“The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.” Psalm 34:18
“Elijah,” Hairah whispered.
“Perhaps, we should eat first,” Elijah suddenly said when the waiter came with their order.
Nag-iba na rin ang mood nito na tila ba wala talaga itong balak pag-usapan ang kung anumang nasa isip.
Nag-aalinlangan man, sumang-ayon siya. “Okay.”
Ibinaba ng waiter ang order nilang Sweet and Spicy Chicken Burger, large order ng Spicy Cheese fries, onion rings, at ice tea.
“Thank you,” aniya sa waiter. Tinanguan sila nito at umalis na.
“Let’s eat,” alok ni Elijah.
“You’re making me uneasy,” Hairah whispered, her eyes were on the fries.
Napapansin ni Hairah na mas nagiging palagay ang loob niya kay Elijah at hindi rin nakakalingat sa kaniya na masiyado siyang nagiging honest dito. She couldn’t help it. Masiyadong malakas ang hatak sa kaniya ni Elijah. May bumubulong sa utak ni Hairah na kailangan niyang kontrolin ang sarili pero mas malakas ang bulong na pagbigyan ang sarili, kahit ngayon lang.
“I’m sorry.”
Lumipad ang mga tingin ni Hairah patungo kay Elijah at sa hindi mabilang na pagkakataon ay nakita na naman niya ang lungkot at sakit sa mga mata nito.
“Sige, kumain na lang muna tayo,” aya ni Hairah sa pinasiglang tinig bago kumuha ng fries at sumubo. Itinuon niya ang pansin sa pagkain kaya hindi na napansin na nagbago ang tingin ni Elijah sa kaniya.
“Yeah,” she heard him said, but Hairah focused not just in eating, but in pretending that she wasn’t hurting.
*****
Hairah found out that it’s easy to make Elijah laugh and smile, but the knowledge that Elijah was a great talker, easy-to-go with, not to mention he’s sweet and thoughtful in his simple way, and a heavy eater were a big news to her. Kilala sa bayan nila ang likas na kabaitan nito. There’s a time na laman ito ng mga usapan sa bayan nila. Pero, sa tagal ng panahong hinahangaan at pinagmamasdan ni Hairah ang lalaki sa malayo ay hindi man lang pumasok sa hinagap niya na magkakaroon sila ng pagkakataong magkwentuhan at tumawa habang sabay na kumakain.
Wala pang isang oras ay marami na siyang nalaman dito. Isang malaking impormasyon din sa kaniya na malaman na nanay pala nito ang isa sa mga nagse-serve sa simbahan, na isa ring mananahi habang ang tatay nito ay isang contract carpenter. Proud na proud ito habang nagkukwento tungkol sa ama't ina nito. Proud din itong sabihing kahit medyo nahirapang pagtapusin si Elijah sa pagpupulis ay hindi ito sinukuan ng ama't ina.
Nagtanong din ito sa kaniya at magaan ang loob na nagkwento siya. Palabiro din ito at dahil iyon ang unang beses niyang nakakwentuhan ito nang hindi ito umiiyak at malungkot, hindi maipaliwanag ni Hairah ang saya sa puso niya. Masaya siyang makita itong tumatawa at masigla, pero mas mapapalagay ang loob niya kung matuto itong magtiwala muli.
Ngunit ang lahat ng bagay ay may tamang panahon at hindi hawak ni Hairah ang puso ng lalaki.
“Naalala ko lang, nabanggit mong muntik nang nawala ang papa mo. What happened?” tanong ni Elijah pagkatapos uminom ng ice tea.
Itinabi ni Hairah ang bread knife at tinidor sa gilid ng plato at umabot ng tissue bago nag-angat nang mga mata kay Elijah.
“Accident,” she simply answered. May pamilyar na kirot sa puso ni Hairah kapag naaalala ang nangyari sa ama at sa namatay na kapatid pero hindi na sapat ang kirot para panghinaan siya ng loob. Ilang taon niyang dinala ang sakit sa dibdib nang nangyari at hindi rin naging madali ang lumimot at magpatawad.
“Car? How?” Elijah inquired, not being nosy but with a genuine look in his face.
“May dumarating na truck at sa sobrang bilis nang pangyayari…” Hindi magawang ituloy ni Hairah ang sasabihin. Hindi niya alam kung paanong sasabihin na she almost lost her father, and lost her youngest sister because of her. “I’m—”
“No, it's fine,” Elijah butted in. “Nauunawaan ko kung hindi madaling balikan at pag-usapan.”
Pinagmasdan ni Hairah ang lalaki. “It’s a fight you must win. Well, not just by yourself.” Kalmado at tahimik na wika niya kay Elijah sa pagnanais na iparating na handa siyang mag-open para dito.
“You’re being nice and concern, even though you barely know me,” he whispered quietly.
“Yeah, we’re barely knew each other,” Hairah said between sad smile. “Though, we're always being…”
… collided…
Gusto niyang idugtong iyon pero ayaw niyang bigyan nang ibang ibig sabihin iyon kaya nagkibit-balikat na lang siya.
“I owe you explanation, Hairah.” Elijah’s voice gone quite and Hairah knew it’s the time for talking.
“Be my guest.”
Elijah’s eyes glowered at her, and Hairah knew he was examining her, watching her every move and every flick of reaction that she would give when he laid his words.
“Eli—”
“Yannie found out that we’re seeing each other,” he said quickly.
At his words, her body jolted from her seat. Elijah’s body straightened as if he’s getting ready to stop Hairah, if Hairah was going to run away.
But, Hairah’s mind was whirling and bolting wasn’t going to happen.
Yannie found out that we’re seeing each other.
Hairah knew that Yannie knew about her. Hairah talked to her the day she died. But, the way Elijah said those words, though he seemed sorry, felt like an accusation to her.
It felt different.
It felt that she had made a move at him behind Yannie's back.
And it’s breaking her heart.
It was tearing the flesh inside her, creating havoc inside her whirling mind. She wanted to run, cry, or hide.
However, Hairah had to control herself and gain her mind. She swallowed hard and glanced at Elijah's blank face, yet his eyes betrayed him. Those eyes were still sad, in pain and lost.
“Y-You're using incorrect words,” she said quietly, making Elijah’s eyebrows drew together. She continued, “Seeing is… you know… kind of not the proper word to say...” Elijah blinked at her words, and when he was about to speak, she spoke faster. “I mean… I know I'm trying to…”
“Oh d*mn! I get it!” Bulalas ni Elijah na ikinagulat ni Hairah. Sumandal si Elijah at marahas na isinuklay ang mga daliri sa buhok. “Look, I'm sorry, Hairah. That’s not what I mean. I me—”
“I know.”
“Hairah, I’m sorry.”
Nakatingin si Hairah sa plato niyang wala ng laman ngunit damang-dama niya ang bigat sa loob ni Elijah na lalong dumagdag sa bigat na nararamdaman niya.
It’s wrong. Everything is wrong.
“It’s fine, Elijah,” she said quietly. “Wala kang ginagawang mali, wala tayong ginagawang kahit ano.”
Nakuyom ni Hairah ang kamao na nasa ibabaw ng kandungan niya. Alam niyang wala silang ginagawang masama at malinis ang intensiyon nila pareho. Pero, hindi niya alam kung anong iisipin ni Elijah kapag nalaman nito ang nararamdaman niya.
Magagalit ba ito?
Baka isipin nitong oportunista siya at ginagamit niya ang pagkakataon para mapalapit dito. At hindi totoo iyon. Hindi niya maggagawa iyon.
“Hairah, I'm sorry. Hindi ganoon ang ibig kong ipahiwatig.” Elijah said in gently.
“I know,” Hairah kept on whispering, yet her face seemed lost.
“Please, look at me, Hairah.”
Hindi siya tumugon at sa halip ay nanatili siyang nakatingin sa plato niyang walang laman. Hindi niya kayang tingnan ito dahil natatakot siya. Natatakot siya na baka malaman nito ang nararamdaman niya. Natatakot siya…
Malinis ang intensiyon niya.
Malinis ang intensiyon niya.
Paulit-ulit niyang bulong sa isip pero naroon pa rin ang bigat sa dibdib niya.
“Hairah, please.”
Hairah’s body went still when Elijah shifted position from sitting across her to sitting beside her. His other hand lifted her chin and made her look at him. Automatically, her heart beat erratically when their skin touched and their eyes met. His hand felt good. His warm eyes shoot sweet shivers.
“I’m sorry. Sa kabila nang lahat ng pakikinig mo sa akin, hindi ko gustong mapag-isipan ka nang masama. You’re a nice woman, and I can’t bear na ng dahil sa'kin mapasama ka.”
Even the way Elijah talked made her sway. She loved him, even though he didn’t know it. She still loved him, even though he loved his wife so much. It might be wrong, but her heart was a traitor part of her. And, though Hairah couldn’t have him, she would be happy if he found his happiness, and his way out from the dark path.
Hairah’s slim hand held Elijah’s hand, gently pulled it away from her chin, and put it above the table. Elijah watched her as she did this, his handsome face confused.
“I mean no harm, Elijah,” Hairah whispered. She smiled, although she tried her best to make it sweet and sincere, this came out fainted.
“Alam ko. I'm just worried that maybe Yannie think it differently,” he explained in crestfallen face.
Pinagmasdan ni Hairah si Elijah. Mahal talaga nito si Yannie. Wala na ang asawa nito pero iniisip pa rin nito ang nararamdaman at iisipin ni Yannie. Sa nakikita ni Hairah, para sa kaniya, walang babae ang makakapalit rito sa puso ni Elijah.
May pait na ngumiti si Hairah. Hindi siya sigurado sa gagawin pero ang mahalaga'y mabigyan niya ng peace of mind si Elijah. “I don’t think Yannie thought it that way,” she shared, her eyes slid to the side.
“You think so?”
She nodded, still looking at the side, in an empty table sitting near the door. “I don’t know how to say this, but,” Hairah’s eyes swung back to Elijah, who’s waiting for her to continue. “I’m hoping you'll take it positively.” Sinusubukan niyang maging kalmado pero kung masiyadong nag-aalala si Elijah dahil nalaman ni Yannie ang tungkol sa pagkikita nila. She didn’t know how Elijah would take it if he found out that Yannie talked to her.
Nagsalubong ang kilay ni Elijah dahil sa nakikitang kaba at pag-aalalang rumehistro sa mukha ni Hairah. There were few expressions that played on Hairah’s face. Most of those were sweet and sincere, innocent and concerned, dreamy or shy face. Her eyes sometimes tell something, but it’s too deep he couldn’t tell what it was saying. But, now, it’s totally different. She looked worried and gloomy, yet the determination in her eyes pushing his guts to listen to what she was going to say.
“Yannie would never think that you’d betray her,” Hairah started, her eyes not leaving his. “Yannie loved you so much, and all she wanted was your happiness.” Hairah saw how Elijah’s muscles in face ticked, but she ignored it and continued. “Yannie loved you so much. All she cared about was that you should be happy and continue living even after she’d gone.”
Pain and sorrow cut in Elijah’s face, but Hairah kept on talking. “Yannie wanted you to remain in light even she’s not here anymore.” Hairah bit her lower lip after saying those words.
Memories of talking with Yannie slashed in her heart. She could still remember the way she talked about Elijah, how much they loved each other, how happy they were until they’d lost their baby, how they remained strong even after a lot of fall. Yannie was a strong woman whom loved Elijah so much. She’s so strong; she let Elijah go, and left it to Hairah.
But, Hairah knew better, and even before they had talk, Hairah was already watching Elijah’s back, hoping he would be fine, praying he found light again, and still praying he would learn to believe again.
Nevertheless, it's not her that Elijah needed.
“How could you say those things?” Elijah’s cold voice brought back Hairah’s attention to him.
Hairah blinked at him.
“Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan na para bang kilalang-kilala mo si Yannie?” magkahalo ang lungkot, sakit, pagtataka at galit sa tinig na tanong ni Elijah sa kaniya.
Napalunok si Hairah habang nakatingin kay Elijah. Alam niyang maaaring hindi maganda ang kahinatnan ng lahat pero…
“She talked to me. I’m sorry if I didn’t tell it to you. But, Yanni—“
“Seriously?” Elijah asked loudly and madly, leaning to her space. “You talked to Yannie behind my back?”
Naramdaman ni Hairah na napatingin sa kanila ang ibang mga tao dahil sa lakas ng boses ni Elijah pero hindi niya magawang lumingon sa paligid dahil naghahalo ang takot at lungkot rito.
Yannie told her that it might happen. Magagalit si Elijah kapag nalaman nitong nagkausap sila at mas magagalit ito kapag nalaman ang mga napag-usapan nila.
“Y-You have to calm down, Elijah,” she whispered, trying to soothe him, but she wasn’t Yannie, and she couldn’t make him calm down.
“Did she tell you to watch over me, too?” he asked sarcastically, yet his voice sounded as if his in pain, his eyes looked betrayed.
“Please, Elijah, listen to me.” Sinubukan ni Hairah na hawakan ito pero mabilis na lumayo ito sa kaniya. Tumayo ito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya. And, gosh, his look cut deep inside her heart, deeper to what it seemed and she’d expected.
“Is it the reason you’re doing this?” tanong pa nito sabay bagsak ng dalawang kamay.
“No,” mabilis niyang sagot at tumayo na din. “Look, Elijah pl—“
Dissapointed na umiling si Elijah habang nakatingin sa kaniya. “I don’t think so.”
Hairah was about to speak when the guard and one of the waiter came to them.
“Mam, Sir, mabuti pa po siguro kung doon muna kayo sa—”
Tumingin si Hairah sa guard at hindi na ito pinatapos pa. “Pasensiya na sa komosyon. Aalis na kami,” aniya sa mga ito. “Magbabayad lang ako at—“
“No! I’ll pay and we’re done here,” mabilis at mariing sansala ni Elijah sa mga sasabihin sana niya at tumalikod na.
Hindi na siya nagpumilit pa at nahihiyang tumingin sa guard at waiter. Nag-aalala ang tingin ng mga ito sa kaniya pero tinanguan na lang niya ang mga ito at mabilis na kinuha ang bag niya at isinakbit sa balikat. She had to leave.
“Please, pakisabi na lang na uuna na ako. Salamat at pasensiya na,” mabilis niyang pakiusap sa dalawa at nagmamadaling nilagpasan ang mga ito para tumungo sa may pinto. Lumabas siya ng fast food at nagmamadaling pumunta sa nadaanan nilang sakayan kanina. Nasa sasakyan pa ni Elijah ang ilang gamit niya pero hindi niya na kayang magpakita rito.
Sa galit na nakita ni Hairah sa mga mata ni Elijah tiyak na hindi na nito gugustuhing makita pa siya. Hindi niya akalaing magagalit ito nang sobra. Sinabi na iyon ni Yannie at pinaghandaan niya na ang reaksyon nito pero dahil hindi siya sanay sa nakitang galit, sakit, at disappointment sa mukha nito kanina. Hindi niya alam ang gagawin. Mas natatakot siya kapag nalaman nito ang nararamdaman niya para rito.
Hindi. Hindi niya pwedeng malaman. Kailangan niyang lumayo.
“Hairah!”
Hairah heard Elijah’s voice called her, but she couldn’t face him. Not now that tears started to fall on her cheeks. Hindi siya lumingon at mabilis na sumakay sa jeep na tumigil sa harap niya. Mabuti na lang at umandar kaagad ito at kahit ng makalayo na sila sa lugar ay hindi pa rin siya lumingon.
Hairah didn’t look back, and she didn’t see the regret that’s written on Elijah’s handsome face while calling her name.
*****
Walang naggawa si Elijah kundi sundan ang jeep na sinakyan ni Hairah. Inabangan niya ito hanggang makababa ito ng jeep at pasimpleng sinundan hanggang makauwi ang dalaga. Hindi siya nagpakita rito dahil sa maraming dahilan. Hindi niya kayang harapin ang dalaga dahil naggagalit siya sa sarili dahil sa inasta kanina. Nasasaktan siya dahil kahit hindi sabihin lahat ni Hairah ang pinag-usapan nila ni Yannie, nauunawaan niya na kaagad kung ano ang mga iyon. Sa maikling panahong nakilala niya si Hairah ay hindi ito mahirap basahin ngunit mas lalong hindi mahirap basahin ang asawang sa loob ng ilang taon ay nakasama niya’t minahal. Open sila sa isa’t isa na ang bawat kibo’t hininga nito’y alam niya.
Yannie wanted him to let go. She already let him go even before she died. But, Elijah couldn’t. He just couldn’t let go. Yannie and his child’s death broke his heart, and the only thing that kept him living was their memories.
Habang nabubuhay siya, mananatiling parte niya si Yannie.
*****
Hairah was on her side, lying on her bed, hugging one of her comfy pillows. Beside her body, in her bed, was her Bible, devotional books, and her cellphone playing music, filling the whole room with worship songs. She was trying to get her mind distracted but appeared impossible. Mukha lang ni Elijah ang nakikita niya. Ang galit, sakit, at disappointment sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. At, tila isa iyong patalim na paulit-ulit humihiwa sa puso niya.
Ang sakit. Sobrang sakit na hindi niya maintindihan kung paanong kahit hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay ay kumikirot ang dibdib niya.
Gusto niyang isipin na marahil mali talaga na inilagay niya ang sticky notes sa jacket nito, na mali ring nagka-usap sila, mali na pinuntahan niya si Yannie, maling sumama siya dito sa sementeryo, at maling sinabi pa niya ang naging pag-uusap nila ni Yannie. Pero kung uulitin ang lahat, isa lang ang gagawin niya—ang ulitin lahat nang ginawa niya at manatili kahit kaibigan lang.
Ngunit imposible na. Galit na ito at tila dumagdag pa siya sa sakit na meron na ito.
Mariing pumikit si Hairah at isinubsob ang mukha sa unan. Lumuluha siya habang bumubulong.
Oh Lord! Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Hindi ko na alam kung tama nga ba ang ginawa ko. Nasasaktan ako ngunit higit ang kagustuhan kong makita siya muli sa liwanag. Tulungan mo ako, tulungan mo siya. Tulungan mo kaming maghilom ang bawat sugat na meron sa’min.
Nanatiling nakapikit si Hairah habang iniisip na, marahil, babalik na lang sila sa dati—mga estranghero.
*****
May duty si Elijah nang alas-otso ng gabi pero pagkauwi niya sa bahay pagkatapos tanawin mula sa malayo si Hairah ay alak kaagad ang hinagilap niya. Alas-sais na ng gabi siya nakauwi at isang oras na lang ay oras na para pumasok siya. Ngunit tila hindi alintana ang oras dahil patuloy lang siya sa pag-inom na ginagawa. Ang balak niya lang ay uminom kahit isang bote lang, pero ilang bote na’y hindi pa rin siya tumitigil. Lasing na siya’y hindi pa rin nawawala ang sakit.
“Yannie…” bulong niya.
Nakasalampak si Elijah sa sahig habang nakasandal sa paanan ng sofa at sa harap niya’y nakalagmak ang maraming bote ng alak. Madilim ang buong salas maliban sa liwanag na nagmumula sa tv na naka-mute.
“Y-Yannie… Bumalik ka na, love,” patuloy na bulong niya sa kawalan habang nagsisimula nang umagos ang luha sa magkabilang pisngi niya. Susuray na tumayo si Elijah habang hawak ang bote ng alak sa kanang kamay. Tumingala ito sa kabila nang pawala-walang balanse.
“Bakit? B-Bakit ang unfair mo?” sigaw niya sa kawalan pero walang tumugon. “K-Kinuha mo na ang anak ko sa’min… B-bakit p-pati si… Yan…nie pa?” tanong niya at pabagsak na napaupo sa sofa. Bumagsak ang hawak niyang bote at kaagad na nabasag iyon sa tiles. Lumikha iyon ng ingay pero hindi alintana ni Elijah. Patuloy siyang tahimik na lumuluha habang nakaupo sa sofa.
Ilang sandaling namayani ang malungkot at nakakasakal na katahimikan sa paligid hanggang lumipat ang tingin ni Elijah sa nabasag na bote ng alak. Iisa lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang makasama si Yannie, gusto niyang makita muli ang asawa, at gusto niya nang matapos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Lumimot siya ng isa sa maliliit na piraso ng nabasag na bote. Itinaas niya ang pirasong iyon. Nawawala na si Elijah sa sarili niya dala ng kalungkutan at kalasingan dahil tingin niya sa piraso ng matalas na bagay na iyon ay isang magandang hiyas.
Nilaro-laro niya iyon sa kamay niya at napakislot siya ng may kirot na madama sa palad. Ngunit hindi sapat ang kirot na iyon para magising siya mula sa kalasingan.
“Elijah! Elijah! Buksan mo ito!”
Napakurap si Elijah nang marinig ang malakas na tawag mula sa front door kasunod ang sunod-sunod na kalabog sa pinto.
“Elijah! Andiyan ka ba?”
Hindi pinansin ni Elijah ang tawag mula sa pinto at nanatiling nakatingin sa munti ngunit matalas na piraso. Isang mas malakas na kalabog ang nadinig niya ngunit masiyado nang nakatuon ang pansin ni Elijah sa piraso para pansinin ang ingay.
“What the hell, Elijah?” Neil’s loud voice boomed inside the whole living room.
Bago pa nakapagsalita si Elijah ay mabilis na siyang nahawakan sa kwelyo ni Neil at pinadapuan ng isang malakas na suntok sa panga. Bumagsak ang piraso ng bote sa sahig habang bumagsak naman si Elijah sa gilid ng sofa.
“Ano? So, ngayon gusto mo namang magpakamatay?” galit na tanong ni Neil sa kaibigan.
Naramdaman ni Elijah ang pagsakit ng panga niya at tila lahat ng kalasingan ay naglaho. Nag-angat siya nang tingin at sumalubong sa kaniya ang naka-unipormeng kaibigan.
“’Langhiya lang p’re! Alam kong mahal na mahal mo si Yannie pero sana nama’y huwag mong itapon ang buhay mo ng dahil wala na siya!” galit na galit pa ring wika ni Neil sa kaniya.
Pagkarinig pa lang nang sinabi ng kaibigan ay tila bumalik lahat ng sakit sa dibdib niya. Pinilit niyang tumayo sa kabila ng kalasingan.
“Inuubos mo ang oras mo sa pagmumukmok at sa pag-inom ng alak. Sige! Kung iyan ang gusto mo, gawin mo! Pero huwag mo namang sabihin pati ang buhay mo ay sasayangin mo! At kahit ang pagpupulis mo’y itatapon mo!” Nagpatuloy ang kaibigan niya sa pagsasalita pero wala siyang pakialam.
“Hayaan mo na ako, Neil.”
Pagak na tumawa si Neil. “Sa palagay mo ba ay matutuwa si Yannie dahil sa ginagawa mo?” sarkastikong tanong nito.
And that’s the cue. Elijah whirled at him, catching him at his collar. “Wala kang alam. Hindi ikaw ang nawalan kaya pwede ba tigilan mo na ako.”
Natilihan si Neil sa ginawa at sinabi ng kaibigan. Hindi siya makapaniwala sa ginawa at nangyayari kay Elijah. He totally lost it. Elijah totally lost it.
“Huwag mong itapon ang natitirang meron ka pa, Elijah. Marami pang ta—“
“Si Yannie lang ang kailangan ko!” malakas na sigaw ni Elijah rito at pagkaraan ay marahas na binitawan si Neil. “Umalis ka na. Susunod na lang ako sa stat—“
“Susunod? Nang ganiyan ang ayos mo? Seriously, Elijah?” Napahilamos si Neil sa mukha niya na para bang nauubusan na siya ng pasensiya sa kaibigan. “Nawala na si Yannie, baka mamaya’y magulat ka na lang at nawala na rin ang pangarap na sabay ninyong inabot.” Bumaba na ang tinig ni Neil ngunit kitang-kita ang lungkot at disappointment sa mukha nito habang nakatingin kay Elijah.
Parang itinulos sa kinatatayuan si Elijah. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito.
“Malaking dagok noon kay Yannie na tumigil sa pagpupulis. Ngayong wala na siya, umaasa siyang itutuloy mo pa rin ang buhay mo at pangarap ninyo, Elijah. Itatapon mo na lang ba rin iyon?”
Hindi sumagot si Elijah. Natigilan siya habang nakatingin sa kawalan.
“Hindi lang ikaw ang nawalan, Elijah. Asawa mo siya at kaibigan namin siya. Hindi rin madali sa’min at pilit naming inuunawang mas hindi madali sa’yo ang nangyari. Sana naman makita mong may mga kaibigan ka pa.” Naging pahina nang pahina ang tinig ni Neil.
Nagsimula na rin itong maglakad patungo sa may pinto, laglag ang balikat.
Nasa may pinto na ito nang tumigil at nilingon ang kaibigan. “Hindi ka nag-iisa, Elijah. Tandaan mo iyan. Hindi ka nag-iisa. Pero kailangang mong imulat ang mga mata mo.” Iyon ang huling salita ni Neil bago tuluyang lumabas ng pinto at isinara iyon.
Nanghihinang napaluhod si Elijah sa sahig at bago pa niya napigilan ang sarili'y napahagulhol na siya.
“Hindi ka nag-iisa, Elijah. Tandaan mo iyan. Hindi ka nag-iisa.”
Lalong napahagulhol si Elijah nang maalala ang sinabi ng kaibigan.
“Gusto kong maging masaya ka, love. Kahit wala na ako, gusto kong maging masaya ka, Elijah.” Nakangiti ang pagod at hapis na mukha ni Yannie habang nakatingin kay Elijah.
Isinubsob ni Elijah ang mukha sa dalawang palad habang patuloy na lumuluha.
“Gusto ko lang sabihing, natakot ako kanina... Pero, naniniwala akong makakauwi pa rin ako. Salamat sa padating, Elijah.” Buong-buo nang pag-asa ang ngiti at mga mata ni Hairah na nakatingin kay Elijah.
“Pero kailangang mong imulat ang mga mata mo…”
“You’re a human, Elijah. Walang sinabi ang Diyos na hindi kayo pwedeng manghina at mapagod. Ang nais niya’y kapag napagod at nanghina ka’y lumapit ka sa Kaniya.”
“Ano na bang nangyayari sa'kin?” nakasubsob ang mukha sa dalawang palad na anas niya.
Come to me again, my child… I’m just here…
*****