Sinong kasama mo ditong nakatira, Elijah?" tanong ni Sister Deborah sa kaniya habang nakatingin sa mga batang manghang nakatitig sa bahay niya. "Mag-isa lang po ako," tugon niya at binuksan ang gate para makapasok sila. "Napakalaking bahay nito para sa mag-isang tao lang," may nakikisimpatyang komento nito. Sa ilang beses niyang pagsama kina Hairah sa bahay-ampunan hindi lihim sa mga madre ang mga nangyari sa kaniya. "Pasok na po kayo," aya niya at iminuwestrang pumasok na sila. Sa utos ng mga madre, nakapilang pumasok ang mga bata. Halos thirty ang mga bata na nakatira sa orphanage pero gaya ng sinabi nila ay malaki ang ba

