KABANATA 2: Lawrence dela Merced
Nagpaalam si Ariani sa dalawa at nagkunwaring papasok na ng bahay nila nang makarating sa kanilang street.
Ilang segundo siyang nagbilang saka sinilip ang labas ng gate kung nakaalis na ang dalawa, napangiti si Ariani saka masayang dumiretso sa katabing malaking bahay ng kanila.
Curious talaga siya sa boy next door na lumilipat, he’s just too cute for her, pasok sa taste lalo na't matangkad at mukhang may kaya sa buhay.
Napansin niyang hanggang ngayon ay naroon pa rin ang sasakyang nakita kaninang tanghali pero nadagdagan ito ng nakaparadang moving trucks habang nakamalapad na bukas naman ang silver steel na gate ng bahay.
Napanguso siya at dahan-dahang lumapit sa gate, nilalagpasan ang mga tauhang nagbubuhat ng mga gamit papasok sa loob ng bahay.
DELA MERCED RESIDENCE
Dela Merced? Sounds really familiar to her.
Ariani scratches her nose, inaalala kung saan nga ba narinig 'yon? Itatanong niya na lang sa kasambahay nilang daig pa ang all-knowing sa lahat ng impormasyon. In short, mga tsismis, mahilig kasi ito sa news at social media, parang millenial ganoon.
Akmang aatras na sana siya para bumalik na sa mansyon nang makarinig ng malakas na pagkabasag ng kung ano, kaya naman impit siyang napatili dahil sa gulat. Agad na tinignan niya kung ano ang nangyari sa bandang likuran niya at natagpuan ang mga trabahador na napapakamot-ulo dahil sa ngayon ay basag na gamit sa sahig.
Nagkalat din ang iba pang mga gamit mula sa nakatumbang box, gaya ng maliliit na bola ng pingpong at mga libro.
“Anong nangyayari riyan?”
Mula sa gate ay may lumabas na lalaki, mas matangkad ito kumpara sa kaniya at gulu-gulo ang itim na itim na buhok. Nakasuot ng simpleng fitted brown v-neck shirt at khaki shorts, pawis na pawis ang noo maging ang dibdib na mahahalata sa basang parte ng damit.
Kahit na simple lang ang suot nito ay mahahalata naman sa maputing kutis maging sa tindig ang malakas na appeal at pagiging anak-mayaman. He’s lean, has a good posture, matangos ang ilong na kapansin-pansin, bumagay pa ang magagandang mga mata nito at ang pangangatawan ay sakto lang adding definition to his masculinity.
Oh, here comes her tall and cute neighbor!
Tahimik lang na lumapit sa mga gamit iyong lalaki at isa-isang tinulungan ang mga trabahador para pulutin ang maraming gamit na nagkalat saka inilagay sa loob ng kahon.
Pasimpleng napangiti ang dalaga nang makitang hindi man lang ito nagalit sa mga trabahador, so he's nice?
Napunta ang atensyon ni Ariani sa maliit pang box na napansin sa tabi ng kaniyang paahan, she immediately smiled saktong gusto niyang magpapansin. Agad niya ‘yong pinulot saka walang alinlangan na lumapit sa harap ng ngayon ay nakatayong bagong kapitbahay na binata.
Tumikhim siya para makuha ang atensyon niyon. “Sa ‘yo rin yata ‘to,” saka niya in-extend ang braso upang ipakita ang maliit na box.
Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay ngumiti si Ariani sa kaniya. “By the way I’m Ariani, nice to meet you...”
Nakita niyang nagtagal ang titig nito sa kaniyang mukha na parang natigilan o kinakabisado ang kaniyang hitsura, lalo tuloy ngumiti ng matamis ang dalaga at hinawi ang buhok sa likod ng tainga.
Sa mga ganiyang uri ng tingin ay sanay na sanay na siyang ibinibigay palagi ng ibang lalaki sa kaniya. Iyon nga lang mukhang hindi naman siya type ng binata, pagkatapos siyang titigan ay walang emosyon naman itong nag-alis ng tingin!
Lumabi ang dalaga. Ang binata ay mukhang half-foreigner at idagdag pa ang makisig na katawan.
Though he looks older than me, cute pa rin naman, pero ayaw pa rin ngumiti pabalik! ani Ariani sa kaniyang isipan.
“Lawrence.” Sa wakas ay pakilala ng binata sa kaniya. Tinanggap nito ang kaniyang kamay at marahan pang pinisil ‘yon, napaangat ang kilay ni Ariani. “Lawrence dela Merced. Nice to finally meet you, Ariani.”
"Finally meet me? Do you by any chance heard my name somewhere already?" Tanong ni Ariani sa kaniya.
Biglang natigilan ang binata tila natauhan sa binanggit kanina. "Actually, I went to Harrison University-"
"Doon ka rin nag-aaral?!"
Hindi sinagot ng binata ang tanong niya at sa halip ay tipid na ngumiti. "When I went in that university everyone's talking about someone named Ariani, you seem popular in that campus."
Ariani chuckled sweetly. "Well, everyone from that university loves me..." hindi niya idinugtong ngunit gusto niyang ang kaharap din ay magustuhan siya ngayong nakukuha nito ang atensyon niya.
"Is that so? I wanna know why, then." Ani Lawrence. "See you around, Ariani." Paalam ng binata bago pumasok ng bahay na nililipatan.
She bit her lower lip and suppressed her smile. Pinanonood itong maglakad palayo sa kaniya. Sure, I will show you why!