Kabanata 1: The Boy Next Door

1254 Words
Mature Content Warning: This novel contains mature contents, explicit languages and violence that may not be suitable for ages under 18+. Read at your own risk. (Kung lumagpas ka rito sa kabanata 1 at may nasabi ka pa rin, problema mo na 'yon bahala ka diyan hahaha, the plot of this story is intended for my open-minded/hindi pa-righteous, lovely readers.) KABANATA 1: The Boy Next Door NAIINIS na naghintay si Ariani sa labas ng kanilang bahay habang panay ang sipat sa suot na relo. Nasaan na kaya ang mga ‘yon? Hinihintay niyang dumating ang dalawa niyang best friend, si Travis na nagagalit kapag hindi pa siya nakakaligo at nakakapag-ayos ng sarili kapag dumadating na ito sa bahay nila papasok ng university at si Myra naman na siguradong tatalakan siya kapag nagtangka siyang umabsent kahit isang araw lang, sinesermon pati ang tuition fee. Agenda nila ngayon na magpunta sa bahay nila Travis para gumawa ng research paper nila, third year college student na sila Ariani at ang kurso ay Business Management, hindi niya man gusto pero kinuha niya dahil ‘yon ang gusto ng nagpapa-aral sa kaniya. Malayo talaga roon ang hilig niya, mahilig si Ariani sa arts, pagpipinta at hindi business-related course ang nasa puso niya. Kaso wala naman siyang laban sa gusto ng kaniyang ama na puro pagpapayaman sa negosyo ang nasa isipan. Wala tuloy siyang choice kundi kumapit sa mga matalik na kaibigan pagdating sa paggawa ng transes at group review, kailangan pumasa at minamadali na siya ng tatay niya sa pagkita ng pera! “Bwisit na mga ‘yon, hindi ako nag-gluta para magpabilad lang dito sa initan!” Gigil niyang bulong sa sarili habang dinudukot ang cellphone sa bulsa ng kaniyang short skirt. Balak niya sanang itext ang dalawa pero naagaw ng sasakyang dumaan sa kaniyang harapan ang kaniyang pansin, isang tingin lang sana ang balak niya pero bigla pa itong huminto sa katabi ng mansyon nila. Bumaba mula roon ang lalaking hindi pamilyar sa kaniya, friendly si Ariani sa buong street at bawat street ng buong exclusive village kung saan siya nakatira kaya naman kilala niya ang bawat homeowners, kaya napapatanong siya kung sino itong kasalukuyang bumababa sa hindi pamilyar na sasakyan. Nakasuot ng black sweater shirt ang lalaki at khaki shorts, makisig ang katawan, muscular maging ang magandang hulma ng mga balikat nito kaya naman napalabi si Ariani. Mas lalo pa yatang hindi na siya nag-alis ng titig doon nang humarap sa gawi niya ang lalaki para magtungo sa trunk ng kotse at ibaba ang ilang mga kahon na may lamang gamit sa bahay. He’s tall and cute! Naramdaman yata ng lalaki ang titig niya rito kaya naman napalingon din ito sa gawi niya, nagkaroon sila ng ilang segundong titigan na matapang niyang tinapatan, she even smiled sweetly at him, pero ang isa ay naiilang na nag-iwas lang ng tingin saka inatupag ang ginagawa. Napairap si Ariani, ngingiti ka lang pabalik eh, singhal niya sa isipan. Dumiretso na lang siya sa bahay ng mga kaibigan at hindi na hinintay ang mga ito na sunduin siya. Ayaw na ayaw pa naman niya ang nabibilad, nasisira ang kutis niya! NANG TUMAPAT ang mga kamay ng orasan sa pasado alas tres ng hapon ay mabilis na isinara ni Ariani ang laptop matapos i-save ang ginagawang research paper. Wala talaga siyang interes gaano sa mga ganitong bagay gaya ng hilig ng dalawang kaibigan! Ang hilig niya kasi ay makipag-socialize sa ibang estudyante sa university, bukod sa may hinahawakan siyang popularity bilang cheerleader ng campus ay mahal na mahal pa siya ng lahat ng tao roon. Well bakit nga naman ba hindi? Nasa kaniya na ang lahat ika nga ng mga naroon. “Okay, uwi na tayo, tapos na ang 2 hours na pagiging researchers!” Anunsyo niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Myra at Travis na parehong nakaupo sa kaharap na table. “What? Maaga pa tayo bukas, ayaw niyo naman sigurong late akong makauwi ng bahay kakaaral natin at late akong makatulog ng gabi at late magising at late makaligo at late makapag-makeup at damay-damay tayong late makapasok sa university dahil sabay-sabay tayong pumapasok?!” “Alas tres pa lang ng hapon, Yani, paano ka malalate ng tulog sa gabi mamaya?” Pag-aangat ng kilay ni Travis. “Tinatamad lang ‘yan. Ang bigat mo kagrupo, Ariani Meneses!” Singhal pa ni Myra. Ngumiwi si Ariani sa dalawang kaibigan na walang-prenong kinakausap siya. “Excuse me, ipapasa naman tayo ni Sir Santos sa research defense, okay? Type niya ako, I promise dadaanin natin sa beauty ko ’yan!” Her best friends pursed their lips. Totoo rin namang napapakinabangan nila ang impluwensya at hitsura ni Ariani sa academics, ilang beses na silang nabigyan ng perfect score dahil may mga gusto ang mga propesor sa magandang kaibigan. Wala na yatang hindi kayang gawin ang kaibigan nila kaya mas lalong lumalaki ang ulo. Sa kanilang tatlo, si Ariani ang pinaka-liberated ang ugali at kilos, open ito sa lahat ng klase ng bagay at lahat yata ng rules ay gustong suwayin. Kaliwa’t kanan nga ang boyfriend. Mabuti na lang at nasa tabi niya ang dalawang kaibigang matured mag-isip sa lahat ng bagay, Travis and Myra. Nang mapagpasyahang umuwi na ay naikwento niya sa dalawa ang bagong mukhang nabungaran niya kanina lang sa tabi ng kanilang bahay. “Ah, oo, balita ko nga galing kay mommy kagabi.” tango-tango ni Travis sa kaniya. “A bachelor will occupy that house.” “Talaga? Mag-isa lang siya?” napaawang ang bibig na asik ni Ariani. “Ang laki-laki ng bahay,” “Malay mo marami siyang iuuwi na babae niya.” Komento ni Myra saka inayos ang suot na salamin sa mata. "Pogi ba? Alam mo naman ang mga ganiyan, paramihan ng babae na parang achievement sa buhay kapag ganoon.” Ngumuso si Ariani. " Eh what's wrong with paramihan ng babae o lalaki? Malay mo naman he’s just looking for someone to marry at palaging trial card ang nadadale ano.” Depensa ni Ariani. “Nako, ikaw ba sa dami ng boyfriend mo, looking for someone to marry ka ba? ‘Di ba hindi naman? Kasi trip mo lang naman talaga magboyfriend ng marami!” Singhal sa kaniya ni Travis na palagi siyang sinesermonan pagdating sa lovelife. Mas pinipigilan pa siya nito kaysa sa parents niya! Travis is her long time best friend, pareho sila ni Myra, bukod sa pagiging matalik na kaibigan ay kababata niya rin ang mga ito, sabay silang nag-aral mula pa daycare at ilang bahay lang ang pagitan sa tinitirahan sa kanila. Magkakalapit lang din ang mga edad nila na 19 years old. Travis is the brother he never had and Myra is her not blood-related sister na caring at totoo para sa kaniya. Magkakaiba sila ng attitude at hilig pero sadyang napagkakatiwalaan nila ang isa't isa, nagpapasalamat si Ariani roon. Uhaw talaga si Ariani sa pamilya gaya ng ginagampanan ng dalawa sa buhay niya magmula pa noon. Hindi kasi kumpleto ang pamilya niya sa bahay nila at kahit kailan ay hindi magiging posible na maging kumpleto. May kapatid siyang babae na mas matanda sa kaniya ng isang taon, si Julie ‘yon at may Mommy Erica siya, mayroon ding Daddy Julius. Pero pangalawang pamilya lang sila na ayaw niyang pakisamahan, patay na ang totoo niyang ina. May kaya sila sa buhay at malago ang negosyo. Talented si Ariani, may hitsura at pwede na sa talino. Little did they know that what they see is never the truth for Ariani.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD